Chapter 7

6 0 0
                                    

Chapter 7

Brianne's POV

"Oops! Sorry sa istorbo. Huhu. Nagising pa kita!" paghingi ko ng paumanhin.

"Hindi. Tamang tama nga timing mo eh, next class ko na pala!" nakangiti niyang sagot.

"Ehh?" naloka nalang ako sa nangyari.

Nagpasalamat pa talaga siya.

Cool. Haha.

"Salamat, miss. I'm John nga pala. And you are?"

"Anne."

Ngumiti naman siya.

"Nice to meet you, Anne! Sige. Alis na din ako!" sabi naman niya at nauna pa nga talaga siyang umalis ng library kaysa sa akin.

Napatingin ulit ako sa Library attendance book.

11. Adrian Santos
Timeout: 1:50pm.
15. John Erpelo.
Timeout: 1:53pm.

@____@

Seryoso? Napatingin naman ako kung anong oras na.

1:55pm.

Late na ako!!!!!

Malayo pa 'yung room ko!


>>>>>>

11. Adrian Santos
Timeout: 1:50pm.

Ibig sabihin, tatlo kaming students ang nasa loob ng library sa oras na 'yon.

Hindi ko nakita si Adrian Santos!!!

Bakit nga ba hindi ko siya nakita?

Nasaan siya?

@____@

Hindi "Nasaan siya?" ang tanong kundi... "Bakit?!"

Bakit hindi man lang niya ako pinuntahan noong oras na nakaapak na siya dito sa school na 'to?

Bakit hindi man lang niya ako hinanap?

Bakit hindi man lang niya ako kinumusta?

Bakit hindi man lang siya nagparamdam?

Bakit ngayon lang?

Bakit siya ganon?

Bakit?

Ang dami kong tanong na "bakit" actually kaso naiinis at naasar lang ako pag dadagdagan ko pa yung listahan!

Iniisip ko palang yung mga tanong, naiistress na ako!!!

"Anne, find the Net Sales."

Bumalik lang ako sa realidad na nasa FABM1 class ako nang marinig ko ang aking pangalan.

Tumayo naman ako at nagtungo sa harapan.

Napatitig ako sa blackboard ng 3 seconds. Kumuha ng chalk at sinulat ang sagot.

"Very good," rinig kong sabi ni Mam nang pabalik na 'ko sa upuan.

Bigla akong natawa sa reaksyon ni Stephen.

"Hoy! Bakit ka nakanganga?"

Umarte naman siya na parang wala lang.

"Buti alam mo sagot. Kanina ka pa kasi nakatulala sa kawalan. Ang lalim ng iniisip mo," sabi niya.

"Hala. Sorry. Malalim talaga iniisip ko," pag-amin ko naman.

"Wow. Tapos nasagot mo pa yung pjnapasagot ni mam kahit di ka na nakikinig nyan?" manghang tanong niya.

"Nakakaloka ka, Stephen! Madali lang naman kasi yun. Hays!" sabi ko naman.

"Oo nga. Madali lang naman talaga. Inaasar lang kita!" sabi naman niya.

"Okay next. Stephen, find the Net Income."

Napansin ko naman na nagulat si Stephen. Halata mong kinakabahan at di mapakali.

Napatingin naman siya sa akin pero umiwas lang ako ng tingin.

Okay, inhale exhale.

Matulala ka ulit sa kawalan, Brianne. Mag-isip ka ulit ng malalim.

Wag mo munang pansinin si Stephen. Bahala siya dyan.

Bakit nandoon din siya library sa oras na andon din ako?

Bakit nangyari 'yun?

Bakit ako ng bakit?

Mayroon namang "ano"?

Anong gusto mong mangyari, Adrian?

Anong plano mo?

Anong dahilan mo?

Bakit hindi nalang tayo magkita nang masagot ko naman ang mga katanungan na nasa isip ko?

Kasi nahihirapan akong sagutin ang mga tanong na ito e.

Mas mahirap.

Mas kumplikado.

Hays. Makapagfocus na nga lang sa FABM1 class ko!

Look At Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon