Chapter 14
Brianne's POV
Nakauwi na ako.
Seryoso, nakauwi na talaga ako.
Saktong 8:00pm na. Haha.
Mabilis naman siyang nagreply.
Oo nga eh. Sabi ni tita nandito ka na daw.
Napakunot-noo naman ako.
Anong ibig niyang sabihin?
"Ate Brianne! Hinahanap ka ni kuya Stephen!" salubong naman sa akin ng nakakabata kong kapatid na babae nang makapasok na ako ng bahay.
"Ha?"
"Oo! Nandoon siya sa kitchen. Kinakain niya yung binili mong cookies and cream cake kahapon!"
Bigla naman akong tumakbo papuntang kitchen.
Eh?
Wala naman siya?
Agad ko namang tiningnan yung laman ng refrigerator.
WALA NGA YUNG CAKE!
"Hannah!!! Nasaan si kuya mo Stephen!?" sigaw ko.
Grabe. Kinain niya talaga yung cookies and cream cake na binili ko kahapon!!!
Hindi ko pa nakakalahati 'yun kahapon!
"Oh? Bakit ka sumisigaw dyan?" tanong naman ni Daddy.
Lumapit naman ako at nagmano.
"Kumain ka na ng dinner," sabi naman niya at nagpunta sa sala para manood ng TV.
Hindi siya nag-aalala sa akin na medyo gabi na akong umuwi kasi nagpaalam naman ako sa kanila.
Tinext ko parents ko. Pero hindi ako nagtext kay Stephen. Haha.
"Lumabas na ng bahay yung kaibigan mo," sabi naman ni daddy.
Inhale, exhale.
Pumunta naman ako sa kwarto ko at nagshower.
Baka umuwi na 'yun.
Nang makabihis na ako, napansin kong nagtext pala si Stephen sa akin.
10 messages na pare-pareho.
Hoy, hindi mo man lang ba ako hahanapin at kakausapin?
Natawa naman ako at nagreply.
Anong gusto mong gawin ko? Pupuntahan kita dyan sa bahay niyo? Gabi na.
Mabilis naman siyang nagreply.
Haynaku. Kanina pa ako dito sa bahay niyo. Gabi na. Kaya pauwiin mo na ako!
Napabangon naman ako dahil sa gulat.
Seryoso???
Wala naman siya dito sa loob ng bahay ah!
Lumabas naman ako ng bahay, gate at nakitang nakatambay siya sa shed sa tabi ng kalsada.
"Bakit mo kinain yung cake ko!?" sabi ko naman sa kanya nang makalapit ako.
"Hayss. Yan talaga unang sinabi mo 'no?" inis niyang sabi.
Bakit naman siya naiinis?
Ako nga dapat mainis eh.
Tinalikuran ko naman siya.
Naramdaman ko nalang na inakbayan niya ako.
"Hindi mo ba nakita yung cake? Nasa refrigerator lang 'yun," sabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Look At Me (Completed)
Short StoryAll I want you to do is to look at me... Short story by Crysta Bii