Hey, It's Me, Karma
Title
A knock on my door stopped me on tracks while I was cleaning my apartment room on weekend. Pagkabukas ko ay nakangising mukha ni Harika ang bumungad sa akin.
"Hi, Eli! I came to visit!" masigla niyang bati nang buksan ko ang pintuan. Napaatras ako sa energy niya at hindi ko iyon masabayan gayoong nagulat pa ako sa presensya niya ngayong araw. I was not informed that she will be here, I probably looked conflicted right now.
"Hindi ko nasabi na bibisita ako ngayon, biglaan kasi. May pinagkakaabalahan ka ba ngayon?" She looked apologetic that I felt guilty having to greet her with an unwelcoming expression.
Napabuntong hininga ako at kinalma ang ekspresyon sa mukha. I shook my head as an answer and widened the space of my door.
"Pasok ka..." aya ko.
Una niyang napansin ang walis na isinandal ko at ang alikabol na hindi ko pa natatapos na walisin. Pati rin ang mga gamit na inilipat ko na naman ng kinalalagyan.
"Naglilinis ka pala! Pasensiya na talaga, Eli..." Ngumuso siya. "Si Tita kasi eh. Ang sabi ko ay sa susunod na lang dahil hindi kita nasabihan na dadalaw ako. Alam ko namang mabibigla ka at baka may ginagawa ka pa."
Ngumiti lang ako at umiling.
"Hindi naman. Nabigla lang ako sa pagdalaw mo."
"Nag-aalala kasi siya sa'yo. Noong nakaraang araw malalim ang iniisip mo at hindi mo kaagad sinabi sa amin. Baka raw may hindi ka na naman sinasabi sa amin, alamin ko raw."
Natawa si Harika habang naghahanap ng komportableng puwesto sa higaan ko.
"Maayos na ako. Nagkausap na rin kami ni Mr. Saltina tungkol sa bagay na iyon."
Namilog ang mga mata niya. She became attentive to the conversation. Parang kanina lang ay naiilang siya sa walang paalam na pagbisita. Ngayon ay komportable na sa pagkakaupo at nakikiusyuso sa pangyayari sa buhay ko.
"Talaga? Anong nangyari?"
"He apologized and I did the same. We have our faults."
Tumango siya ngunit mukhang nakulangan naman sa pagkukuwento ko. I just don't think I have to tell every detail of my meetings with Mr. Saltina. Somehow, I also wanted to just keep it within myself. Like a secret only Mr. Saltina and I knows.
"He also assigned me to make his lunch. Back then, I only send it to him."
Napaawang ang labi niya ngunit hindi na siya nagsalita. I thought she was so curious about it that I added more to what I said. Ngayong may nasabi na ako ay para namang nagpipigil siya ng mga salita.
Nagpatuloy ako sa ginagawang paglilinis. Nagtangka pa si Harika na tumulong na kaagad kong pinigilan. She sat there with a cute pout while watching me walk back and forth around my small apartment. Nag-uusap lang din kami tungkol sa mga bagay-bagay.
Hindi naman marumi ang apartment ko ngunit naglilinis ako tuwing weekends. I only do the dishes and sweep the floor everyday. May mga natitira pa ring alikabok lalo na sa mga gamit ko. Kalaunan ay napilit na ako ni Harika na tumulong kaya hinayaan ko siya sa mop. Nilinisan ko ang lababo ko at doon ko napagtantong wala na pala akong mga pagkain.
Bago magtanghali ay nag-aya si Harika para mag-pedicure. May appointment daw kasi sila ni Tita Hannah ngayon at dahil nandito naman na siya ay balak akong dalhin. I rejected it though because I was already looking forward to my grocery shopping.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Me, Karma (Manileño Series #1)
RomanceNOTE: This is a new version of Hey, It's Me, Karma and does not follow the old plot. Anything that you have read in the old version is not considered to be canon. The whole series follows the new versions of my Novels and not the old and unrevised...