THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
- T H R E E -Madilim na sa labas; walang ni isang ilaw ang matatanaw. Nakaimpake na ang mga gamit nila at handa nang lumabas.
"Ganito ang plano. We will split into two groups. Girls and boys. Maghahanap tayo ng daan palabas at kung sinong grupo ang unang makalabas, ipangako nyong tatawag kayo ng pulis. Aba, hindi naman pwedeng mang-iiwan kayo." Paliwanag ni Sacci. Napatango ang lahat sa plano niya maliban kay Sean.
"Girls and boys? Parang mas maganda kung magkahalo para may poprotekta sainyo." Pagsusuhestiyon niya. Napapalakpak si Lalaine at tumango, "Tama, tama! Apir nga." Sabi niya at iniangat ang kamay para makipag-apir kay Sean ngunit tiningnan lamang ito ng binata. "Share mo lang?" Pabalang pang sagot nito. Ngumuso na lamang ang dalaga at isinukbit ang bag.
"Basta pagsikat ng araw, magkikita-kita tayo sa storage room ng grocery store." Singit ni Nath. "Ikaw talaga basta pagkain!" Pang-aasar ni Jul kaya binatukan siya ni Nath. "At nakuha mo pa talagang magbiro ngayon?!" Naputol ang pagbabangayan nila nang nagsalita si Sacci.
"Okay, akin si Melo, Ley at Sean." Wika niya kaya pumunta ang mga taong binanggit niya papunta sa kanya. Tumikhim si Rave kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "Jul is mine.." Bulong niya kaya napataas ang kilay ni Jullienne. "Excuse me?" "I-I mean, I'll have Jul, Nath, Fate, Ken and Danilo."
"Pwede...pwede ba tayong magpahinga muna?" Tanong ng hingal na si Jullienne. "Oo nga! Pwede bang palipasin na muna natin ang gabi? Ilang oras na tayong naglalakad." Dagdag pa ni Fate. "At ilang zombies na ang nakasalubong natin." Singit pa ni Nath. Nagkatinginan ang tatlong lalake at nagtanguan.
"O sige, maghanap muna tayo ng matutulugan." Sabi ni Ken.
"Buhatin kita?" Pag-aalok ni Danilo kay Fate at lumuhod para sa isang piggy-back ride. Mabilis na umiling si Fate na may kasama pang pagwawagayway ng mga kamay. "Hindi na, mabigat ako. Salamat nalang." Nangingiting umiling si Danilo at lumapit kay Fate para buhatin.
"Mabigat ka na niyan? Mukhang hindi ka kumakain, Fate." Tatawa-tawa nitong sambit at sumunod sa kanilang mga kasamahan.
Iniangat ni Ken ang kanang braso niya na nakapagpahinto sa magkakaibigan. "Hangal na zombies." Maikling paliwanag nito kaya muling binalot ng takot ang lahat. Bumaba na rin si Fate mula sa pagkakabuhat ni Danilo. Inilabas ng lahat ang mga kutsilyo at kahoy na napulot nila sa daan. Hindi nagtagal ay namataan nila ang grupo-grupong zombies na naglalakad papalapit sa kanila.
"This'll be a long fight." Wika ni Rave bago sumugod.
Sa kabilang banda naman, kina Sacci. Lahat sila ay nagpapahinga na sa isang pampublikong ospital. "Gusto niyo?" Pag-aalok ni Sacci ng mga biskwit na nakuha niya sa canteen ng hotel na tinuluyan nila. Agad nagsilapitan ang lahat sa kanya dahil ang lahat ay pagod at gutom.
Nang mabusog ay naisipan nilang maghanap ng mga bagay sa ospital na maaari pa nilang magamit. Habang naghahanap ay nahagip ng mata ni Ley ang listahan ng mga may sakit na napunta sa ospital na iyon. Isang nagngangalang Kyra Soliman ang na-confine at dumalaw doon kaya naisipan niyang itanong kay Sacci kung kakilala niya iyon.
"Sacci!" Naagaw niya ang atensyon nito kaya agad itong lumapit kay Ley na kasalukuyang nakaupo. "May kilala ka bang Kyra Soliman? Dumalaw kasi siya dito." Naguguluhang kinuha ni Sacci ang listahan ng mga pangalan at tiningnan. Tulad ng sinabi ni Lalaine ay nandoon nga sa listahan ang babaeng nagngangalang Kyra Soliman.
"May kilala ako pero... imposible. Imposibleng napunta siya dito. Um, tara na. Magpahinga na tayo." Ibinalik ni Sacci ang clipboard sa drawer ng lamesa at hinila si Ley papunta sa mga kasamahang nagpapahinga sa mga ward.
"Kung tama ang pagkakatanda ko, may malapit na sari-sari store dito." Sabi ni Danilo at nanguna. Tama ang sinabi niya, natanaw nila sa hindi kalayuan ang isang karatula na may nakalagay na Ranzy's Sari-sari Store.
Saktong pagkakuha nila ng mga pagkain at inuming kailangan nila ay may narinig silang iyak ng isang bata. Sinundan nila iyon at nakarating sila sa isang kwarto. Nakita nila ang tatlong batang babae na kapwa umiiyak. Nakatakip ang kamay ng isang babae sa pinakabata sa kanila na parang pinipigilang gumawa ng ingay.
"W-wag niyo po kaming sasaktan..." Sabi ng pinakamatanda sa kanila. "Shh, hindi namin kayo sasaktan. Anong pangalan niyo?" Sambit ni Nath at lumapit sa mga bata.
"A-ako po si April at eto naman ang mga kapatid kong sina Diana at Dorothy..." Bulong nito at halata sa boses ang takot. "Asan ang mga magulang niyo?" Tanong ni Jul. "Si Mama po, nakuha nila si Mama Ranzy." Sabi ni Dorothy at muling umiyak.
"Sumama kayo samin. Aalagaan namin kayo." Pag-aaya ni Danilo at naglahad ng kamay pero agad na umiling ang tatlong magkakapatid.
"Hindi na po, babalikan po kami ni Papa." Sagot ng panganay na si April. Ngumiti naman at tumayo si Nath. "Sige, mag-iingat kayo ha? Iwan na namin kayo." At nilisan na ng magkakaibigan ang munting tahanan.
All Rights Reserved.
(c) touchofyellow 2018