Chapter 11

6 0 0
                                    

Chapter 11

Brianne's POV

"Anne, ayos ka lang?" tanong ni Henri.

Mukha ba akong ayos?

Pinagpapawisan kaya ako ng bongga kahit na air-conditioned ang gym na 'to!

Intense naman kasi ang laro ng Single A Finals Men's Singles Category!!!

And guess what?!

Sigaw pa ako ng sigaw dito!!!

Napapatili pa ako sa kaba!!!

Napa-thumbs up naman ako kay Henri.

"Ayos lang ba 'yan? Wala ka na din atang boses eh para magsalita man lang!" pang-asar niya.

Napatango naman ako bilang response.

Tinuon ko muli ang atensyon ko sa badminton court kung saan naglalaro si Stephen at ang Grade 11 student.

Grade 11 vs. Grade 12 ang naglalaro.

Masyadong madikit ang scores nilang dalawa. Kung hindi man 1 point ang lamang, tie sila.

Pareho silang magaling!

20-20 na ngayon ang score.

Pero magaling din talaga yung Grade 10 student and he might turn the table!

Malakas pa din si Stephen at siguradong siya rin lang ang mananalo!

Gusto ko sanang sumigaw ng "Go Stephen for the last time!!!" kaso wala na talaga. Low battery na 'ko.

Reserve ko nalang boses ko para sabihan siya ng congratulations mamaya. Wew.

Dahil nasa gilid lang naman siya ng badminton court, di ko naman maiwasan tingnan si Adrian.

Nagpapahinga na siya. Hinihintay niya na din ang resulta ng laro ng Single A finals.

Masaya siya.

Nakangiti siya.

Bumalik ang atensyon ko sa laro.

Pabalik balik ang shuttlecock sa dalawang manlalaro. Pareho nila itong natatamaan dahil ayaw nilang magpatalo.

Isang maling move lang, talo ka na ng isang point.

Halata sa mukha nilang pagod na sila.

"Go Stephen!!!" sigaw ko kahit paos na ako.

Kaso...

Napuno ng sigawan at tilian ang gym.

21-20 na ang score. Leading na ang Grade 11 student.

Mas lalo akong kinabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

At bago ko pa muli isigaw ang "Go Stephen!!!"...muling nag-ingay ang Grade 11 students.

"Champion for Men's Singles Category: Single A, Grade 11! Congratulations!"

Nanalo sila...

Natalo si Stephen.

Hindi naman ako makapaniwala sa nangyari.

Napaluhod si Stephen at napayuko.

Lumapit naman sa kanya ang mga badminton players ng Grade 12.

"Tara, Anne. Bumaba na tayo. Kailangan tayo ni Stephen," rinig kong sabi ni Henri.

Kailangan ako ni Stephen.

Gaya nga ng sinabi ni Henri, bumaba na kami ng bleachers at naglakad papunta kay Stephen.

Ngunit hindi kami makalapit dahil sa maraming students ang nakapalibot sa kanya.

Nang magtama ang mga mata namin, nilapitan niya kaming dalawa ni Henri.

Wala akong narinig na salita mula sa bibig niya bagkus...

Mabilis niya akong binigyan ng isang yakap.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"Thank you," rinig kong bulong niya.

"Tara na sa Mcdo!" paalala slash pang-asar ko sa kanya.

Matagal na namin itong deal pero naalala kong pag natalo siya sa laro niya, ililibre niya ako sa McDonald's.

Pakiramdam ko napangiti ko siya sa sinabi ko.

"Love ko 'to!" rinig kong bulong niya.

Kumalas naman na kami sa pagkakayakap.

Yak! Niyakap ko siya eh pawis na pawis ang kingkong na 'to! Huhuhu.

"Ang baho mo!" reklamo ko.

"Grabe!" nakangiting sabi naman niya at pinitik niya ang noo ko gamit ang kanyang daliri.

"Aray! Tara na nga sa Mcdo! Manlilibre ka pa!" at nag-umpisa na kaming maglakad.

Ayokong magdrama.

Ayokong malungkot.

Gusto kong ipakitang masaya pa rin ako kahit na natalo siya.

Gusto kong iparamdam sa kanya na, matalo o manalo---masaya pa rin ako.

Alam kong ginawa niya ang best niya.

Tinamaan lang talaga siya ng pagod at kaba. Haha.

"Bro, kami nalang muna. Next time nalang libre ko sa'yo!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. So manlilibre talaga siya kahit natalo na siya niyan ha?

Ibang klase din 'tong kingkong na 'to!

On the other side, goodbye Henri. Hahaha. Sad! Sorry, di naman kasi ako ang manlilibre. Si Stephen naman kaya siya bahala. Lol.

"Siguradong next time, bro! Enjoy kayong dalawa!" ngiting sabi ni Henri.

Ewan pero nakita ko si Adrian na nakatingin sa aming dalawa.

Kaso... mabilis niya muling iniwas ang kanyang paningin nang mahuli ko siyang nakatingin.

Look At Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon