Chapter 23

500 25 0
                                    

Hey, It's Me, Karma

Twice

"What name do you want me to call you?"

Napamaang ako sa naging tanong niya. I never expected him to still ask me the question when it was already clear to me. Noong mga panahong gustong-gusto ko ang masarap na pakiramdam habang dinig ang sariling pangalan sa labi ng ibang tao, marahil ganoon din ang nararamdaman niya. With my name. He needed the validation that it's still fine to call me my name.

He had given me enough time to assess myself and to strengthen my will of everything. Without him knowing my real situation, he was able to decide quickly for my sake. He was never selfish. Parati ay iniisip niya ang kapakanan ko sa mga desisyong gagawin.

"I want you to call me like before."

I bit my lower lip. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso at ang takot na nararamdaman sa sariling sinabi. Natahimik siya saglit bago ibinuka ang labi para sa mga salita.

"Ylisse..." he said slowly and pinfully, however, it brought calmness to my stormy seas. Nawala ang takot na bumabagabag sa akin sa isang tawag niya lamang ng pangalan ko. He was that powerful, he was able to dig the deepest truths of me and he brought me my own sanctuary through his presence.

"Ylisse...I can call you Ylisse." Inulit niya pa. He sounded like a vulnerable human who just found a way to mend his broken pieces. Mayroong tumamang punyal sa puso ko. My heart constricted in pain, I can't help but smile nonetheless.

I like the sound of his voice with my name. I like it...

Unti-unting humina na ang buhos ng ulan at maya't-maya rin ay nagsimula na ang countdown nila. Rinig namin sa may kalayuan ang boses ng DJ sa bar na nagbibilang kasama marahil ng mga tao. Baka naghahanda na rin ang mga kasama ko. Bumili pa naman kami ng paputok para salubungin ang pasko.

We decided to stay in the same place instead of joining my colleagues. Marahil magkatulad kami ng iniisip na mabigyan ng pagkakataong ganito kalapit ang isa't-isa. After how many days and months and almost two years we were away from each, even along the silence we would treasure.

Pareho kaming naupo sa buhangin, ang lamparang nasa gilid niya ang tanging liwanag na malapit sa amin. Pareho kaming nakatitig lang sa kawalan at nang magsimula na ang paglabasan ng mga fireworks ay nadagdagan ang ilaw na tumatanglaw sa kapaligiran.

The crackling noises from the fireworks, the cheers of people and the sound of trumpets defeated the fall of the rain. At tila ba alam nito ang pagkatalo ay humupa ito.

That night was surrounded by colorful sparks spreading across the skies but nothing beats the most prominent color that reigned my dark life. He was the color that my eyes would always look for. The color I am willing to fill my life with.

Nagpahinga kami pagkatapos ng kaunting kasiyahan ng mga tao. We just stayed there though and watched the surroundings in silence. Hindi mawala-wala ang kuntentong ngiti sa mga labi at sa tuwing magtatama ang paningin ay mas lumalawak ang guhit ng labi.

Nang mag-umaga ay mayroong pagdiriwang sa bayan kaya dinayo namin iyon. Kasama ko sila Joy. Sumama nga rin sila Santina at Silas—iyong babaeng kasama rin namin sa hotel room—nang magpunta kami. Kinabukasan pa naman ang alis namin kaya sinulit na namin ang natitirang araw namin dito.

I texted him to inform him about it.

To: Mr. Saltina

I am going with my colleagues.

Kaagad ang pagre-reply niya sa text ko. Mukhang hindi ata abala at nag-aabang?

From: Mr. Saltina

Hey, It's Me, Karma (Manileño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon