Chapter 5
Brianne's POV
One month na ang nakalipas.
Ang bilis ng panahon!
July na!
Malapit na!
9 months nalang, gagraduate na ako! Haha.
Pero nakakaiyak na din mga subjects! Accounting related subjects. Hays!
Kaya mo 'yan, Brianne!
CPA tayo diba!
"Anne, pacopy ng notes mo sa FABM1," sabi ni Desiree.
"Uy ako din, Anne! Pahiram ng notebook mo sa Business Finance!" sabi naman ni Pamella.
Kinuha ko naman yung notebooks ko sa bag at ipinahiram sa kanila.
Magsusulat daw sila ng notes. Magche-check kasi teachers namin ng notes. Haha. Funny.
"Anne, picture'an ko nalang notes mo! Sa bahay nalang ako magsusulat," sabi naman ni Kenneth.
"Same. Pero picture lang," sabi naman ni Henri.
"Okay! Kayo bahala! Basta ako may nasulat na sa notebooks ko and ready for checking!" masayang sabi ko.
"Anne, sulatan mo nga notebook ko!"
Napataas naman kilay ko kay Stephen.
"Utot mo. Nakakapagod din magsulat!"
"Sige na."
"Ayaw. Bahala ka sa buhay mo."
Mas masipag pa siyang manood ng anime kaysa magsulat ng notes. Nakuuu! Ang bababa na din ng scores niya sa quizzes.
"Aish! Nakakatamad magsulat!" reklamo niya.
Napakibit-balikat nalang ako.
Kailan kaya mahahawa sa kasipagan ko ang lalaking ito? Hays.
"Guys! I heard na next month na ang Intramurals!" announcement ni Class President.
Nagpakita naman ng interest ang ilan kong kaklase pero ang karamihan, walang interest sa sports.
"I'm ready and excited!" rinig kong sabi ni Kenneth, volleyball player.
"Ako din!" sabi naman ni Stephen, badminton player.
"Me, three! Pero di ako sasali!" sabi ko naman.
"Bakit naman?" tanong ni Stephen.
"Mag-aaral nalang ako. Magpre-prepare para sa college entrance exams!"
"Ay agad agad?" sabi naman ni Kenneth.
"True, teh!" ngiting sabi ko naman.
Focus muna ako sa academics ko. I'm done with my extra curricular activities last year. I had fun, that's enough. Haha.
Ipapasa ko na ang korona ko sa table tennis sa iba. Hehe.
"Ichi-cheer nalang namin kayo!" sabi naman ni Mae. Napatango naman sina Henri, Desiree at Pamella.
"Aiuh, cheer dancers sila," sabi ko naman kila Desiree, Pamella at Mae. Haha.
"True. Manonood lang ako," sabi naman ni Henri. Introvert talaga eh.
"Hala, nakakaexcite ang Intramurals dahil yung mga transferees eh magagaling pala sa sports!" sabi naman ni Class President.
Napatanong naman ang klase kung bakit.
"Kasi narinig kong magagaling daw sila sa badminton, volleyball, basketball at table tennis!"
Napa-woah naman yung mga kaklase namin. Pero yung mga nabanggit, hindi lang mga yun ang sports na kasali sa Intramurals. Marami pang iba.
"So as usual, magkakaroon ng elimination para madetermine kung sino ang players or representatives ng Grade 12 sa Intramurals."
Oo. Competition by grade levels kasi.
Tsaka seryoso ba talaga si Class President?
I thought she just heard na may Intramurals pero parang ang dami niya ng alam. Haha. Charot.
Baka alam niya na din mga rules, criteria ganern. Hahaha.
"Galingan mo, Stephen!" sabi naman ni Class President sabay wink.
Taray. Nilalandi niya si Stephen. Totoo ang balitang crush niya ito. Haha.
"Thanks!" sabi naman ni Stephen.
"Dahil nabalitaan ko ulit na yung champion ng badminton from other school, eh nandito sa school natin!"
Woah. Nice. Nakakaexcite tuloy manood! Ahaha.
Go Stephen! Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo!
"Challenge accepted!" sagot naman ni Stephen.
Nagsimula ulit siyang magsulat ng notes. Bigla siyang sinipag magsulat! Hahaha.
Napangiti naman ako.
Kaya mo yan! Ikaw pa ba!
Kahit na last year lang tayo nagkakilala, bilib ako sa'yo!
Pero sino kaya yun? Hmm.
Malalaman ko din. Hahaha. Wag ng curious, Brianne.
Mag-aral ka nalang muna sa ngayon.
•••
iKON Junhoe as Stephen
•••
Thanks for reading!
Don't forget to vote and leave a comment!
I will highly appreciate it! :)
I'll update the next chapter next week!
- Crysta Bii, 06122018
BINABASA MO ANG
Look At Me (Completed)
Short StoryAll I want you to do is to look at me... Short story by Crysta Bii