Chapter 12
Brianne's POV
Haysss. Inhale, exhale.
Nadagdagan ang iniisip ko dahil tinatanong na ako ng parents ko kung anong plano ko sa debut ko on August 31st.
Eh August 11 na ngayon and katatapos lang ng Intramurals namin lastweek!
Kinukulit na nila ako! Kailangan ko na daw ma-finalize!
Sabi ko naman, give me 2 days. Hehe.
Ilista ko na daw as in now kung sino-sino mga kasama sa 18 roses, candles, gifts, bills, and books eh.
Syempre, sasabihan ko din yung mga taong magiging part ng debut ko.
Hindi naman basta basta nalang ako magsusulat ng pangalan. Mamaya, hindi rin lang sila makakapunta. Sad.
"Basta ako! Pang-18th rose ako!" request naman ni Stephen.
"O kaya naman, ako nalang escort mo!" nakangiting sabi niya sabay wink.
"Wew. Ayoko magkaroon ng escort lalo na kung ikaw din lang," sabi ko naman.
I can handle myself. Hahaha.
You see? I'm the panganay. Wala akong kuya or ate.
Mayroon lang akong younger sister.
Ako na nagsilbing ate at kuya niya. Hihi.
"Awts!" react naman niya.
"Aynaku, basta kami. Ilista mo kami sa 18 candles," request naman ni Mae. Sang-ayon naman sina Desiree at Pamella.
"Wew. Sa 18 gifts kayo para gumastos naman kayo para sa akin!" biro ko naman.
Natawa naman ako sa reaksyon nila.
"Grabe, g na g na nga kami," sabi naman ni Desiree.
"Candles nalang! Please, Anne!" sabi naman ni Pamella.
"Okay. Copy!" sabi ko naman. Pumayag naman ako. Haha. Binibiro ko lang naman sila eh. Candles naman talaga itong mga babaeng ito.
"And for Stephen, Kenneth and Henri...kasali kayo sa 18 roses ko!" nakangiting sabi ko naman.
Pumayag naman sila.
"Basta ako ang 18th Rose mo, Anne!" pagpupumilit ni Stephen.
Pumayag nalang ako. Haha.
Pero baka maagaw ang position na 18th rose kasi madami akong pinsan na lalaki na mahal na mahal ako. Hahaha.
Bahala na.
Habang wala pa naman si teacher, nagpunta ako sa mga kaklase kong gusto kong maging part ng debut ko.
And yun, sinabihan ko na din ang buong klase na invited silang lahat.
Wag lang silang mag-invite ng iba kasi exclusively for my classmates, close friends and family only. Haha.
Kahit wala na din silang gifts for me. Their presence is enough for me. Hehe.
>>>>>>
Orayt! 2 days na ang nakalipas!
Kukunin na ni mother ko ang listahan mamayang gabi.
Kaso...hindi pa kumpleto. May dalawa pang slots for 18 roses.
Hindi daw makakadalo yung mga pinsan ko na inaasahan kong meron sa debut ko. Huhu.
May work daw sila. Huhu!
Sabay pa sa feelings ko yung ulan ngayon. Haha.
Umuulan pala ngayon!
Pero feel na feel ko ang ulan lalo na naglalakad ako ngayon.
Naglalakad akong mag-isa papuntang paradahan ng tricycle. Pauwi na ako.
Pero nakakita ako ng isang shed na nasa gilid ng kalsada. Sumilong naman ako at napaupo.
Habang ina-appreciate ko ang ulan, pinapanood ko naman yung mga schoolmates ko na naglalakad din.
Yung iba, mga kilala ko. Tinanong pa ako kung bakit nandito pa ako. Haha.
"Hoy! Bakit ka pa nandito?" Nakita din ako ni Stephen.
"Wala lang. Tambay lang!" sagot ko naman. Naupo naman siya sa tabi ko.
"Sige, dito muna ako," sabi naman niya.
Napansin ko namang busy siya sa kanyang cellphone.
Nagte-text siya.
"Sino katext mo?" tanong ko.
"Si ate."
"Hindi naman sa nangingialam pero, mangingialam na ako. Anong meron?" natatawa kong tanong.
Napangiti naman siya.
"Hays. Ikaw talaga! Di palang tayo pero pinapakialam mo na buhay ko!" sagot naman niya.
Sinapak ko naman siya.
"Funny ka!"
"Funnywalahin! Hahaha!"
Natawa naman kaming pareho.
Hays.
"Pero kailangan na kailangan na kailangan ko na talagang umuwi. Sorry, Anne. Di na kita masasamahan..." sabi naman niya.
Napatango naman ako.
"Okay lang. Kilala mo naman ako. Kaya kong mag-isa!" pagmamalaki ko sa kanya.
"Nakakaasar nga eh!"
"Bakit naman?"
"Feeling ko talaga hindi mo na ako kailangan!" malungkot na sabi niya.
"Funny ka!" natatawa kong sabi sabay sapak.
"Aray! Haha. Funnywalahin!" ngiting sagot niya.
Nagpaalam naman na siya at nauna na ngang umuwi.
Mag-isa naman na ako.
Sanay naman ako eh.
Pero ayoko ng masanay. Hays.
Gusto ko naman ng may makasama ako.
Buong highschool life ko, kinakaya kong mag-isa. May friends naman ako pero minsan talaga, mag-isa na lang talaga ako.
Kaya naman nasanay na talaga ako.
Nakakalungkot din.
Hindi mo maiiwasang maramdaman si loneliness lalo na kung mag-isa ka talaga.
Pero... I know naman na may kasama ako.
God is with me always! Hihihihi.
"Bri."
Napakunot-noo naman ako nang may tumawag sa akin.
Bri?
Ngayon nalang ulit ako tinawag na Bri.
Tinatawag akong "Bri" noong elementary ako eh.
Pero ngayong highschool, nagpakilala akong "Anne."
As in I firmly said to all na "Anne" ang itawag sa akin. Why? Para maiba naman. Hahaha.
Tapos sa college, "Brianne" na haha.
Lakas ng trip ko. Huhu.
Ah oo nga pala, may tumawag sa akin.
Inangat ko naman ang ulo ko (dahil nakayuko ako) at napatingin ako sa taong iyon.
"Gio?"
Finally.
You look for me and look at me in the eyes.
BINABASA MO ANG
Look At Me (Completed)
Short StoryAll I want you to do is to look at me... Short story by Crysta Bii