TEN

44 7 3
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- T E N -

          Sinundan ng magkakaibigan ang dinaanan ng mga hangal na dala-dala si Sacci. Nakarating sila sa isang gubat na napuntahan ni Jul at Rave.


          Tinanggal ng mga zombie ang ilang dahom sa sahig at bumungad sa magkakaibigan ang isang sikretong lagusan pababa. Hinintay nilang makapasok ang lahat bago sila sumunod sa ibaba.

          Napag-alaman nilang isa itong hidden laboratory. Tahimik na pumasok sina Lalaine, Jul, Fate at Nath sa pintong nilabasan ng mga zombies samantalang ang mga lalaki naman ay nakaabang sa labas ng pinto.

          Naabutan nila ang gulat na si Sacci, nakatitig sa isang doktor na nakasuot ng lab coat at mask.

          "Mama..." Bulong ni Sacci at unti-unting tumulo ang mga luha. Maging ang mga kaibigan niya ay nagulat. Agad tumakbo palapit si Sacci sa kanyang nanay para yakapin.


          "Mama! Mama, anong ginagawa mo dito?!" Nag-aalalang sabi ni Sacci.

          Nagsalita si Lalaine. "S-sacci... yung Kyra Soliman sa ospital? Mama mo yun?" Umiiyak na bumaling sakanya si Sacci at tumango. "Oo, Ley. Si mama yun."


          "Pero, Mama anong ginagawa mo dito? Ma, hindi tayo ligtas dito! Umuwi na tayo, Ma.." Sambit ni Sacci sa ina niyang umiiling. "Ma, sino po sila?" Dagdag pa niya at itinuro ang apat pang doktor.


         Ngumiti ang nanay niya, "Nak mga kapatid mo sila! Sila si Sam, Naesha, Eurika at Rinoa." Gulat na umiling si Sacci. "Hindi ma! Ako lang ang anak nyo hindi ba?!" Tuluyan nang lumuha ang ina niya. "Anak ko sila sa ibang lalake, Sacci.." Mas lumakas ang iyak ni Sacci, gustuhin man siyang tulungan ng mga kaibigan niya ay wala siyang magawa.

          "I-ibig ba nitong sabihin... kayo ang may pakana ng lahat, ma?" Tanong ni Sacci. Tumango ang nanay niya, "Oo, anak. Ang galing hindi ba? Napapasunod ko sila!"

          Marahas na sinabunutan ni Sacci ang sarili, "Ma, madaming inosenteng tao ang nadamay! Kahit kami, hinuhulaan nalang namin kung kailan kami mamamatay! Bakit mo to ginagawa, ma?!" Sigaw ng dalaga.

          "Dahil dito sa Stanley Ville kami nagkakilala ng papa mo! Dito kami nagkakilala, dito kami nagsimula! Dito kami ikinasal. Pero nang malaman ng papa mo na itinuloy ko ang pagiging chemist ko?! Iniwan niya ako at sinama ka pa niya! Sinama niya ang anak ko!" Sigaw ng nanay niya, halos mamaos ma sa lakas. "Minaliit niya ang trabaho ko pero asan na ako? Malakas na ako, makapangyarihan! Kaya ipapakita ko sa papa mo ang kaya ko. Kaya kong sakupin ang mundo at sisimulan ko iyon dito. Sa Stanley Ville. Kung saan una kaming nagkakilala." Dagdag pa niya at tumawa na parang demonyo na naghatid ng kilabot sa lahat.


           
          "Ma, mahal ka ni papa. Ma, walang araw na hindi ka niya naalala. Ma itigil mo na 'to. Masyado nang marami ang nakuha mong buhay. Umuwi na tayo, ma.." Nabasag ang boses ng dalaga. "Ma, tara na. Isama mo na silang mga anak mo. Mahal na mahal ka namin, ma."


          Nag-aalinlangan ang ginang sa simula ngunit nang salubungin niya ang mata ng kanyang anak ay unti-unti siyang nagtiwala. Kinuha niya ang kamay ni Sacci at hinila para yakapin.


- THE END -

         

All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018

Lost and Unfound Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon