Chapter 8

6 0 0
                                    

Chapter 8

Brianne's POV

So eto na sana ang araw at oras na sana...maabutan namin ang STEM-A sa kanilang room.

Ilang beses na kasi kaming late pumunta sa room na ito.

Dahil na rin sa "oras" at "layo" ng room namin sa room nila.

Lagi tuloy kaming pinapagalitan ni teacher dahil nababawasan yung oras ng klase niya.

Tsaka bakit kasi studyante pa lamang ang lilipat ng room?

Pwedeng teachers nalang?

Charot. Joke lang po.

Okay nga 'yun eh! Na kaming studyante ang lilipat. Para naman magkita kita pa din kami at magkakasalubong pa rin kaming students.

Mahirap na kung nasa iisang lugar or room nalang lagi ang students. Magsasawa kami sa room namin. Haha.

Tsaka good for teachers na din. Nandoon sila sa mismong classroom nila. They can use their own materials found only inside their classroom.

Naglalakad na kami ng hagdan paakyat ng third floor, kung saan doon ang room ng STEM-A.

Please!

Please!

Please!

Bilisan niyong maglakad classmates. Huhu.

Finally, nasa third floor na.

Ayan na! Hindi pa pumasok si Class President sa room ng STEM-A!

Ibig sabihin, mayroon pang teacher at students pa doon. Hindi pa sila umaalis!

Yes!!!

Makikita din kita, Adrian!

"Eh? Nasaan pala si Stephen?" tanong ko kay Kenneth.

"Ay girl! Elimination ngayon ng badminton players! Nasa gym siya ngayon."

Ah, so ngayon pala yun. Malapit na pala ang Intramurals. Next week na!

Eh?

Ibig sabihin, wala din dyan si Adrian?

Tsk.

"Halla girl! Miss mo na naman siya 'no?!" pang-aasar ni Kenneth.

"Sino?" tanong ko naman.

"Si Stephen. Sino pa nga ba?"

"Ahh.." Oo nga naman. Sino pa nga ba?

Wag mong sabihin si Adrian? Haha. Di ko siya namimiss porket iniisip ko siya lately.

"Ay taray. Aminado si Anne!" pang-asar naman ni Mae.

"Grabe! Hindi!" natatawang sabi ko.

Lumabas naman na ang STEM-A students at pumasok na kami sa room.

So, hindi ngayon.

Tsk. Nakiki-ayon ang panahon sa kanya.

So, kailan kami magkikita?

Miss ko na siya.

Naramdaman ko naman yung cellphone ko na nagvibrate.

May nagtext.

Pambihira. Alam kong namimiss mo na naman ako! Hays. Kunting tiis lang, Anne. Nandyan ulit ako sa tabi mo! Hahahaha :P smile lang!

Haynaku, Stephen!

Napa-smile naman ako. Smile daw kasi, Anne!

Look At Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon