ONE

144 14 14
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- O N E -

          Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ng mga dalagang naghihintay sa isang sakayan ng bus, dala-dala ang mabibigat na backpack.

          "Sigurado ka bang may dumadaang bus dito? Mukhang papapakin tayo ng lamok dito kahihintay ah?" Iritang sabi ni Nath kay Sacci. "Trust me, oh wait. Ayan na. Speaking of." Sabi ni Sacci at kumindat pa na mukhang hindi napansin ni Nath dahil madilim pa.

          Alas cuatro pa lamang ng madaling araw ay nasa labas na sila. Marahil ay para makakuha ng upuan sa pampublikong sasakyan na sasakyan nila papunta sa isang bayan na pagbabakasyunan nila. Ang Stanley Ville.


          Lulan ng sasakyan ang bilang sa daliring mga katao, idagdag mo lamang ang drayber at kundoktor. Nang makaupo silang lahat ay lumapit sila ang kundoktor, "Saan papunta ang mga binibini?" Magalang na tanong nito. "We're heading to Biyanon." Sagot ni Lalaine.

          Pumunit ng limang tiket ang kundoktor at isa-isang inabot sa kanila. "Sakto ang punta niyo, fiesta doon ngayon." Dagdag ng lalake. "Alam po namin." Pabalang na sagot ni Jullienne at nagsalpak ng earphones sa tenga bago humalukipkip.

          "Sige, maiwan ko na kayo." Paalam ng matanda.



          "Biyanon! Lahat ng bababa sa Biyanon!" Anunsiyo ng kundoktor. Maliwanag na sa labas ngunit malamig parin ang simoy ng umagang hangin.

          Tumayo ang mga dalaga at mabilisang kinuha ang mga gamit bago bumaba sa sasakyan. "Larga na, 'pre!" Rinig nilang sigaw ng kundoktor bago pinatakbo ng drayber ang bus.

          "Saan na tayo ngayon?" Wika ni Fate at naghikab. Marahil ay naudlot ang pagtulog. "Sasakay tayo sa tricycle papunta sa Stanley Ville." Sabi ni Sacci at iniangat ang braso para pumara ng tricycle.

"Uhm, kuya kasya po ba kami dito? Lima po kasi kami tsaka may mga bag po kami." Sabi ni Lalaine. "Ay oho mam, tatlong tao po ang kasya sa loob at apat naman sa likod. Kasya naman po yang mga bag nyo sa likod." Sambit ni manong. Naglakad si Nath papunta sa likod at nakitang may dalawang magkaharap na upuan dito.

          Nang makapirmi na sa mga upuan ay umandar na ang sasakyan lulan ang limang magkakaibigan.

"Selfie, guys!" Sigaw ni Fate dahil hindi na sila magkarinigan dahil sa tindi ng pagaspas ng hangin. Matapos ang ilang kuha ay umayos na muli sila ng upo.

"Magkano po?" Sabi ni Sacci at naglabas ng wallet na naglalaman ng perang napag-ambagan ng magkakaibigan. "Siyete lang po ang isa, bale kwarenta y cinco po lahat." Kahit medyo namamahalan ay iniabot ni Sacci ang singkwenta at hindi na kinuha ang sukli.

          Inilabas muli ni Fate ang kamera at tumapat sila sa isang arko na nagsasabing, Tuloy po kayo sa bayan ng Stanley Ville!.

"San tayo matutulog? Antok na antok pa ko. Tingnan mo, tulog pa yung isang mata ko." Sabi ni Fate at itinuro ang kaliwang mata. "Para kang tanga ka. Okay ladies, look to your left." Sabi ni Sacci. Sabay-sabay namang tumingin ang apat na parang planado at nakita nila ang isang tarpaulin na may nakalagay na Hotel de Biyanon. Makikita sa istraktura ng karangyaan na taglay nito.

          Pagkaraan nila sa gate ay sumalubong sa kanila ang maliit na fountain na may batang may hawak na palaso sa itaas. Maaamoy rin ang halimuyak ng mga bulaklak dahil hitik na hitik ang lugar sa iba't-ibang uri ng bulaklak.

          "Good morning po, mga madam. May reservation po kayo?" Sumalubong sa amin ang isang babae na mukhang empleyado. "Yes, kay Sacci Soliman?" "Um, Rosalinda Soliman lang po ang nandito. Three days and two nights?" Sagot ng babae na ipinagtaka nila. Walang nagngangalang Rosalinda sa kanila. "Sigurado ka ba, Miss? Sacci Soliman ang pangalan na ini-register namin." Singit ni Fate na antok na antok pa rin. "Opo, ma'am. Kayo lang po ang naka-reserve sa amin." Naguguluhan man ay um-oo nalang sila. Inihatid sila ng isang staff papunta sa kwarto nila.

          "Saan tayo gagala ngayon?" Tanong ni Jullienne. "Sa--" "Pwedeng matulog muna? Luluwa na mata ko." Singit muli ni Fate. "Sabi ko nga." Sabi ni Jullienne at nagpout. Ang keot-- este ang lamig sa loob ng kanilang kwarto kaya tumayo si Nath at hininaan ang aircon.



          "GISING NAAAAAAA!" Sigaw ni Sacci at tumalon-talon sa mga kama nila. Sabay-sabay naman na umangal ang mga dalaga at nagtakip ng mga mata. "Bilis na kasiii! May boodle fight ngayon! Libreng pagkaiiiiin!" Dagdag pa ni Sacci kaya't napabalikwas ang kaninang pupungas-pungas na si Nath. "Asan puds?!" Tumayo na rin si Jullienne at binatukan si Nath. "Ikaw basta pagkain gising ka! Pero totoo?" Sinabunutan ni Nath si Jullienne at ganun din ang ginawa ng isa. "Hay nako, kayong dalawa. Hindi na talaga kayo nagkasundo e kayo tong parehas na panget." Singit ni Lalaine na kasalukuyang nagsusuklay.

          "Teka ano?!" "Ano 'yon, Ley?" Sabay na sabi ni Nath at Jullienne. "Wala, sabi ko ang cute ko." Sagot ni Lalaine bago yumuko at itinali ang sintas. "Kasinungalingan." "Budol."



          "Saan ang foods?" Excited na sabi ni Fate at lumingkis sa mga braso ni Sacci at Nath. Di nagtagal ay natanaw nila ang isang mahabang lamesa na may nakapatong na maraming pagkain; particularly seafoods. Inilibot ni Jullienne ang paningin niya at nahagip ng mata niya ang isang medical program. Graduate si Jullienne sa kursong medisina kaya agad niyang napapansin kung may mali sa ginagawa nila. "Ley, samahan mo nga ko dun." Pag-aaya niya sa kaibigan. "Saan?" "Doon." "Saan?" "Doon nga!" Sabi ni Jul at hinila na si Ley palayo.

          "Oy! Saan kayo pupunta?!" Sigaw ni Sacci. "Babalikan namin kayo dyan!" Sigaw pabalik ni Jul. "Alam mo, magkasing-liit pala tayo noh?" Manghang sabi ni Jul at dumikit kay Ley dahil may paradang dadaan. "Wow ha, magkasing-liit? Di ba pwedeng magkasing-tangkad?" Sagot ni Ley. Iniangat ni Jul ang kamay niya at hinimas ang likod ni Ley. "Lalaine my fren, tanggapin na natin." Tatawa-tawa niyang sagot kaya binatukan siya ni Ley. "Bwisit ka talaga, Jul." "I know."


          "Magandang tanghali po! Ano po yung iniinject nyo sa kanila?" Magalang na tanong ni Jul sa isang volunteer na nakasuot ng surgical mask. "Ah eto ba? Anti-pneumonia daw ito iha." Sagot niya at nag-inject sa isang bata na kandong-kandong ng kanyang ama. "Pwede pong manghiram ng dalawang syringe?" Pagtatanong muli ni Jul. Si Ley naman ay naglabas ng panyo at nagpunas ng pawis. Iniabot ng babae ang hinihingi ni Jul. Itinapat niya ito sa araw at pinagkumpara. Kahit naguguluhan ay ibinalik niya ito sa babae at nagpasalamat.


          "Ano ba yun? Ba't ka nanghiram? Tuturukan mo ba kami? Matino kami!" Naguguluhang tanong ni Lalaine. "Wala, tara na baka hinihintay na nila tayo. Gutom na panigurado si Nath. Hikhikhik."

All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018

Lost and Unfound Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon