Si Hades ay ang diyos ng mga patay at kamatayan sa mitolohiyang Griyego . Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim, na sa kalaunan kinuha ang kanyang pangalan. Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo. Ang Hades ay tumutukoy sa libingan ng sangkatauhan, na doo'y di nakikita ang mga patay at ang mga nakalibing.
Si Don Ramon ay ang Hades sa makabagong panahon. Siya ay nagdadala ng kamatayan sa mga taong nagkamali sa kanya. Mga taong sagabal sa kanyang mga plano at mga taong nagpapahirap sa mga bagay na nais niyang makamtan. Dinadala niya ang mga ito sa impyerno. Wala siyang kunsensiyang tao at punong puno siya ng kasamaan na hinahasik niya sa mga taong walang kalaban laban sa kanya. Nagkakalat din siya ng droga sa buong pilipinas para mas lalo siyang yumaman at mahawakan ang mga pulitikong mukhang pera. Mas gusto niya ang mga batang binebenta sa kanya na gawing tauhan sa laboratoryo ng droga, kapag wala ng pakinabang ay ibebenta niya sa black market ang mga lamang loob o ibebenta sa club niya. Meron din siyang live sex o live streaming ng sex at patayan na malaki din ang pasok ng pera.
Makikita ang usok na pumapaimbolo mula sa mamahaling tabako sa terrace ng isang mansiyon na nakatayo sa may gilid ng gulod. Maraming mga puno na namumumunga ang nakapalibot sa naturang mansiyon na siyang nagbibigay lilim sa mainit na panahon. Sa may gilid ng gulod ay may hagdanan pababa papunta sa napakalinis at napakalinaw na tubig dagat na may puting buhangin sa dalampasigan. May mga motorboat din, yate at iba pang pangtubig na kagamitan tulad ng kayak, banana boat, jetski at iba pa. Maraming mga ibon ang nagliliparan sa naturang lugar kasama ang mga usa na nagtatakbuhan at ang mga isda na lumalangoy na malaya sa may pampang. Isa itong mala paraisong lugar na pinasadya ni Don Ramon upang magsilbing balwarte niya sa ingay ng lungsod. Tahimik ang naturang lugar na pinalibutan niya ng mga puno. Nagpaalaga ng mga hayup tulad ng usa na pwede niyang gawing libangan sa panghuhunting, mga baka, kambing at baboy na siyang inihahanda kapag may okasyon o panauhing pandangal ang naturang Don. Nagpaalaga din siya ng mga isda na pwede niyang bingwitin kasama ang mga kaibigan o kasosyo sa negosyo sa anumang oras nilang gustuhin. Pati mga ibon na pwede niyang barilin o pagpraktisan ng kanyang pag eensayo sa walang mintis na pagbaril. Minsan tao ang kanyang pinagpapraktisan kapag siya ay walang magawa o stress sa mga problema sa negosyo. Ganyan ang kanyang libangan o pampalipas oras. Ang balwarte niya ay tinulad niya sa mala paraisong lugar ngunit nasa mala impyernong mga kamay niya ang pagpapatakbo nito.
Ang pinaka gusto niyang libangan ay manood ng live sex. Nagsawa na siya sa mga babaeng ginagahasa o mga babaeng bayaran na siya niyang ginagawang libangan sa araw-araw. Wala siyang minahal na babae na gugustuhin niyang maging asawa kaya nagbayad na lang siya ng isang baby maker upang magkaroon ng tagapagmana. Si Chito nga ang naging bunga ng baby maker na binayaran niya ng milyones ngunit pinapatay pa rin ang babae pagkalipas ng pitong taon. Nais kasi ng naturang babae na makita ang kanyang si Chito ngunit wala iyon sa usapan nila. Naging makulit ang naturang baby maker at pinuntahan nito si Chito sa mamahaling school na pinapasukan. Nagpakilala ang babae sa batang si Chito bilang ina nito. Nagalit si Don Ramon ng malaman ang pangyayari sa yaya nito. Nagtanong din kasi si Chito sa kanya tungkol sa naturang babae at pinipilit siya na makipagkita ulit dito kasi kailangan daw niya ng Mommy. Kesyo bakit wala daw siyang Mommy yung mga kaklase at kalaro niya ay may nanay naman lalo na kapag sinusundo sa school hindi lang mga yaya ang kasama. Lalo siyang nainis sa anak nang tanungin siya kung bakit hindi siya masundo sa school o makasama sa Family Day, panay yaya at driver lang daw ang palagi niyang kasama kahit kakain sa labas o mamasyal. Sa galit niya sa bata sinampal niya ito at ginulpi. Panay ang awat ng matandang yaya na nag aalaga dito at panay iyak naman ng batang si Chito. "Sa susunod na magtanong ka pa ng ganyan sa aking bata ka ay hindi lang iyan ang mararanasan mo tandaan mo yan!" sabay tulak sa anak niya na animo hindi niya dugo at laman kung ituring. Nakatingin lang ang mga bodyguard niya na sanay na sa kanyang manakit. Hindi lang nila akalain na pati ang anak nito ay makakaranas ng kamao ng naturang Don. "Iakyat niyo ang batang iyan sa kwarto niya at huwag papalabasin hanggang hindi ko sinasabi ha!" sigaw na utos niya sa matandang yaya nito. Tiningnan siya ng masama ng batang si Chito na tumigil na sa pag iyak ngunit panay pasa ang mukha at katawan. Nagdudugo din ang bibig habang umaakyat na sila ng Yaya sa kwarto nito. Wala naman siyang naramdamang awa sa anak niya. Sa isip ng mga tauhan na nakakita sa nangyari ay wala talaga siyang awa o kunsensiya maging sa anak nito ay walang patawad kung makapanakit. Ultimo mga tauhan na nagkakamali ay sinasaktan at pinaparusahan o kaya pinapapatay na lang para manahimik. Takot din sila kay Don Ramon ngunit kailangan nila ng trabaho at wala na rin naman silang kawala sa naturang matanda.
BINABASA MO ANG
Violeta
FantasyAng buhay ay nababalot ng mahiwagang misteryo na inaarok ng bawat isa kung ano ba ang sikreto ng hiwagang bumabalot sa ating pagkatao at sa ibang katauhan na maaring magdala sa atin sa sariling kapahamakan o maaring siyang magliligtas sa lahat. Isan...