Chapter 10
Brianne's POV
Nagsimula na din sa wakas ang Men's Singles Category.
Grade 10 vs. Grade 11 vs. Grade 12
Goodluck, Stephen!
"Single B muna ang mga maglalaro," rinig kong sabi ng teacher-in-charge sa Badminton.
Aiuh. Single A si Stephen eh.
Enebeyen!
Excited na akong manood ng laro niya eh! Maghihintay na naman kami ni Henri. Hays.
Nagugutom na din ako!!!
"Henri, bili tayo ng foods. Gutom ako e," sabi ko naman sa kanya.
"Tinatamad ako," aniya.
"Eh sige na!!! Hindi pa naman maglalaro si Stephen eh!" pagpupumilit ko.
"Aish!"
Sasama din lang, kailangan pang pilitin. Hays.
Habang naglalakad kami palabas ng gym papuntang foodstand, may narinig akong usapan ng dalawang magkaibigang babae.
Kilala ko sila.
"Kailan mo sasabihin na crush mo siya?"
"Bakit ko sasabihin? Bakit naman ako aaminin?"
"Aynaku! Bahala ka dyan."
"Bahala talaga ako. Tara na nga sa gym, magsisimula na daw ang Badminton."
Yan lang narinig ko. Haha.
Sino kaya yung crush niya? Nakakacurious din tuloy. Maganda at matalino din kasi siya. Never heard kung sino crush niya. Haha! Pero siya, madaming nagkakacrush sa kanya.
Napansin ko nalang na nakakalayo na pala si Henri.
Hindi man lang niya ako hinintay. Tss.
Bakit ang bilis nun maglakad? Hays.
>>>>>>
Nakabili na kami ng snacks at patapos na pala ang laro ng Single B.
Natagalan kaming makabalik kasi hays, long story.
Umupo na ulit kami sa bleachers para manood.
"Go Adrian! Win this fight!" sigaw ng mga students na nakaupo sa likod namin ni Henri.
"Adrian?" banggit ko.
Pinanood ko naman ng mabuti yung lalaki na naglalaro sa badminton court na kalaro niya ang isang Grade 10 student.
@___@
"Gio?" banggit ko sa pangalan niya.
Si Adrian nga!!!
Nandito nga siya sa school!
Woah!!! Siya na pala yan!
Ang tangkad niya na!
Mas matangkad na ata siya akin! Tsk
Hala, hindi ko na siya maaasar na liit!
Baka ako pa ang asarin niya. Woah! Iniisip ko palang, naiinis na ako. Haha.
Ngayon ko lang ulit nakita ang mukha niya.
Mas cute na siya ngayon. Dagdag mo pang nakasuot siya ng eyeglass!
Ang daming nagbago sa kanya!
Pati yung aura niya, kakaiba. Nakakapanibago.
"Sino yun?" tanong ni Henri na nasa tabi ko.
Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ulit si Gio este si Adrian!
"Ah oo! Gio din pala pangalan ni Adrian!" sabi naman ng kaklase nito na nakaupo sa likod namin ni Henri.
Narinig niya yung sinabi ko.
Napag-usapan naman nilang magkakaklase na sumigaw gamit ang isang pangalan ni Adrian.
"Go Gio!!! Wooh!!!" masayang sigaw nila.
Tatamaan na sana ni Adrian ang shuttlecock na parating sa direksyon niya ngunit hindi dahil sa napatingin siya sa aming pwesto.
Halata ang gulat sa kaniyang mukha.
Nagulat siya dahil sa mga kaklase niya.
Mas lalo siyang nagulat nang magtama ang aming paningin.
Gulat na gulat din ako.
Si Gio nga!!!
Mabilis siyang napaiwas ng tingin.
Eh?
"Hoy Adrian!!! Focus!" sigaw ni Stephen na nasa gilid lamang ng badminton court.
Eh? Magkakilala na sila?
Napa-thumbs up naman si Adrian.
@_____@
Hindi ko na alam ang nangyayari. Napatulala ako sa kawalan at ang dami kong iniisip.
Ang alam ko na lang, nanalo si Adrian sa finals ng Men's Singles: Single B at napuno ng sigawan ang buong gym dahil sa pagkapanalo ng Grade 12 students.
BINABASA MO ANG
Look At Me (Completed)
Historia CortaAll I want you to do is to look at me... Short story by Crysta Bii