THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- E L E V E N -"The end! Yes!" Masiglang sambit ni Kisha at tumayo sa kama niya. Dala-dala ang librong may pamagat na Stanley Ville ay lumabas siya ng kwarto. "Bye, nay! Papasok na po ako!" Pagpapaalam niya sa nanay-nanayan niya.
Lumaking ulila ang dalagang si Kisha. Hindi niya nakilala ang mga magulang niya dahil iniwan lang siya sa labas ng pintuan.
"Melody, Alyzza, Angellll!" Bungad niya sa mga kaibigan niya. "Asan si Elle? Natapos ko na yung pinapabasa niya saking libro e."
"Si Elle? Aabsent yun diba? Nagchat siya sa gc. Hindi mo nabasa?" Takang tanong ni Alyzza na ipinagtaka rin ni Kisha. Umiling lamang ang dalaga at ngumuso. "Pero naseen mo yun e. Nagreply ka pa nga ng okie." Singit ni Melody na mas lalong nakapagpataka kay Kisha.
"P-pero ala akong load. Wala rin kaming wifi." Naguguluhang wika niya. "Hala, mag-iba ka na ng password, Kish! Baka nahack yung account mo." Sabi rin ni Angel. Nagkibit-balikat lamang si Kisha, "Sige."
"Uy, Stanley Ville ba yan? Maganda daw kwento niyan!" Bati sa kanya ng kaklase niyang si Amy. "Oo, maganda talaga." Nakangiting sagot ni Sacci.
"Kwento mo naman, Kisha!" Singit din ni Bern. "Holdapin kita jan e." Dagdag pang biro nito.
"Sige na! Wag ka na maghasik ng lagim, mareng Bern." Lumapit sakanya ang ilan niyang mga kaklase para makinig sa kwento niya. "Malamig na simoy ng ha--" Naputol ang sasabihin niya nang kumulog nang malakas. Mas malakas ito sa normal kaya't may ilang estudyante ang nagsigawan.
Isasarado sana ni Rea ang mga bintana dahil lumalakas ang ulan pero laking gulat niya nang makakita ng ilang estudyante na naglalakad na parang wala sa sarili. Lalong lumakas ang sigawan. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Kisha. Ganong-ganong ang itsura ng mga zombies sa libro.
Bumaling ang lahat sa pinto nang padarag itong bumukas. Sumalubong sa kanila ang adviser nila, si Mrs. Hannah Fay. Pero ang mas ikinagulat ni Kisha ay ang winika nito.
"Kisha, anak."
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018A/N:
I gave a clue. Chapter Six sa author's note. Naka-bold pa yung "This is just a story." :>
Ewan ko kung nakakagulat pa ba tong plot twist kuno na to o masyado nang mainstream hahaha.