FIVE

49 9 2
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- F I V E -

Walang makikita sa kinalulugaran ng magkakaibigan. Napakadilim ng paligid dahil walang ilaw sa ilalim. Ganon nalang din ang init dahil tag-araw ngayon. Lahat ay naliligo sa pawis at kinakapitan ng dumi ngunit mas gugustuhin na nila ito kaysa kapitan ng epidemya na kumalat.


"Ayos lang ba ang lahat?" Hinihingal na tanong ni Sacci habang may hawak na flashlight na nakuha niya sa ospital. "Oo, ayos la--" Pinutol ni Jullienne ang nais sabihin ni Fate. "Magiging hipokrita ako pag sinabi kong oo, Sacci. Hindi ako ayos. Walang kahit isang tao dito ang maayos!" Sigaw niya. Nagulat ang lahat sa inasta ng dalaga. Maging siya ay nagulat sa sinabi niya. "Sorry, excuse." Pagpapaumanhin niya at lumayo.


Nagkatinginan ang siyam at umiling na lamang si Sacci, pilit na iniintindi si Jullienne. "G-gutom na ba kayo?" Pag-iiba ni Sacci sa usapan. Umiling ang ilan.

"Uhaw lang... eto tubig." Sabi ni Nath at inilabas sa bag ang ilang bote ng tubig. Kumuha ang ilan ngunit ang iba naman ay mas piniling magpahinga na lamang. Tumayo si Sacci at pinagpagan ang sarili bago naglakad upang sundan si Jul.



"Jul?" Pagtawag ni Sacci. Masyadong malawak ang manhole na binagsakan nila ngunit nasisigurong niyang hindi lalayo ang dalaga. Nakita niya ang dalagang nakaupo sa sahig at nakayakap sa mga tuhod. Tumingin ito sakanya at agad na nag-iwas ng tingin.


"Naiintindihan kita, Jul." Sabi ni Sacci at naupo sa tabi niya. "Hindi mo ko naiintindihan." Pabalang na sagot naman ng isa, hindi pa rin sinasalubong ang tingin niya.

"Hindi ka lumaki sa broken family pero alam kong may puwang dyan sa puso mo. Kaya nga andito kaming mga kaibigan mo diba?" Sabi ni Sacci at isinandal ang ulo sa balikat ng kaibigan. "Nandito lang kami para sayo. To fill your heart." Dagdag pa niya at sinundot ang dibdib ng dalaga.


Natatawa namang hinampas ni Jul ang daliri ng kaibigan. "Bat flat?" Pang-aasar ni Sacci. "Aba nga naman, baby bra warrior ka diba?" Balik namang pang-aasar nito.


Natigil ang pagtawa ng dalawa nang may marinig na isang kalabog. Nagkatinginan ang dalawa at agad na tumakbo palapit sa iba nilang mga kasamahan.



"Guys, mukhang may hangal din dito." Humahangos na sabi ni Sacci at lumuhod para itago ang mga gamit.


"Si Ken, oo hangal na gwapo-- este hangal talaga yan. Pero ibig sabihin... may zombies din dito?!" Gulat na hiyaw ni Nath.

Izinipper ni Sacci ang bag niya at isinukbit. "Oo-"

Naputol ang sasabihin ni Sacci nang makarinig sila ng malalakas na yabag. Tumingin ang lahat sa pinanggalingan nito at nakita nila ang isang matabang ale. Puro sugat ang katawan at butas-butas ang mga braso. Umaagos ang dugo sa bawat butas at namumula ang mga mata. Nakakasuka ang itsura.


"Si Manang Arne... siya ang nagsponsor ng boodle fight!" Sigaw ni Ken.


"Run!" Sigaw ni Rave at tumakbo naman ang lahat. Sumigaw nang napakalakas ang ale at hinabol sila. Hindi mahahalata sa kanyang katawan ang bilis ng pagtakbo niya. Nakuha niya si Sacci na nagpatigil sa magkakaibigan.


"Wag nyo na akong alalahanin! Tumakbo na kayo!" Sigaw ni Sacci at lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Manang Arne.

"Tara na!" Sigaw ni Sean. Inis siyang binalingan ni Jul. "Gago ka ba?! Bakla!" Sigaw ng dalaga at tumakbo palapit kay Sacci. Natauhan ang magkakaibigan at sumugod na rin.


Ang bawat suntok sa katawan ng ale ay bumabaon sa kanyang laman at ang mga kamao nila'y nababalutan na ng dugo pero alam nilang kailangan nilang iligtas ang kaibigan nila.


Sa wakas ay nabitawan ni Manang Arne ang katawan ni Sacci. Walang sinayang na oras ang lahat, agad itong tumakbo at umakyat sa isang hagdan kahit hindi nila alam ang patutunguhan nito.


Isinarado ng mga kalalakihan ang kahoy na takip ng lagusan at tumakbo silang lahat papasok sa isang bakery.


Inabutan ni Sacci ang lahat ng mga pamunas para alisin kahit papano ang mga kumapit na dugo at uod sa katawan at damit nila. Inabutan naman sila ni Nath ng tubig.


"Salamat ha, thanks for saving me." Sinserong sambit ni Sacci at nginitian ang bawat isa. Ngumiti pabalik ang kanyang mga kaibigan at nagsalita si Melo, "Always."


"Paano na, san na tayo tutuloy?" Pagtatanong ni Danilo. Sumilip si Fate sa isang bintana at may natanaw siyang isang bahay. Scratch that, may natanaw siyang isang mansion. "Doon kaya?" Lumapit ang lahat at tiningnan ang itinuro ng dalaga. Nagtanguan ang lahat bago muling binuhat ang mga bag, handa nanaman sa isang maikling paglalakbay.




Sa gitna ng kanilang paglalakad ay muli, may nakasalubong silang isang batalyon ng mga hangal. Sinubukan nilang tumakbo ngunit sa iba't-ibang direksyon na naging dahilan ng paghihiwa-hiwalay nila.

All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018

Lost and Unfound Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon