ESCAPE 5

398 44 8
                                    


GIANNE's POV

"Mom? Why tita oli needs to go to US?" Tanong ni ganna.

Inupo ko siya sa tabi ko at sinuklay ang mahabang buhok niya, nakaupo kami sa bench dito sa loob ng airport habang hinihintay namin si oli kasama ang tita vivian at si johan. Yung tipong mas nauna pa kami ng anak ko dito sa airport jusme.

"There's an important matter that she needs to do and she'll fix it as soon as possible." paliwanag ko.

"Okay?" litong sabi niya, 

"Uuwi 'din naman ang tita mo." sabi ko at lumingon lingon sa paligid.

Maya-maya pa ay tanaw ko na ang kumakaway na si johan, tumayo ako at sinalubong sila ng yakap, matagal ko na 'ding hindi nakita sila tita at johan. Kahit pa noong dumating kami dito ay hindi ko magawang bumisita man lang.

"ATE GIANNE?" Hindi makapaniwalang sambit niya at nilagay ang palad sa bibig at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, "YOU ARE SO GORGEOUS!" puri niya at tila hindi makapaniwala sa nakikita, napa-tawa naman ako at hinampas siya sa braso.

"Ang laki mo na!" at hinarap siya tsaka tiningkayad ang height niya. Parang kahapon lang ay hanggang leeg ko lang ata siya. Hays, panahon nga naman.

Bago ang flight ni olivia ay nag-kwentuhan lang kami, pinakilala ko 'rin sa kanila si ganna. Kinausap ko 'din si tita Vivian tungkol sa lumipas na taon. Sobrang natutuwa naman sila at walang ibang ginawa kundi ang kausapin ang anak ko.

Kahit kita ko sa kanila ang pagtataka nang tungkol kay ganna ang usapan ay labis ko namang naiintindihan at pasalamat talaga ako kay olivia na siya ang nagkuwento. Walang nakakaalam kay ganna maliban sa pamilya ko, kay olivia at sa mga ka-trabaho ko.

Habang tinititigan sila ay napansin ko si olivia na balisa.

Nilapitan ko siya at tinanong kung ayos lang ba siya, tinitigan niya muna ako bago ako sagutin,

"I'm very okay," at gumuhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi at hindi pa 'din bumibitaw sa pagtitig sa akin. 

Niyakap ko siya dahil alam ko naman na hindi okay ang lahat, ngayon ay nangingilid ang mga mata niya.

"It's okay," at hinagod ang likod niya, "Everything's gonna be okay...soon" sabi ko upang kahit papaano ay mapatahan siya, narinig ko naman ang pag-singhot niya.

Hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi niya tsaka pinahid ang luha. I hate seeing tears.

"You need to be strong, not for others but for yourself." sabi ko.

Ilang minuto pa ay sinulit namin ang kuwentuhan, nang oras na ng flight ni olivia ay malungkot na nagpaalam ang mommy at kapatid niya at syempre gano'n din si ganna. 

Napapaisip na talaga ako sa pagsasama nilang dalawa, napa-iling na lang ako. Olivia is such a brat, pero makikita talaga sa paglipas ng panahon ang pagbabago ng isang tao.

Sometimes, you don't change for the people but you change because that's what your inside say so and you need to fill it. Kasi ikaw lang ang nakakaramdam kung ano ang mas makakabuti sa sarili mo, puwera na lang kung hindi tama.

Makalipas ang isang oras ay kasama pa 'din namin sila tita vivian, inalok kami ng masasakyan kasi alam nilang hindi namin dala ang sa amin, ngunit tumanggi ako.

Nagyayaya kasi si ganna na pumunta ng Amusement park.

Nagpaalam na kami sa kanila at naghihintay ng taxi.

"Mom, do you have work tomorrow again?" tanong ni ganna.

"Yes baby, why?" 

"Can I come with you?" and why?

Escaping The Erotic BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon