Chapter 6
Brianne's POV
Naglalakad akong mag-isa papuntang library ngayon.
Wala sila Kenneth, Pamella, Desiree, Mae and Henri dahil nagpunta sila ng SM. Gumala na naman sila.
Samantalang ako, nagstay dito sa school. Vacant namin ngayong oras.
Si Stephen naman, kasama si Dave. Anime pa more.
Ayoko munang magpakasaya ngayon. Magpapakahirap muna ako bilang studyante. Hahaha.
Aral muna!!! Waaahhh! Malapit na college entrance exams!
Orayt, ayun nga...naglalakad nga ako mag-isa papuntang library.
Sanay akong mag-isa. Sanay din akong kausapin sarili ko. Pero shempre, sa isip lang. Haha. Baka sabihan akong baliw pag nagsasalita ako tapos rinig pa ng ibang tao.
Tsk.
Sa tahimik na daan kung saan ako naroroon, nakarinig ako ng sigaw ng isang lalaki.
"Hoy Gio!"
Napatingin naman ako sa likod ko.
Napakunot-noo ako.
Gio?
Sinong Gio 'yan?
Si Gio ba na kilala ko 5 years ago?
Wait...
Seryoso?
Si Gio?
Nandito sa school?
Siya ba yung nakita kong lalaki sa STEM-A room noong first day?
Siya na ba 'yun?
Siya rin kaya yung badminton player na tinutukoy ni Class President noong isang araw?
Siya kaya 'yun?
Pero bakit ngayon ko lang narinig ang pangalan niya?
Oopss...
Bakit bigla ko siyang naisip? Pinitik ko naman ang noo ko gamit ang aking daliri.
Umaasa lang siguro ako na si Gio talaga 'yun.
Matagal ng nawala si Gio.
Matagal ko na siyang hindi nakikita.
Halos limang taon na din simula noong naglaho siya na parang bula. Lol.
Nakakainis. Naisip ko na naman ang nakaraan.
Past is past. Focus on the present, Brianne.
So yun, pumasok na ako ng library para tumambay.
Shempre aral din. Magbabasa ng accounting books.
"Be a CPA with or without a teacher!" - Leonardo de la Cruz, CPA BCF Vice Pres. for Finance
Self study muna tayo, Brianne!
Mabuti nalang maraming accounting books ang school namin. Hays! Laking tulong sa studyanteng masipag magbasa na tulad ko. Hahaha.
Habang nagtitingin ako ng books, napansin kong dumarami ang students na tumatambay sa library. Ang cutie! Push natin 'to mga bes! Malamig dito. May aircon! Haha
Umupo ako sa pinakasulok na table. I want to be alone tapos malayo sa mga studyante. Power of focus!
>>>>>>>>>
Di 'ko na namalayan, dalawang oras na pala ang nakalipas! Time check: 1:48pm. Proceed to next class na. Hays. Nakakaantok!
Ibinalik ko naman sa dating lalagyan ang mga accounting books na hiniram ko.
Dadalawa nalang din pala kaming students na nakatambay dito sa library.
Isang lalaki na natatakpan ng libro yung face niya.
Nagbabasa kaya siya or nagkukunwareng nagbabasa?
Baka tulog na nga eh?
Bago ka lumabas ng library, merong attendance book. Isusulat mo name mo, grade & section, purpose, time in, time out and signature.
Ewan pero napatingin ako sa names na nasa first column. I'm interested to know the names of the students na pumunta ng library ngayon.
7. Brianne Riolada
.
.
.
11. Adrian Santos
@____@
"Adrian Santos?"
Napakunot-noo naman ako.
Familiar yung name!!!
Napatingin naman ako sa lalaki na natakpan ang face dahil sa libro.
Ewan ko pero kinakabahan ako ah!
Lumapit ako ng dahan-dahan...
"Adrian Santos?"
BINABASA MO ANG
Look At Me (Completed)
Short StoryAll I want you to do is to look at me... Short story by Crysta Bii