ahhhhhhhh!....isang napakalakas na sigaw na umalingawngaw sa nakapadilim at napakalamig na gabi...bumalikwas ng bangon sa higaan si Violeta...haah...haah..(hinihingal sa pagod na akala mo ay hinabol ng mga aswang) isang napakasamang panaginip na naman! Sabay bangon at inom ng tubig sa table lamp sa kanang bahagi ng kanyang purple water bed. "Hays umaga na pala akala ko pa naman maganda na yung panaginip ko kasi nanood naman ako ng Walt Disney cartoons kagabi, sabay inat at exercise ng konti bago bumaba sa living room".
Habang pababa sa marmol na hagdan tinawag niya si Dreamer..."psst Dreamer where are you? it's time for your breakfast baby". Pagdating sa napakalawak na dining room na napapalibutan na mga mamahaling muwebles at vases na naglalakihan nakita niya si Dreamer na may nilalarong paru-parung itim. "Dreamer come to mommy baby"..si Dreamer nga pala ay isang half Siamese Cat at Persian Cat na fluffy white na akala mo may putik sa nguso, tenga, buntot at mga paa, ang mata niya ay isang blue at isang green. Kinarga ni Violeta si Dreamer sabay upo sa dining table na purong narra.
Yaya Nene kakain na po tayo. Isang matandang mataba na may silvery hair at maamong mukha si Yaya Nene. "Eto na ang pagkain natin Violeta halinang pagsaluhan habang mainit pa, eto ang kay Dreamer paksiw na isdang bangus na siya niyang paborito...tatawagin ko lang sila Mang Kardo at Belen ha para makasabay" sabi ni Yaya Nene. "No problem Yaya I will just wait for them, take your time Yaya hinay hinay lang at baka madulas ka na naman" .
Habang naghinihintay sa mga kasabay kumain tumunog ang telepono niya. "Hello Mom, ok po sige mag facetime tayo" ...sabay on sa facetime..."say hello to lola Dreamer he he !" Mommy Aspen nakanguso sa anak, bakit naman lola agad sobra ka na anak ha ang bata ko pa para tawagin mo ng ganyan. "Joke lang po Mom baby ko kasi itong si dreamer alam mo naman...kasi sobrang namimiss ko na si Ading" sabay buntong hininga. "Maiba ako Mom kumusta na nga pala si Penelope diyan? hindi na kami nagkakausap sa sobrang busy ng kapatid ko na yan ha". ani Violeta.
"Ikaw naman parang hindi mo kilala yang kapatid mo na kapag may gustong matapos na proyekto eh kahit hindi kumain o lumabas ng kwarto ayos lang. Huwag ka ng magtaka alam mo naman kung kanino kayo nagmana pati ng kagandahan ha ha"! hagikgik ng kanyang ina sa facetime. "Mom sobra din ang hangin diyan sa Hong Kong ano abot dito!" sabay hagikgik din na parang bata.
"Sige na anak magbreakfast ka na at maaga ka pa para sa hearing mo". paalala ni Aspen sa anak. "Okay Mom I miss you and I love you! ingat kayo diyan and always enjoy!". paalam ni Violeta sa ina. "We love you too anak and we miss you na bye". paalam ng ina ni Violeta.
"Violeta andito na kami kain na tayo at marami pa kaming gawain." ang sabi ni Yaya Nene habang papalapit sa dining table kasama sila Belen at Mang Kardo. "Si Gaspar nga pala maagang nagpunta sa farm at may nanganak daw na baka kasama yung bagong beterinaryo galing sa bayan". ang sabi ni Yaya Nene kay Violeta.
"Yeheey kainan na!"...sigaw ni Violeta na animo isang batang paslit. Nangingiti at naiiling na lang ang mga kasama niya sa kanyang ugali na animo isang batang paslit na parang hindi bagay sa isang abogadang tulad niya.
Pagkalipas ng isang oras nagkukumahog na bumaba sa hagdanan si Violeta dala ang attache case niya, bag, laptop na panay LV. "Yaya Nene nakaready na po ba ang lahat?" sabay suot ng itim na sapatos na LV pa rin.
Inabot ni Yaya Nene ang cage ni Dreamer na kulay violet. Si Dreamer ay bagong ligo na at super bango na nakasuot ng crochet na jacket na suit ang pagkagawa at violet ang kulay, na parang pupunta sa isang party kasi nakasapatos at sumbrero pa. "Maraming salamat Yaya napakabuti at sipag mo talaga" ani Violeta sabay halik sa pisngi. "Nakow kang bata ka napakaboladas mo talaga! Siya sige na at baka mahuli ka pa sa hearing mo saka marami ka pang dadaanan." "Nasa sasakyan mo na rin ang lahat ng pagkain na inayos na ng ate Belen mo". Pahabol ni Yaya Nene kay Violeta.
BINABASA MO ANG
Violeta
FantasyAng buhay ay nababalot ng mahiwagang misteryo na inaarok ng bawat isa kung ano ba ang sikreto ng hiwagang bumabalot sa ating pagkatao at sa ibang katauhan na maaring magdala sa atin sa sariling kapahamakan o maaring siyang magliligtas sa lahat. Isan...