First, i dedicate this chapter to hawkoy i hope you love it! And again, this is just short update ❤️
********
OLIVIA's POV
"You like it?" Hinawi niya ang buhok ko at isinuot ang kwintas sa akin.
Ngumiti lang ako.
"It fits you well."
Hinawakan ko ang pendant, nakaukit dito ang pangalan ko.
"Have a sit."
Ilang minuto ang namalaging katahimikan, tinititigan ko lang ang tahimik na restau.
"Your mom agreed to my offer." Sabi niya na ikinagulat ko ngunit binawi ko 'din.
Pa-simple na kinuha ko ang cellphone sa bag at pairap na hinablot ito. Nakita ko ang tatlong messages.
"So! Your dad is waiting, can we go after we eat?"
Binalingan ko siya. "Uhmm sure!"
Binuksan ko ang mensahe at kumunot ang noo ko sa sinabi ni mom.
'I know you're doing well oli, i agree na. If that is your decision, I'll tell myself to be happy. I vote Dexter na.'
Napabuntong hininga ako, si mom talaga oh. Nakuuu! Kapag talaga nakita ko siya makukurot ko talaga siya sa singit.
Tinago ko na ang cellphone at humarap kay dexter. Nakatitig siya sa'kin na ipinag-taka ko.
Itinaas niya ang kanang kamay para abutin ang palad ko pero tumikhim ako.
"Ang init pala dito." Sabi ko at kunwaring ipinaypay ang kamay ko sa mukha.
"Oh my! Do you want me to tell to the staff? Just wait me here." Nagulat ako nang tumayo siya.
"W-wait! It's okay! I'm okay!" Sabi ko pero para siyang walang narinig at patuloy na naglakad.
Napapikit ako. I'm really in trouble.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano siya haharapin at kakausapin, I'm not really comfortable to him pero kailangan kong mawala iyon dahil fiance ko siya at ilang araw na lang ay magpapakasal na kami. Kaya naman ay gagawa ako ng paraan para maging sa kaniya lang ang atensiyon ko.
Napalunok ako sa desisyon na iyon. Kailangan kong mahalin ang taong kakikilala ko pa lang, iyon ang sabi ng daddy.
Iniwas ko ang isiping iyon. Hinanap ko agad siya dahil kanina pa siya wala.
Pero naramdaman ko ang pag-ikot ng tiyan ko at kasabay ng pag-ikot ng paningin ko.
Agad akong tumayo at hinanap ang Comfort room. I hate doing this stuff, naalala ko na naman ang eksena noong nasa mall ako sa pilipinas. Tch!
"Hello miss, what do you need?" Salubong sa akin ng babaeng amerikana.
"I need the comfort room, right now." Sabi ko. Pero nakita ko agad ito at mabilis na tinungo. Hindi naman siguro ako nagkamali?
Hindi na ako nakapag hintay ay pumwesto ako sa sink at pilit inilalabas ang sakit. Nagsusuka lang ako ng nagsusuka, walang pakialam sa makakakita at makakarinig sa akin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Ang bilis ng tibok ng puso ko nang matapos, sobrang pagod ako na akala mo ay nakipag-karera ako sa isang car racing.
Huminga ako ng malalim at bubuksan na sana ang faucet nang maramdaman ko na naman ang pagsusuka.
"Shit!" I murmured.
BINABASA MO ANG
Escaping The Erotic Billionaire
Storie d'amore(R-18) "Kung kailan malapit nang maayos at bumabalik sa dati ang lahat, kung kailan masaya na ako, kung kailan gusto ko nang maging tahimik ang dating magulo kong mundo at kung kailan makakamit ko na ang kapayapaan sa buhay ko at maibabaon ang sakit...