Hey, It's Me, Karma
Balcony
"Eli, dito ka!" Nagtaas ng isang kamay ang kasama ko at kinawayan ako. Nakabaling din sa akin ng tingin ang iba ko pang kasama na kinakawayan ako ng kaunti.
I smiled at them and head to the seat. Binati ko sila at nagpalitan kami ng mga ngiti bago ako naupo roon.
One of our colleagues will be having the wedding ceremony. Hindi naman ako malapit sa kaniya ngunit masaya ako dahil nakatanggap pa rin ako ng imbitasyon. It seems like all of our colleagues were invited. May iilang hindi pumunta ngunit may mga dumalo rin naman.
I felt a sigh of relief when the people I am acquainted to were around. Hindi ko rin naman tatanggihan ang imbitasyon niya kahit wala pa ang mga kasama namin sa Doozie. I doubt I would even know that they won't be attending. Sa kakaunti lang na nakakausap ko ay kadalasang usapan lamang ang nangyayari sa loob ng trabaho.
Natahimik na ang lahat at huminto na ang kumustahan sa mga taong kilala ang isa't-isa ngunit ilang taon na hindi nagkita. Hindi ko naman iyan magagawa. I was a stranger there and even if I am not, I have no way of remembering who they were if they would recognize me. Mabuti na lamang at mukhang kagaya ko ay naimbintahan lang din ang mga kasama ko dahil magkakilala sa trabaho. They were also stranger to the place.
The wedding ceremony started after a few minutes. Nagsimula na ang prusisyon at sunod-sunod na naglakad sa gitna ng mga nakahilerang upuan ang mga hindi pamilyar na mukha. The people watched it, some with camera in their hands to capture the very moment. Nanatili lang akong tahimik sa puwesto ko at ganoon din ang mga kasama ko.
We were there to witness other people's exchange of promises. We were there to remember their promise to each other. At kapag nabasag man ang pangakong iyon ay iilan sa mga taong narito ang makakaalam kung paano hindi magiging kasiguraduhan ang pagkakaroon ng pangako.
Nang matapos ang kasal ay dumiretso na kami sa reception.
I heard that the hotel where the reception is being held is a leased hotel. The physical hotel building is owned by Mr. Saltina himself and not part of their family's chain hotel. Marami rin naman siyang independent business, that includes few hotel and resorts, and Doozie which he bought from a private owner. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit abala siyang tao.
However, I cannot help but feel sour at the mention of his name. Naaalala ko iyong nangyari noong isang araw.
Ilang araw rin akong nagpakasasa sa palaisipang tama iyong ginawa ko at hindi ako magsisisi roon. I was drowned by my feelings. Was I really angry at him and not to myself? I am a coward for trying to reject my present self and thinking that I would seem stronger if I am able to regain my past.
It's not that I don't need the past to get stronger but that is not the only place to get stronger. That was not my only weapon to fight and redeem myself.
Kalaunan ay tinatablahan ako ng pagsisisi. I got swept by my own outburst that I refused his intention. Hindi naman niya intensyon na insultuhin ako ngunit dahil natamaan ako ay nagalit ako sa kaniya. Dahil tama ang sinabi niya ay nagalit ako na nagawa niya iyong sabihin sa panahong hindi ko pa iyon tanggap.
I should say sorry when I get the chance.
Ilang araw ko na rin kasi siyang iniiwasan. I was lucky that one of my colleague tolerated my childish antics but for how long?
We were assigned in tables. Hinanap ko ang upuan kung saan may pangalan kong nakadikit at nang makita ko iyon ay naroon katabi nito ang kumakaway na si Chef Clinton. Malaki ang ngisi niya at itinuturo sa akin ang puwesto kong nasa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Me, Karma (Manileño Series #1)
RomanceNOTE: This is a new version of Hey, It's Me, Karma and does not follow the old plot. Anything that you have read in the old version is not considered to be canon. The whole series follows the new versions of my Novels and not the old and unrevised...