Hindi ako mapakali habang nagmamaneho, pasulyap sulyap ako sa cellphone ko at naghihintay ng tawag niya.
Kung hindi sana kami pumunta doon ay hindi mangyayari ito, hindi ko na alam ang gagawin at kailangan kong maghunos dili.
Parang sobrang napaka-bilis ng pangyayari.
Tinignan ko ang mensahe na ipinadala niya kanina.
'If you want to get her. Come to this address xxx LL Bldg. I can't wait to see you.'
Ang nararamdaman ko kanina ay tila ba bumabalik, nanghihina ang katawan ko at para bang lalagnatin ako. Sumasakit 'din ang ulo ko at isabay pa sa nangyayari.
For now, i want to focus to my baby girl at kailangan 'ko siyang makuha agad. Pagkatapos no'n ay aalis kami, hindi ko alam kung saan pero isa lang ang nasa isip ko,
Babalik kami ng italy.
Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko o ang pangyayaring nangyari na.
Ito na naman, bumubuhos na naman ang luha ko. Pinunasan ko ito.
Sa 'di kalayuan ay tanaw na tanaw ko na ang building na sinasabi niya. Bago lang ito sa paningin ko. Medyo traffic pa nga pero mabilis naman ang pag-usad kahit papaano.
Nang makarating sa building ay medyo nalula ako sa laki at taas nito kalaunan ay pinark ko ang sasakyan at tinahak ang loob.
Bumalandra sa akin ang eleganteng entrance, pinasok ko ito. Nilibot ko ang 'tingin sa kabuoan at pumukaw ang isang counter na may nakalagay na Information Area.
"Good afternoon Ma'am, what can I help you?" bati sa akin ng babaeng blonde ang buhok.
"I--I'm looking for Lucas." wala sa sariling sagot ko, ngunit sa loob loob ko ay kinakabahan ako.
Nalilitong tinignan niya ako "Mr. Liam Lucas po?" tanong niya, marinig ko pa lang ang pangalan niya ay iba ang epekto sa'kin, nangangatog ang tuhod ko.
"O-oo miss." sagot ko.
"Ano pong name ninyo Ma'am?" tanong ulit nito
"Gi-gianne Song," maikling sagot ko.
Tumango siya at may inabot na papel tsaka ito binasa.
"Wait lang po ma'am, check ko lang po kung under meeting si sir." sabi niya at tumango na lang ako.
Napatingin ako sa paligid, nasa lobby area ako. Tulad ng sabi ko kanina ay bago lang sa paningin ko ang building na ito dahil wala pa naman ito noon. Masasabi kong talaga namang high class at sobrang elegante.Hindi na ako magtataka kung isang Liam Grey Lucas ang pagmamay-ari nito. Mula sa interior designs, classy floor tile na tila ba sumisigaw ng yaman at mahihiya kang apakan at daanan ito, mas pukaw tingin 'din ang nakakabigahani at magarbong chandelier na nagbibigay ng soft mood at talaga namang iwewelcome ka.
Ngunit hindi good ang mood ko ngayon at ni kailan ay hindi magiging maganda ang lahat hanggat hindi ko nakikita at nakukuha ang anak ko.
"Mr. Liam Lucas po...opo," napalingon ako sa babae at may kausap ito sa telepono. Tumatango tango lang ito sa kausap niya. "Copy Miss Chel," at binaba ang telepono.
"Sorry Miss song, wala daw po si Mr. Lucas sa office niya at kinansel niya daw po ang lahat ng appointment niya ngayong araw." sabi niya na ikinagulat ko.
"ANO?!" hindi ako makapaniwala.
Papaanong wala!? ang sabi niya saakin ay dito ako pumunta at nandito ang anak ko! hindi ako makapaniwala, ang lalaking 'yon!
BINABASA MO ANG
Escaping The Erotic Billionaire
Romance(R-18) "Kung kailan malapit nang maayos at bumabalik sa dati ang lahat, kung kailan masaya na ako, kung kailan gusto ko nang maging tahimik ang dating magulo kong mundo at kung kailan makakamit ko na ang kapayapaan sa buhay ko at maibabaon ang sakit...