THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- S E V E N -Maliwanag na sa labas. Napakatahimik na aakalain mong walang ganap. Ang unang sasalubong ay ang hindi kaaya-ayang amoy na parang lansa ng dugo.
"May malapit na simbahan sa kanto. Baka gusto niyo lang." Pagsusuhestiyon ni Ley na kakagising lang at nag-aayos ng buhok.
"Sure, only He is the answer." Nakangiting wika ni Sacci at isinukbit ang bag; muli ay sasabak sila sa isang paglalakbay na walang kasiguraduhan.
Nang marating nila ang simbahan ay lumapit sila sa altar upang magdasal. Kanya-kanyang hiling at pagpapasalamat. Ngunit naputol ang kanilang pagdadasal nang may marinig silang iyak ng isang bata. Nagkatinginan silang apat at sinundan ang pinanggagalingan ng tinig.
Napunta sa sila sa kampanaryo ng simbahan. Hinanap nila ang hagdan paakyat at agad itong tinahak at nagulat sila sa nadatnan.
Malawak ang tuktok ng tore kaya't nagkasya doon ang dalawang pamilya, magkaibigan, pari at madre. Nanlaki ang mga mata nila. Agad silang pinagbuksan ng madre at pinatuloy.
"Nako salamat sa Diyos at ligtas kayo!" Sabi ng madre na may bahid ng pag-aalala. "Ako nga pala si Sister Paula at eto naman si Father Mack." Pagpapakilala niya. Lumapit ang apat sa kanilang dalawa at nagmano bago bumaling sa dalawang pamilya. Nginitian ni Sacci ang dalawang bata at ngumiti naman ang mga ito pabalik.
"Hello po ate! Ako po si Ingrid at siya po ang kapatid kong si Abi. Eto naman po si Mama Fragile at Papa Jobert." Nakangiti niyang pagpapakilala. Hindi maiwasang mainggit ng magkakaibigan kung pano nakakangiti ang mga bata na tila walang problema.
"Ako naman po si Unica, anak po ako nila Mama Dina at Papi Kai." Nakangiting pagpapakilala din ng isa pang bata na mukhang tahimik.
Lumapit naman ang isang babae at nagpakilala. "Uhm, hello. Ako si Pia at siya naman ang bestfriend kong si Raven." Nakangiti niyang sabi at itinuro ang babaeng nakaupo sa sulok. Hindi nakaligtas sa paningin ni Lalaine ang pasimpleng pag-ngiti ni Pia kay Sean. Otomatikong tumaas ang kilay niya sa dalaga.
"Ehem, ako si Lalaine. Sila si Sacci at Melo." Pagpapakilala niya na ipinagtaka ni Sean dahil hindi siya nabanggit. Nahihiyang ngumiti si Pia, "Siya po? Anong pangalan niya?"
Wala sa sariling napairap si Lalaine. "Wala ka na don." At hinila niya palayo si Sean."Sungit mo ah?" Natatawang tanong ni Sean kay Lalaine. "Pake mo ba?" At muling umirap. Sean chuckled, "Meron ka?" Pabirong tanong nito kaya't nakatanggap siya ng isang malakas na batok mula kay Lalaine.
Natatawang sumiksik si Sean kay Ley, "Selos ka?" Gulat na napatingin si Ley kay Sean at piniling hindi na lang sumagot. "Ikaw ha, crush mo talaga ko." Puno sa sariling wika ni Sean, muli ay nakatanggap siya ng isang malakas na batok.
"Kamusta na kaya sila?" Nag-aalalang bulong ni Fate sa sarili. "Wag kang mag-alala, siguradong ayos lang ang mga iyon." Sabi ni Danilo na buhat-buhat ang tulog na si Lucy. "How sure are you?" Sabi ni Fate, tila nauubusan na ng pag-asa. "Yung mga yon pa, lalabas tayo dito nang kumpleto, okay?" Wika nito at hinimas ang likod ng dalaga which made her feel comfort at unexpected times.
Maya-maya ay nagising na si Lucy, "Okay lang po sila Ate Fate. Hindi po sila papabayaan ni Papa God." At nagbigay si Lucy ng pag-asa kay Fate. "Sana nga, Lucy. Sana nga."
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018A/N:
aNOTHER MAIKLING UPDATE HAHAAHAH WALA NA KO SA WISYO PERO PINILIT KONG MAGSULAT KASE NAKAKALAHATI NA NATIN EONG KWENTO HAHAHAHA IKLI NOH MAJIK
gethalown owna olow