Chapter 40

302 21 19
                                    

Hey, It's Me, Karma

Home

"It seems like I was not able to make it clear that I am going to court you because you were not aware of it..."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at tinanguan lang iyon. Tama naman na hindi ko talaga alam. He never said that he'd court me. I've been courted a lot of times. Parati ay pinapaalala sa akin ng mga manliligaw ko na nanliligaw sila at gusto nila ng sagot ko. Most of them even run after me like a dog. Kung hindi niya pa sinabi sa akin ay baka habang buhay niya akong liligawan nang hindi ko alam o baka iisipin kong wala siyang balak na ligawan ako.

And maybe we'll enter a relationship with me only realizing that he was courting me. Aakalain ko sa una na ako ang patay na patay sa kaniya!

Nakita niya ang pagtango kong iyon na para bang sang-ayon sa naging katangahan niya. I watched him pursed his lips and averted his gaze from me. Napataas ang kilay ko sa ekspresyon niyang iyon.

"Bakit?" tanong ko nang hindi na mapigilan.

He shook his head, the pout on his lips never lips. Nakita ko ang unti-unting pagpula ng tenga niya habang pilit pa ring iniiwasan ang nanghahamon at nagtatanong kong tingin.

"Damn..." he cursed breathily. Ilan pang mura ang pinakawalan niya sa pamamagitan ng mahinang boses. "Akala ko ayos na 'yong sinabi ko," he said silently, seemingly to himself.

Narinig ko naman iyon at naging interesado sa sinabi niya.

I inched my face closer to him. Sinubukan kong hulihin ang paningin niya.

"Anong ibig mong sabihin, Ivan?"

His eyes shifted to me before he avoided my gaze again. Mas lalo lamang siyang namumula.

"Ano?" I probed, more forceful now.

"When you lend me your umbrella. May sinabi ako..."

Hindi ako nagsalita at mariin lamang siyang tinignan habang naghihintay sa kasunod niyang sasabihin. He looked at me, finally, and sighed. Mukhang nahihinuha na niyang hindi ko siya titigilan hangga't hindi ko malalaman kung ano ang sinabi niya na nagpapahiwatig na liligawan niya nga ako.

"I told you that I'll own you. W-Wala akong balak na angkinin ang mga gamit na ibinigay mo, pero sa may-ari meron..." he said in a monotone, as if reading a declamation piece once before you finally put feelings to it.

Napakurap-kurap ako habang inaalala ang mga nangyari noon. Bumalik sa akin ang pagkakataong iyon.

Oh... he did say that.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge nang mapagtanto na ang lahat. Hindi ko nga lang iniwas ang tingin dahil gusto kong makita lahat ng reaksyong nanggagaling sa kaniya. My gaze was sharp, it was also my way of gathering my frail certitude.

He realized my embarrassment and become embarrassed for ourselves. Ngayon ay namumula na rin ang buong mukha niya at ang leeg. Ang kaunting liwanag mula sa malayong lamppost ng bakuran namin ay tinatanglaw ang namumulang mukha naming dalawa. Ivan tilted his head to the side. Iniwan ng isa niyang kamay ang kamay ko para takpan ang buong mukha sa kahihiyang naramdaman.

Tang ina ka talaga, Ivan! Ang tapang-tapang mong bumanat pero nahihiya kang inaalala iyon!?

I feel like I am going to be reduced to embers because of the heat that was emerging on my face.

That Christmas started and ended in a bliss. Inakala ko noong una na mag-isa kong sasalubungan ang Pasko at mag-isa rin ako sa pagtatapos ng Pasko. I was always trying to be considerate and understand. Pilit kong iniintindi at itinatanggi ang kalungkutang nararamdaman ko sa pag-iisa hanggang sa dumating siya. I realized my loneliness from his presence but it was not just a mere realization. He stayed with me and accompanied me with my somber feelings.

Hey, It's Me, Karma (Manileño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon