Chapter 13

7 0 0
                                    

Chapter 13

Brianne's POV

Tumila na ang ulan.

Inhale, exhale.

Magkasama kami ngayon ni Adrian este Gio.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop.

Kanina pa kami hindi umiimik. Syempre nagsalita din kami kanina.

"Gusto kitang makausap, Bri."

"Sige ba. Saan?"

"Doon nalang tayo sa coffee shop na malapit dito."

Naglakad na lang din kami kahit na umuulan since malapit lang naman yung coffee shop.

So, nandito nga kami. Halos limang minuto na siguro kaming nakaupo na magkaharap sa table.

Painom-inom na lang din kami ng kape. Sayang naman kung malamigan. Haha.

*ahem!*

Napatingin naman ako sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

Nagtama muli ang aming mga mata.

Pero ngayon, hindi na siya muling umiwas.

He is looking at me with that deep black eyes.

Hindi naman ako nagpatalo. Hinding hindi niyo ako matatalo sa eye contact.

Nagtititigan nga kaming dalawa ni Stephen minsan. Talo pa din siya. Haha. Siya ang unang iiwas ng tingin.

Napakunot-noo ako ng mapansin kong malungkot ang mga mata ni Gio.

"Bakit, Adrian?" tanong ko sa kanya.

Marami akong "bakit" na bulsa dito.

Marami akong katanungan na gustong masagot.

"So..sorry, Bri!" sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Ewan pero bakit ako natalo ngayon sa eye contact.

Napaiwas ako ng tingin.

Gusto kong maiyak. Hahaha.

Ang sarap umiyak.

Finally! Nakapagsorry din siya sa akin.

Narinig ko ang mga salitang gusto kong marinig sa kanya.

Pero matagal ko na siyang pinatawad.

Sa araw na nawala siya, doon palang pinatawad na kita Gio.

May mabuti akong puso. Charot.

Nagtatampo lang siguro ako sa'yo sa loob ng limang taon dahil hindi ka man lang nagpakita ni nagparamdam.

Ngayon lang.

Pero okay lang.

Better late than never.

Napangiti naman ako sa harapan niya.

"Apology accepted," ngiting sabi ko.

Napatingin naman siya sa labas ng bintana. Napatingin din ako.

Umulan na naman pala.

"Salamat, Bri pero kahit na pinatawad mo na ako...parang hindi ko kayang patawarin ang sarili ko."

Napakunot-noo naman ako.

"Hoy Gio! Wala kang karapatan para hindi magpatawad! Forgive yourself!" pinagsabihan ko naman siya.

I know na ngayon lang kami nagkausap ulit pero hindi ko mapigilang pagsabihan siya eh. Haha.

Natawa naman siya.

Look At Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon