THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- E I G H T -"Ate, may pagkain po ba kayo dyan? Ilang araw na po kasi kaming hindi kumakain." Wika ng batang si Unica kay Lalaine. "Ay, Unica wala e. Wait lang itatanong ko lang kila Sacci ha?" Nakangiti namang tumango ang batang si Unica at pumunta sa kanyang mga magulang.
"Sacci may pagkain ka dyan? Hindi pa daw sila kumakain." Narinig ni Raven ang tanong ni Lalaine kaya lumapit siya sa mga ito. "Kukuha ako ng pagkain sa grocery kung okay lang." Nagkatinginan naman ang magkakaibigan at tumango. "Sige, sasama ako." Sambit ni Lalaine at tumayo at pinagpagan ang sarili.
"Ako din." Sabi ni Sean at tumayo rin. Inis namang bumaling sakanya si Lalaine, "Ano ba? Kaya na namin to." Nakangiting umiling si Sean. "Kung nagseselos ka kay Pia--" "Alam mo ang tigas talaga ng mukha mo. Tara na nga!"
Habang naglalakad sina Ley, Sean, Pia at Raven ay may natanaw silang dalawang pigura kaya't kanya-kanya sila ng tago. Nagpunta si Sean at Pia sa likod ng isang tumirik na sasakyan at sa loob naman ng isang tindahan nagtago si Ley at Raven.
Napairap na lang nang wala sa oras si Ley nang mapagtantong magkasama si Sean at Pia.
Di nagtagal ay nakalapit ang dalawang pigura na kanina'y natatanaw nila at laking gulat nalang nila nang makitang si Jul at Rave ang mga iyon.Agad na lumabas mula sa pinagtataguan si Lalaine at mabilis na niyakap ang kaibigan. "Buti ligtas kayo!" Masayang wika niya. Muli niyang tiningnan ang dalaga ngunit napansin niyang namumula ang ilong at mata nito. "Hoy bat pugto mata mo? Pinaiyak ka ba neto?! Hoy Rave wag mo kong ma-english english! Bat pinaiyak mo--" Pinutol ng kyut na bibig ni Jul ang sasabihin ni Lalaine. "Ano ka ba! Okay lang kami. Kayo? Okay lang kayo?" Balik na tanong ni Jul.
Agad na pinamulahan ng mukha si Lalaine sa tanong ni Jullienne. "E-ene ke be nemen! Walang kami ni Sean! Ahehehehe.." At binatukan ni Jul ang kaibigang hibang. "Gaga! Kayo kasi nila Sacci." Agad dumating si Sean kasama ang dalawang magkaibigan. "Narinig ko yun, Ley! Crush na crush mo na talaga ko!" At piningot ang tenga ng dalaga.Napatingin si Jul sa dalawang kasama ni Sean. "Sino sila?" Tanong niya. Agad ngumiti si Raven at sumagot. "Hello! Ako si Pia." Sabi niya st ngumiti bago kinamayan si Jul. Bumaling naman ang dalaga sa kaibigan ni Pia na kasalukuyang nakatitig kay Rave. Otomatikong kumunot ang noo ng dalaga. "At ikaw sino ka?" Mataray niyang tanong na pumutol sa titig ni Raven.
"A-ako po si Raven.." Napapahiyang sagot nito na inirapan lang ni Jullienne. "Weakshit." Bulong pa nito.
"We should go.." Bulong ni Rave. Naunang maglakad sina Ley at Sean patungo sa grocery store.
"Ilagay niyo na lahat ng kasya sa bag niyo, okay? May dalawang pamilyang umaasa satin." Tatawa-tawang sabi ni Lalaine.
Kanya-kanya ng kuha ang anim. Kumuha sila ng bottled waters, chichirya at mga biskwit. Kumuha rin sila ng ilang plastik ng candy para sa tatlong bata at kung sakaling makita nila sina Lucy. Pagkatapos punuin ang dalang bag ay nahagip ng mata ni Jul ang isang botique kaya pinapunta niya sina Lalaine dito.
Pumili sila ng damit at pang-ibaba maging sapin sa paa. Palabas na sana sila ng tindahan nang marinig nila ang matinis na sigaw ni Raven. "Aaaaaaahhhh!"
Lahat sila ay napatingin dito at nakita nilang may kumagat sakanyang isang hangal. Agad na napa-atras ang lahat maliban kay Pia na ngayo'y lumuluha. "Raven!" Sigaw pa nito.
"L-lumayo na kayo! Wag niyo na kong alalahanin!" Sigaw ni Raven bago bumagsak sa sahig. "Raven hindi!" Muling sigaw ni Pia at tumakbo palapit ngunit pinigilan ito ni Sean. "Bitawan mo ko! Tutulungan ko yung kaibigan ko!" Pagpupumiglas niya. Nagsisimula nang mangisay ang kaibigan niya, tanda na nagsisimula nang kumalat ang virus sa sistema niya.
"Bitawan mo sabi ako! Sasamahan ko ang kaibigan ko!" Nagwawalang sigaw ni Pia. "Tara na, Pia ano ba! Magiging katulad na siya ng mga zombies!" Sigaw rin ni Lalaine. "Hinde! Oo! Ewan ko! Sasama na ako sakanya!" Pilit paring lumalapit ang dalaga sa kaibigang tumatayo na.
Sa takot ni Jullienne ay nasampal niya si Pia at sinigawan. "Don't be too weak! Kaya mong mabuhay nang wala siya! Tingin mo matutuwa siya kung malaman niyang siya ang magpapakalat ng sakit sayo?! Hindi, Pia kaya tara na!" Sigaw niya at hinila na sila palabas.
Nang makabalik sa kampanaryo ay agad na napasalampak sa sahig ang lumuluhang si Pia habang paulit-ulit na binubulong ang pangalan ng kaibigan. Napailing na lamang ang magkakaibigan at inilabas mula sa mga bag ang mga nakuha nilang pagkain.
"Salamat po, mga ate at kuya!" Masiglang sabi ni Ingrid at iniabot sa mga kapamilya niya ang mamon at tubig.
Sa gitna ng delubyo ay napangiti ang magkakaibigan dahil sila ay may natulungan.
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018A/N:
Sorry, Raven :(( kiss nalang keta hihee