THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- N I N E -"Ate Fate, pumunta po kaya tayo sa church tapos mag-pray tayo?" Sabi ni Lucy na kakatapos lang kumain ng biskwit at humiga sa hita ng dalaga. "Nako, Lucy. Nakakatakot na munang lumabas sa ngayon kasi madilim na." Mahinahong sabi ni Fate dahil iyakin ang batang si Lucy.
Unti-unting kumulot ang mga labi ni Lucy. "Ayaw mo magpray ate Fate?" Agad na nagpanic si Fate dahil nagsimula nang umiyak ang bata. "Ha? Uh, hindi sa ganon Luc--" Lalomg lumakas ang iyak ng bata kaya't napapali si Fate sa noo niya. Wala na siyang magagawa kundi um-oo dahil paniguradong iiyak lang nang iiyak ang bata.
"S-sige sige. Tawagin mo na si kuya Danilo mo." Sabi niya at agad na tumigil sa pag-ngawa ang bata at ngumiti bago lumapit papunta kay Danilo."Psst!" Napalingon sa likod ang tatlo; si Fate, Lucy at Danilo nang nay sumutsot sa kanila. "Psst!" Inis nanamang lumingon si Fate pero wala siyang nakikitang ibang tao. Sila lang. "Dito sa taas!" Rinig niya kaya't napatingin siya sa taas at nakita niya si Sacci at Melo na kumakaway sa kanila.
Napangiti nang malawak si Fate at agad na tumakbo paakyat ng kampanaryo. Pagkaakyat niya ay agad siyang sinalubong ng yakap ng mga kaibigan. "Buti at ligtas kayong tatlo! Sina Ken at Nath nalang ang kulang." Sambit ni Sacci at pilit na ngumiti.
"Kung ganoon ay halina't magdasal tayo." Sabi ni Father Mack at tinipon ang lahat. Agad namang naupo ang mga bagong dating.
"Maraming salamat, Panginoon dahil pinanatili Mo kaming lahat na ligtas. Maraming salamat, Ama, dahil hindi Mo kami pinababayaang lahat at hinhiling namin na matapos na ang lahat ng ito ngunit let Your will be done.""Tara na, Ken! Hindi tayo pwedeng magtagal dito! Ang baho kaya!" Sabi ni Nath at pilit na hinila palayo ang binata. "Oo na! Oo na! Eto naman e!" Yumuko ito upang itali ang sintas ngunit malakas na hinila ni Nath ang collar ng tshirt nito kaya napasubsob si Ken sa putikang sahig.
Gulat siyang tumayo at pinagpagan ang mukha. Nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan si Nath na nagulat din sa ginawa.
"Hala Ken, sorry!" Naglabas siya ng towel mula sa bulsa at tinulungan si Ken na punasan ang mukha. Ngunit alam niya sa sarili niyang natatawa siya sa itsura ng kasamahan.
"Aba't natatawa ka pa! Gusto mong kagatin kita?!" Inis na sabi ni Ken kay Nath. Napangiti ang dalaga, "Ayaw ayaw!" Namula ang pisngi ni Nath dahil sa pagpipigil ng tawa kaya inirapan siya ni Ken.
Nang matapos magpunas ng mukha si Ken ay lumarga na silang dalawa ngunit nang lumiko sila ay nakakita sila ng isang matandang nakahiga sa lupa at pilit na tinatapalan ang sugat sa braso. "S-si Aling Kasing iyan! Siya ang nagpatuloy samin dito!" Sambit ni Ken.
Napatingin ang matanda sa kanila kaya inihanda nila ang mga hawak nilang tubo. Bago tuluyang naging hangal ay nagawa nitong magsalita. "Ang kaibigan nyo... kailangan nila ang kaibigan niyo!" Wika nito bago tuluyang nakatayo at hinabol ang dalawa.
Mas pinili na lamang ng dalawang tumakbo palayo kaysa hatawin ng tubo ang kawawang matanda. Nang tuluyan nila itong matakasan ay may nakasalubong silang isang madre.
"Mga bata, tumuloy nalang kayo sa simbahan! Tara na at maraming tao doon, ligtas kayo doon." Hindi nag-alinlangan ang dalawa na sumama sa madre.
"Nattthhh!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Fate sa lugar kaya agad siyang binatukan ng mga kaibigan. Lumapit ang lahat sa kanya at binati.
"Bat buhay ka pa?!!!" Nagbibirong sigaw ni Jul. "Pag ako naging hangal, ikaw unang una kong kakagatin." Inis na sabi ni Nath. "Oy kayo ha, KeNath ship is sailing!" Pang-aasar ni Sacci kaya't dinaganan siya ng kaibigan niya.
Kinagabihan ay nagsasalo-salo na ang lahat sa ilang tinapay na pinalamanan ng cheese spread na nakuha nila sa grocery.
"Kailan kaya tayo makakalabas dito?" Wala sa sariling tanong ni Fragile sa asawang si Jobert. Malungkot namang ngumiti si Jobert at inakbayan ang asawa. "Walang nakakaalam, Fragile. Pero ang sigurado lang, makakalabas tayo dito nang buhay."
Napangiti si Lalaine nang marinig ang usapan ng dalawa. Kahit papaano ay tumitibay ang paniniwala niyang maliligtas silang lahat.
Pagkatapos kumain ay pumunta na sila sa kanya-kanyang mga pwesto at nagsimula nang magpahinga dahil sobra ang pagod nila.
"Gising! Gising po kayo!" Naalimpungatan ang lahat dahil tinatapik ng mga batang si Ingrid at Abi. "May papalapit po na zombies!" At nagsimulang humagulgol ang bata.
Agad na naalarma ang lahat at inilabas ang mga itinagong tubo at kahoy. Naghiwahiwalay sila at desididong protektahan ang bawat isa kung sakaling atakihin sila.
Nagulantang ang lahat nang makita ang bilang ng mga aatake sa kanila. Hindi na sila mabibilang sa daliri sa dami at lahat sila ay may kalunos-lunos na itsura. Agad pinagtago ng mga magulang ang mga anak nila sa ilalim at tinakpan sila ng kumot.
Walang kasiguraduhan ang buhay nila sa pagkakataong ito. Lahat ay kabado.
Ang unang sumalubong ay si Manang Arne na may hawak na dos por dos at may ngisi sa nangingitim nitong labi.
Agad itong umatake kasunod ang ilang kasamahan. Walang habas niyang hinawi ang mga pilit na lumalaban sa kanila habang pilit na lumalapit kay Sacci na naguguluhan ngunit pilit na lumalaban.
Nahila ni Manang Arne ang ang mahabang buhok ni Sacci at hinila palapit sakanya. Malakas na nagsisigaw ang dalaga habang pilit namang hinahampas ng mga kaibigan niya ang katawan ng mga zombies.
Nang makuha si Sacci ay tumalon ito pababa kaya nabali ang paa nito ngunit hindi niya ito inalintana. Hawak parin niya si Sacci na ngayo'y lumuluha sa sakit at takot. Agad nagsibabaan ang lahat ngunit hinarang sila ng maraming hangal.
Napatingin ang zombies kay Manang Arne at sumunod sila dito na parang lider nila ang matabang ale. Binitawan nila ang magkakaibigan at naglakad na palayo.
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018A/N:
2 chaps then epilogue wahahaha ambilis