THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- F O U R -"Wake up, Jullienne." Naalimpungatan si Jul dahil sa marahang pagtapik ni Rave. Umupo siya at tiningnan siya nang masama. "Ano ba? Bakit mo ko ginising?" Iritang tanong nito. Si Jul ay laging kulang sa tulog kaya napakahirao nitong gisingin at ihanda mo ang tenga mo sa sunod sunod na-- "Di mo ba alam na katutulog ko lang tapos tingnan mo, kakasikat pa lang ng araw tapos ginising mo agad ako? Pwedeng ilang minuto lang? Antok na antok pa ko e, ha?" --sunod-sunod na pagrereklamo niya.
Napakamot ang nahihiyang si Rave sa batok at nagsalita, "E kase--" Bumaling ang kunot-noong si Jul sa kanya at nagtalukbong. Ngingiti-ngiting umiling si Rave at binuhat ang kyot na si Jullienne. "A-ano ba, Rave?! Bitawan mo nga ko!" Nagpupumiglas si Jul pero tatawa-tawa lang si Rave na naglalakad. Sa inis ni Jul ay kinagat niya ang braso ni Rave, dahilan para ibaba siya nito.
"Aw, shit!" Napahawak si Rave sa parteng kinagat ni Jul na ngayon ay inirapan siya. Lumapit si Jul sa kanila at isinuot ang bag niya. "Tara na?" Pag-aaya niya sa mga kasamahan nila. Bumaling si Ken kay Rave na nakahawak parin sa braso niya.
"Nyare sa braso, par? Hangal na zombie ka na rin?" Tatawa-tawang tanong ni Ken. Natawa naman si Rave at umiling, "I think I have rabies. A cute dog bit me." Wika niya at tumingin kay Jul na nakatingin na sakanya nang masama.
"Teka ano? Mukha ba kong aso?!" Susugod na sana ito kay Rave pero buti nalang at napigilan ito ni Fate. "Hay nako kayong dalawa. Tara na nga!" Sambit niya at hinila na si Jul palayo.
"Finally!" Bulalas ni Sacci nang mamataan ang paparating na mga kaibigan. "Pustahan, si Jul huling nagising." Sambit niya at tatawa-tawang inakbayan si Jul. "Edi ikaw na." Nagbibirong sabi ni Jul at pabirong sinampal si Sacci.
"Oy palabasin niyo si Rave! Zombie yan!" Sigaw ni Melo at itinulak palabas ng storage room si Rave. Pabiro namang sinikmuraan ni Rave si Melo at sinakyan. "Kineget akow ng asow." Sabi ni Rave, pilit na dinidiretso ang pagsasalita ng tagalog.
Nagkatinginan ang magkakaibigan at sabay-sabay na pinagtawanan ang kawawang si babe-- este Rave. Natigil ang kanilang munting kasiyahan nang may lumapit na bata sa kanila.
Pugto ang mga mata at nanginginig ang mga labi. Agad lumapit si Fate sakanya at hinagod ang likod. "Hi, bata. Anong pangalan mo?" Masigla niyang tanong. "A-ako si Lucy. Kayo? Sino kayo?! Katulad ba nila kayo?!" Agad na nagpanic ang magkakaibigan nang umiyak nang malakas ang batang si Lucy."Nako, Lucy, hindi. Ako si ate Fate. At mababait kami. Sasamahan ka namin dito, okay?" Nakangiting wika niya, pinapagaan ang loob ng bata. Unti-unting huminahon ang bata at tumango bago nagpabuhat kay Sean.
Nanlaki ang mata ni Sean, marahil ay hindi siya marunong bumuhat ng bata. "Uhh, Lucy. Hindi kasi marunong bumuhat ng bata si Kuya e--" Naputol ang sasabihin niya nang lumakas ang iyak ni Lucy. Umirap nalang si Ley at binuhat si Lucy. "Share mo lang?" Pang-aasar la niya kay Sean.Nagpumiglas ang bata nang buhatin ni Ley at pilit na sumasama kay Sean. "Ayaw! Ayaw! Gusto ko sakanya!" Sambit niya at itinuro ang naguguluhang si Sean. Lumapit naman si Ley kay Sean at sapilitang pinabuhat ang bata. Nang mapunta kay Sean ay natahimik ang bata at unti-unting nakatulog.
Tumingin naman si Sean sa mga kaibigan na parang humihingi ng tulong ngunit hindi nila ito pinansin at nagkunwaring nag-aayos na mga gamit.
"Kainan na!" Masayang wika ni Sacci at inilapag ang ilang cup noodles. "Wait lang, meron pa doon. Kinuha ni Melo." Sabi niya at naupo sa sahig. Pagkapasok ni Melo ay sinigurado niyang nakalock ang pinto bago naupo kasama ang mga kaibigan."Magpray po muna tayo." Sabi ng batang si Lucy at pumikit. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan at gumaya na lamang sa bata.
"Lord, salamat po sa pagkain namin ngayon at salamat po dahil hindi niyo kami pinapabayaan. Sana po lahat kami ay makalabas ng buhay dito. Amen." Ngumiti ang bata at dumilat. "Kain na po tayo!" Masigla niyang sabi at kumuha ng cup niya. Tumayo ito at lumipat sa tabi ni Sean.
"Pasubo po, kuya Sean." Nakangiting sabi ni Lucy. Iritang napasabunot si Sean sa sariling buhok. "What the f--" "Ehem." Pinutol ni Lalaine ang nagbabadyang mura sa bunganga ni Sean. Unti-unting kumalma si Sean at dinampot ang noodles ni Lucy para subuan ito.
"Tingin niyo makakalabas tayo nang buhay dito?" Wala sa sariling tanong ni Jul. Natigilan ang iba sa pagkain dahil sa tanong niya. "A-ano ka ba naman, Jul. Syempre oo." Awkward na sagot ni Nath at nagpatuloy sa pagkain. "Think positive lang guys. We can get through this." Wika ni Fate, pinapalakas ang loob ng bawat isa.
"We can't always think on the positive side, Fate. Kung nasa loob ka ng isang bahay kasama ang isang killer, maiisip mo bang iiwan ka nalang niya bigla? Of course, maiisip mong may tyansang mapatay ka niya." Sambit ni Jul at tumayo papunta sa pinto at sumilip sa bintanang gawa sa salamin.
Napailing ang na lamang magkakaibigan at nagpatuloy sa pagkain ngunit isang tili mula sa pinto ang nakakuha ng atensyon nila. Napaupo si Jul at nanginginig na tinuro ang salamin sa pinto. Kita mula sa kinauupuan nila ang mukha ng isang hangal na nakasilip dito. Butas-butas na ang mukha at halos hindi na siya makilala, may mala-demonyong ngiti sa labi kahit nilalabasan ng mga uod ang labi, ilong at mata nito.
Napatakip ng mata ang batang si Lucy samantala ang sampung
magkakaibigan ay agad na tumayo pa kuhanin ang mga gamit nila. Binuhat ni Sean si Lucy at sakto ay nabasag ng mga hangal (zombies) ang salamin at nagawa nilang buksan ang pintuan.Dumampot ang magkakaibigan ng mga bakal at kahoy sa loob ng kwarto at nilabanan ang mga hangal.
Sa bawat paghampas nila'y bumabaon ang bakal sa mga katawan nito. Ang ilang ay muntik nang masuka dahil sa nasasaksihan. Takbo lang sila nang takbo para matakasan ang isang batalyong mga hangal.
Sa kasamaang-palad ay nahila ng isang hangal ang kamay ni Sacci at kung hindi lamang dumating si Melo ay nakagat na ito. Hinawakan ni Melo ang pulsuhan ni Sacci at hinila palayo sa mga hangal.
Nagtulungan ang mga lalake na iangat ang takip ng isang manhole at nang mabuksan ito ay walang alinlangang nagsitalon ang magkakaibigan.
Bumagsak ang katawan nila sa isang konkretong lupa. Tumayo si Melo at hinila ang nakataling lubid sa takip ng dinaanan nilang butas para sumara. Pagod na napahiga ang lahat. Hindi inaalintana ang duming maaaring dumikit sa kanila.
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018
