THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- T W O -Palubog na ang araw at pabalik na ng hotel amg magkakaibigan. Kapwa nakangiti at puno ng pawis dahil nakiisa sila sa mga palaro sa piyesta.
"Tapos... tapos nakita niyo yung humuli ng baboy? HAHAHAHAHAHA parehas lang silang baboy e HAHAHAHA-- aray!" Naudlot ang pagkekwento si Jul nang may makabunggo sa kanya. Huminto rin sila sa paglalakad ang apat.
"Sorry, Miss! Let me help you." Paumanhin ng binata at tinulungang tumayo si Jul. Inilahad niya ang kamay niya pero hindi ito tinanggap ni Jul at mag-isang tumayo at pinagpagan ang sarili. Nagtama ang mata nila at nginitian ng binata si Jullienne na kasalukuyang nakakunot ang noo. "Um, Rave nga pala." Pagpapakilala niya at ngumiti. Halata sa kanya ang hindi diretsong pananalita, marahil ay dayuhan sa sariling bayan. Hindi pinansin ni Jullienne ang lalake kaya si Nath ang sumagot. "Ah, pagpasensyahan niyo na siya. Siya nga pala si Jullienne, at ako si Nath." "Ako naman si Sacci." "I'm Ley and that's Fate." "Wow ang generous. Pinakilala ako, hindi mo man lang ako pinagsalita." Sagot ni Fate at umirap."Um, nice meeting you all. These are my friends, Ken, Sean, Melo and Danilo." Sabay-sabay namang kumaway ang mga kalalakihan sa mga dalaga na ngumiti lamang na akala mo'y Maria Clara. "Ah sige, una na kami ha? Pagod kasi kami." Sabi ni Jullienne at hinila na ang mga kaibigan papasok sa elevator. "Sige, miss. Sorry ulit." Pahabol ni Rave na hindi na sinagot ni Jul dahil sumara ng elevator.
"Ang pogi nilaaa!" Hiyaw ni Nath sa oras na sumara ang pinto nila. "Lalo na yung Ken? Oh my goshhh." Dagdag pa niya at ibinagsak ang katawan sa kama. "Ang pogi nung Sean. Horisheeettt." Tili din ni Ley at nagtatalon habang nagtutoothbrush. "Luh kayo. Pano kung budol yun katulad ni Nath. Oh diba. Ang brainy ko." Sagot ni Jul at itinuro ang sentido.
"Pakipot ka pa nga kanina, Jul! Walangya, ang pogi-pogi nung Rave tapos kunwari ka pang masungit!" Sabi ni Nath at binatukan si Jul. "Oo pogi pero--" Pinutol ni Sacci ang sasabihin ni Jul. "Ang pogi nung Melo guys." Bulong niya. Napapalo na lamang sa noo si Jul. "Lahat sila may itsura, okay? Maliban dun sa Ken. Mukha siyang... unggoy." Tatawa-tawang sabi ni Jul kaya sinabunutan siya ni Nath.
"Tulog na tayo. Tingnan mo yung eyebags ni Fate. Maleta na. Baka bigla nalang yan sumara." Sabi ni Sacci at nagtalukbong ng kumot.
"Sumara? Hi, Miss. Open minded ka ba sa business." Sabi ni Nath at nagtalukbong narin. "Goodnight guys." Dala ng pagod at antok, nakatulog agad ang mga dalagang kyut-- este cool. Cool yung aircon, malamig.
"Shit naman! Anong nangyayari?!" Naalimpungatan ang kaninang tulog na si Nath sa inis na hiyaw ni Sacci. "Di ko din alam!" Balik na sigaw ni Lalaine.
Naabutan ni Nath ang magkakaibigan na nakadungaw sa bintana at nagsisigawan. "Guys?" Takang wika niya at lumapit sa tinitingnan nila at laking gulat na lamang niya nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
Ang mga taong bayan ng Stanley Ville. Naglalakad na parang wala sa kanilang mga sarili at hindi lang iyon. Kapansin-pansin rin ang ilang mga sugat at butas nila sa katawan at kung hindi ka sanay sa ganyang pangitain ay nasuka ka na."I have a hunch..." Rinig nilang bulong ni Jul.
"Yung medical mission. Diba hinila ko si Lalaine papunta doon? I saw something wrong. Masyadong malaki ang dosage na iniinject nila pero hindi ko yun pinansin kasi baka iyon ang order sa kanila. Anti-pneumonia daw iyon pero parang hindi iyon ordinaryong likido. Nanghiram ako ng dalawang syringe sa doktor at may kulay pula iyong iniinject. That ain't normal. Sa unang tingin, hindi mo yun mahahalata kasi may tatak yung syringe na pula rin kaya aakalain mong reflection kang yun kaya hindi ko na pinansin." Mahabang paliwanag niya.
Napaupo ang takot na takot na si Sacci sa kama at napasapo sa noo. "Kailangan nating makalayo dito. I'll call my father." Sabi niya at nanginginig na tumayo para kuhanin ang phone niya. Lahat ay naguguluhan sa nasaksihan. Ano ang pakay nila at nagawa nila ang ganito?"Shit! Wala nga palang signal!" Frustrated na sigaw ni Sacci at napasabunot sa sarili. "Anong gagawin natin?!" Takot na sigaw ni Lalaine. "I don't know! Pano kung mapasok nila tong hotel nati--"
Natigilan ang lahat nang may kumalampag sa pintuan nila. Pati ang pagtibok ng puso ay huminto. At nadeadz sila. Char.
"Let us in!" Rinig nilang sigaw ng kung sino sa labas. "Open the damn door!" Dagdag pa nito. Bubuksan sana ni Nath ang pinto nang pigilan siya ni Jul. "Wag, Nath! Pano kung ganyan rin sila?! Edi nagkandaletse-letse pa buhay natjn?!" Umiling si Nath at umirap. "I'm a strong cutie, bish." At binuksan niya ang pinto.
"Kayo?" Gulat na tanong ni Jul. "Ano ba?! Papasok ba kayo o hindi?" Inis na tanong ni Nath kaya't nagmamadaling nagtulakan papasok ang mga binata.
"P-pwedeng makiinom?" Hingal na tanong ni Danilo. "Hinde." Sagot ni Jul kaya siniko siya ni Lalaine. "Sige, Pakibigyan sila ng tubig, Jul." Nakangiting wika ni Lalaine; may bahid ng pang-aasar. "Teka, bakit ako?!" Inis na wika naman nito. Tiningnan siya nang masama ni Sacci kaya wala siyang ibang nagawa kundi sumunod.
"So anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sacci nang huminahon na ang mga bwisita nila.
"Nasa labasan kami nang mangyari itong... outbreak? At kayo ang pinakamalapit sa lobby kaya itong kwarto niyo ang napasok namin. Lahat ng staffs ng hotel... infected na." Pagpapaliwanag ni Melo at bumuntong-hininga. "Napansin din naming kumakalat ang sakit kapag nakakagat sa braso." Dagdag pa niya.
"Kailangan nating makatakas. Kung hindi tayo mamamatay sa sakit ay mamamatay tayo sa gutom."
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018