Chapter 3

16 0 0
                                    

Chapter 3

Brianne's POV

Graduation day na!!!

Hala! Sa wakas!

Graduate na ako ng elementary! Huhu.

Feeling ko kasi ang tanda ko na.

Yun din kasi sabi ng mga classmates ko. Haha.

Ayoko na magstay dito.

Gusto ko ng mag highschool!

Nakaka-excite ang highschool life!

New school.

New life.

New friends.

New classmates.

New teachers.

New environment.

"Congratulations, iKON Elementary  School Batch 2012!" pagbati ng emcee.

Natapos din ang Graduation program.

Lumapit naman ang younger sister ko sa akin at niyakap ako.

"Congrats ate Brianne! Huhuhu, wala na akong kasamang papasok dito sa school!" naiiyak na pagbati niya sa akin.

"Hala, tahan na! Bakit ka umiiyak? Dapat maging masaya para kay ate!" sabi ko naman.

"Congratulations ate Brianne!" bati ng pinsan kong babae na mas bata sa akin ng isang taon.

"Salamat!" ngiting sagot ko naman.

"Daming awards! Kainggit!" sabi niya.

"Haha. Ikaw din next year ha! Galingan mo!" sabi ko naman sa kanya.

"I'll try my best ate! Hihihi!"

Napangiti naman ako.

Ni-congratulate din ako ng mga classmates ko. Nahihiya naman ako pero nagpasalamat pa rin ako sa kanilang lahat.

Wait, nahiya pa ako? Nagsalita nga ako sa harap ng maraming tao kanina. Huhu.

"Uy Bri! Saan ka magha-highschool?" tanong sa akin ng kaibigan slash childhood friend ko na si Monica.

"Sa BIGBANG National High School!" masayang sagot ko naman.

"Woah! Kitakits doon!" masayang sabi naman niya.

"Woah! Sure!" ngiting sabi ko naman.

Pumunta naman na kami ng family ko sa stage para mag-group picture.

"Oh tara na! Celebration na!" sabi naman ni mommy. Kainan na daw kasi! Lunch time na! Gutom na silang lahat.

"Wait! May gusto pa akong puntahan. Magpipicture pa kaming dalawa, mommy."

"Osige," hiniram ko naman yung digital camera ni mommy.

Wait?

Nasaan na siya?

Bakit hindi ko na siya makita?

Wag mong sabihing...

Umuwi na siya?

Nakita ko naman ang close friend ni Gio na si Anthony.

"Nakita mo si Gio?" nahihiyang tanong ko.

"Ah si Gio? Umuwi na sila!Nakita kong nagmamadali silang umalis kanina," sagot naman niya.

"Ah, ganun ba," mahinang sagot ko.

Napaiwas naman ako ng tingin.

"Oo eh! Bri, picture naman tayo idol!" ngiting sabi niya.

Kahit nahihiya ako, pinagbigyan ko na lang siya.

"Sige," sagot ko naman.

Nagpicture naman kaming dalawa.

"Salamat Bri! See you sa high school!" sabi niya at nagpaalam ng umalis.

Malungkot naman akong bumalik sa lugar kung saan nandon ang family ko.

Mabuti nalang hindi nila napansin na malungkot ako.

"Nakapagpapicture ka na, sweetie?" tanong ni Mommy.

"Yup," nakangiti kong sagot.

"Let's go!" sabi naman ni daddy.

Umalis naman na kami ng school.

Sayang, hindi kami nakapagpicture na dalawa.

Wala tuloy kaming remembrance picture na nakasuot ng toga.

Sad naman.

Huhu.

Hindi man lang siya nag-goodbye bago umalis.

Sabagay, magkikita pa naman kami sa susunod na araw.

Magkikita kami ulit sa high school.

Thank you sa elementary memories!

Thank you for being my classmate!

Thank you for being my best friend!

Thank you for being you, Gio!

See you soon!

Napangiti naman ako.

•••

BLACKPINK Jisoo as Brianne
iKON Chanwoo as Gio

•••

Thanks for reading!
Don't forget to vote and leave a comment!
I will highly appreciate it! :)
I'll update the next chapter next week!
- Crysta Bii, 06062018

Look At Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon