"What happen?" at inabot ni Olivia ang basong tubig sa akin tsaka tinabihan akong umupo dito sa sofa. Kinwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari.
Hindi naman siya makapaniwala sa parte na may sakit si abby, yes she knows abby. Kasama ko si Olivia sa pag-interview kay abby at si olivia din ang pansamantalang nag-aalaga kay Ganna. At kay abby naman, She knows how strong abby is.
Pero hindi ko pa din sinasabi ang pagkikita namin ni Russel. it was just an unexpected at masasabi kong, Russel has change...a lot. Pero mainitin pa din ang ulo. Iwinaglit ko na iyon sa isipan ko at muling binalingan si Olivia.
"I hope she'll treat as soon as possible." At sinip ang kape niya.
tumango ako at katahimikan ang namalagi sa amin.Naisip ko si Ganna na natutulog ngayon, hays hindi ko na naman siya naabutan. Palagi ko na lang siyang naaabutang tulog na at sa umaga naman hindi ko siya magising dahil maaga din ako sa trabaho.
Halos si Olivia na ang saksi sa lahat ng ginagawa ng anak ko, minsan ko na lang siya makasama kapag may free time ako sa hapon. I always check her sa school.
Sila na ata ni Olivia ang mag-ina hahaha.
"Tomorrow is Saturday, anong balak mo?" ah oo nga pala, I call it as my day off. "Hinihintay ka ni Ganna kanina, ang kulit talaga ng batang 'yon haha. Guess what kung kanino siya nag-mana." Napatahimik naman ako sa sinabi niya.
Tinignan ko siya at hinampas, "Shut up" dahil nang-uuyam na naman ang mga ngiti niya, she always come up the topic about him, at sanay naman na ako eh.
Pero hindi ko pa 'din mapigilan yung pakiramdam na...sobrang takot ako. Natatakot ako.
Sumandal ako at pumikit, at para bang mayroong imahe sa isip ko at inaalala lahat.
"Stay, please gianne. Ikaw lang ang gusto ko." Humarang siya sa harap ko at biglang hinapit niya ang bewang ko ng mahigpit.
"Itigil na natin 'to"
"What have I done? What's with him? Gianne, I can give you ANYTHING and EVERYTHING love, I love you. Please, don't do this. Hindi ko kaya."
"Gianne?"
"KAYANG KAYA NIYANG IBIGAY ANG HINDI MO KAYANG IBIGAY."
"Gianne?"
Napamulat ako,
"Are you okay?" tanong niya.
Umayos ako ng upo.
"I think I'll better go now, late na 'din kasi. Magpahinga kana 'din."
Nginitian ko siya at niyakap, "Salamat sa pag-aalaga kay Ganna, oli." gusto ko mang sabihin at ilabas 'yong bigat, hindi pwede.
Nakaya ko 'to ng mag-isa.
"Hangga't nandito ako tutulungan ko kayo kahit pa....ilang araw na lang kailangan ko na 'ding umalis." ramdam ko ang pag-iba ng boses niya, hindi ko 'din maipagkakaila ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Gusto ko siyang damayan pa pero kahit anong sabihin ko pipigilan niya lang ako. Mas lalo tuloy bumibigat ang pakiramdam ko sa dahilang aalis siya at wala na sila ng 10 years boyfriend niya na si Calem.
Calem is not your typical guy, hindi siya yung ibang lalaki na pa-cool lang. Calem is a gentleman, sweet pagdating kay olivia at madalang mo lang siyang makitang ngumiti except for olivia. Ang mga ugali na hindi pa namin nakikita kay calem ay si olivia lang ang nakakaalam at pati ang paghiwalay nila ay sila lang.
BINABASA MO ANG
Escaping The Erotic Billionaire
Romance(R-18) "Kung kailan malapit nang maayos at bumabalik sa dati ang lahat, kung kailan masaya na ako, kung kailan gusto ko nang maging tahimik ang dating magulo kong mundo at kung kailan makakamit ko na ang kapayapaan sa buhay ko at maibabaon ang sakit...