Chapter 2

19 0 0
                                    

Chapter 2

Brianne's POV

"Bri!"

Sinubukan naman akong gulatin ni Gio kaso hindi naman ako nagulat.

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko naman.

Napansin ko naman na napatingin mga tao sa amin.

Ang sama ng tingin nila.

Hindi sa akin.

Kundi kay Gio nasa tabi ko na pawis na pawis at medyo malakas ang pagkakasabi niya ng "Bri!"

Napa-peace sign nalang siya sa kapwa students namin.

Natawa naman ako sa naging reaction niya.

Pawis na pawis siya.

Ang baho niya!

Huhu!

Bakit di man lang siya nagpalit bago pumunta dito sa library?

Dumistansya naman ako sa kanya at lumipat ng table.

Hindi ko po siya kilala. Haha.

Napansin kong napangiti siya sa ginawa ko.

Sinundan niya naman ako at tahimik ng umupo sa tabi ko.

"Ang ingay mo talaga!" bulong ko.

Mas maingay pa talaga siya kaysa sa akin!

Nag act naman siya na ni-zipper niya yung bibig niya.

Napansin ko nalang na kumuha siya ng towel at white shirt mula sa bag.

Umalis naman siya at nagtungo sa CR para magbihis.

Talagang dito siya sa library nagpalit?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng notes ko.

May quiz kasi kami mamayang alas dos sa Science.

And it's already 12:20 pm.

I still have 40 minutes left na magreview bago magsimula ang Filipino class namin ng 1-2 pm.

And I'm here at our school library kasi tambayan ko dito tuwing 12-1pm.
After I eat my lunch, diretso agad ako dito to stay.

Malamig din kasi dito. May aircon!

"Bakit pawis na pawis ka?" tanong ko sa kanya nang makabalik siya at makaupo sa harapan ko.

"Ah! May praktis kami ng badminton kaninang 10 am - 12 pm," sagot naman niya.

"Ah! Right! Badminton player ka nga pala," sabi ko naman.

"So bakit ka naparito ulit?" tanong ko naman.

Nakakagulat kasi siya eh!

Bigla biglang sumusulpot sa tabi ko.

Ano bang kailangan niya sa akin ngayon?

"Diba may quiz sa science mamaya?" tanong naman niya.

Wow!!

Naalala niya!

Alam niya!

Nakikinig din pala talaga ito kay teacher lalo na kung nakaupo siya sa harapan.

Napangiti naman ako.

"Oo," sagot ko naman.

Nanahimik naman siya kaya pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ng notes sa Science.

"Uhmm..."

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Nandito ako para hiramin sana yung Science notebook mo."

"...kung pwede?" dagdag niya.

Napakunot-noo naman ako.

"Teka..." sabi ko naman at napatingin sa wall clock ng library.

12:27 pm.

"Ah wait! Kung hindi ka pa naman tapos magreview, hihiram nalang ako sa iba!" mabilis niyang sabi.

Natawa naman ako sa reaksyon niya.

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Bigyan mo ako ng five minutes more na magreview ako, tapos ipapahiram ko na sa 'yo 'tong Science notebook ng isang oras," ngiting sabi ko naman.

Kanino naman kasi kaya siya hihiram ng notebook?

Eh? Halos ng classmates namin na girls, hindi niya kinakausap.

Mahiyain daw siya eh.

Kaya classmates lang na boys kausap niya. Plus syempre ako!

Hindi ko din alam kung bakit lang ako ang kaibigan niyang babae?

Uhm...?

Bakit ko ba iniisip eh parehas lang naman pala kami?

Hindi ko gaanong kinakausap mga classmates kong girls.

Mahiyain din kasi ako at seryoso sa pag-aaral.

Kaya naman iniiwasan kong makipagkaibigan sa mga classmates kong girls para maiwasan ko din ang makipagdaldalan.

Kaya pala kami nagkasundo ni Gio kasi parehas lang naman pala kami. Haha.

Ang kaibahan lang, madaldal siya at tahimik naman lang naman ako.

"Thank you, Bri!" Ngiting pasasalamat naman sa akin ni Gio.

"Hala! Ako nga dapat magpasalamat sa'yo eh!" sabi ko naman.

"Bakit naman?" naguguluhang tanong niya.

"Basta salamat!" ngiting sabi ko naman.

Gaya nga ng sinabi ko, nireview ko pa ang Science notes ko ng five minutes bago ko ipinahiram sa kanya.

Nandito pa rin kaming dalawa sa library.

Natapos na din naman kasi akong magreview kagabi.

Inulit ko lang magreview ngayon para mapag-aralan kong mabuti. Hihi.

Habang nagrereview siya, nakinig nalang din ako ng music.

•••

iKON Chanwoo as Gio

•••

Thanks for reading!
Don't forget to vote and leave a comment!
I will highly appreciate it! :)
- Crysta Bii, 06062018

Look At Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon