In Greek the meaning of the name Alastair is:Defender; protector of mankind.
Ang mga taong may pangalan na Alastair ay maawain, madamdamin, malakas ang sapantaha, romantiko, at may malabato balaning personalidad. Sila ay makatao, may malawak na isipan at mapagbigay. Sila ay propesyonal na handang magbigay serbisyo sa sangkatauhan. Dahil sila ay mapagmahal at mapagbigay. Sila ay romatiko at madaling magmahal, pero madali ding masaktan pero minsan sila ay magagalitin.
Maingay at mainit sa loob ng presinto ngunit sa loob ng air conditioned na opisina ni Alastair ay malamig at tahimik. Nakatutok ang mga mata niya sa laptop na pag aari niya. Isa itong Dell na high end na pinabili niya pa sa kaibigan sa Amerika. Wala pa nito sa Pilipinas. Meron itong high intelligence na memory at nakakasagap agad ito ng mga impormasyon kahit na coded pa dahil sa maliit na micro chip na inembento ng matalik niyang kaibigan na nagtratrabaho sa DELL. Ang micro chip na iyon ay nakakakonekta sa isang sattelite kaya lahat ng impormasyon kahit mahirap o lihim ay nakukuha niya. Nakikita din ang mga tao at kaya nitong hanapin ang mga tao sa pamamagitan ng mga cctv na marami na ngayon sa paligid. Pati mga transaksyion online ng mga credit cards o bangko. Maging ang mga airlines, ship lines o bus lines. High tech ang lap top niya ngunit sa paningin ng iba ito ay pangkaraniwan lamang. Dinadala niya ang laptop sa opisina kahit na meron naman siyang dekstop na pagamit ng ahensiyang pinaglilingkuran niya. Nasa laptop kasi ang lahat ng proyekto na palihim niyang ginagawa. Hindi mahahack ang files niya lalong hindi malalaman ang IP address na ginagamit niya. Napupunta sa bakanteng lote ang IP address na nilagay niya sa laptop upang iligaw ang kahit sinong magaling na hacker.
Si Alastair ay Superintendent sa Guadalupe Station. Matikas siya na lalaki, macho kung tawagin ng mga kababaihan dahil sa kanyang abs. Gwapo siya na may kayumangging kulay. Marami ang humahanga sa kanya hindi lang sa angkin niyang kagandahang lalaki kundi sa kanyang kagitingan, katalinuhan at matapang na katauhan. Marami na siyang kasong nalutas na highly classified kaya nabibilib sa kanya ang mga kasamahan maging ang mga matataas ang pwesto sa kanya. Forte niya ang mga kaso na inaayawan ng iba dahil sa kawalang pag asa na mabigyan ng linaw o magkaroon ng hustisya. Ngunit iyon ang mga kaso na gusto niyang hawakan, yung kakaiba. Binata pa siya ngunit walang balak na mag asawa dahil may misyon pa siya sa mundo ayon sa kanya. Iyan ang lagi niyang sinasagot sa tuwing tinutukso siya ng mga kasamahan at nirereto kung kani kanino. Sa isip niya kapag natapos ko na ang misyon ko baka sakaling maisip ko na lumagay sa tahimik , iyan ay kung may tatanggap sa aking pagkatao. Ang pagkatao niya na lihim sa lahat.
"Sir pwede na po bang pumasok?" katok ni Janet sabay tanong sa boss niya. "Come in Inspector Navarro" sabi ni Alastair sa tauhan niya. "Good morning sir, pinatawag niyo daw po ako?" tanong ni Janet na isa sa matalik na kaibigan ni Violeta. "Yes Inspector about sa kaso ni Cindy Vargas, I heard kaibigang matalik mo daw ang may hawak ng kaso niya." umpisa ni Alastair. "Yes sir si Atty. Violeta po, still single pero beauty pa rin and ready to mingle" biro ni Janet. "I know, I saw her the last time na dinalhan ka niya ng cake. But sorry she's not my type, ayoko ng abogadang panay kawang gawa ang alam gawin at ilalagay ang buhay sa peligro para sa mga kliyente niyang panay pro bono cases." inis na pahayag ng boss niya. "Ay ganun sir! nakakabilib nga ang mga taong ganun ah, biro mo sobrang yaman na niya saka asyendera pa pero panay kawang gawa at pagtulong sa kapwa ang inaatupag. Hindi mahilig sa mga sosyalan kahit sosyal pa siya. Lalong walang bisyo na masama kundi tumulong sa mga nangangailangan. Siya ang maliit na tao pero may malaking puso" papuri ni Janest sa kaibigan. "O siya, kung para na siyang si Mother Theresa ng lagay na yan okay fine kaibigan mo nga siya at wala na akong masabi." suko ni Alastair.
"Kaya kita pinatawag may nakarating sa aking impormasyon na nagbabalak ng masama ang Don Ramon na tatay ng napatay ni Cindy. Ayon sa mga sources ko balak nilang kidnapin si Cindy at isama ang abogada nito. Hindi napatay si Cindy ng mga tauhan niya sa loob ng kulungan maging tuwing may hearing dahil sa mahigpit na seguridad na hiniling ng abogada nito. Sa pagkakaalam ko may kinuha din na private bodyguard ang kaibigan mo para sa Cindy na iyon ngunit lihim sa lahat maging kay Cindy" mahabang paliwanag ni Alastair. Nagulat naman si Janet at natakot para sa kaligtasan ng mahal na kaibigan. "Isa pa may balak din silang patayin ang Judge na may hawak ng kaso at mukhang papaboran kasi si Cindy iyan ay ayon din sa mga sources ko." dagdag niya. "Under surveillance ang grupo ni Don Ramon na matagal ko nang gustong mahuli. I will need your help on this case. May mga itinalaga na akong mga undercover agents na laging sumusubaybay sa grupo nila. May ilalagay din ako na mga undercover agents kila Cindy at sa abogada nito maging kay Judge Selma at sa Hall of Justice. Sabihan mo na agad ang kaibigan mo regarding this matter pero huwag na huwag muna itong ilalabas sa public lalo na sa media, maliwanag ba Inspector Navarro?" tanong ni Alastair. "Yes sir! maliwanag pa sa ngipin niyong kumukuti kutitap" sabay tawa ni Janet. "Ikaw talaga napaka mabiro mong tao, eh ikaw ba bakit hanggang ngayon wala ka pang boylet?" balik tukso niya sa tauhan. "Ay ikaw sir ha may pagkatsismoso ka din pala. Grabe ha boylet talaga hindi ba dapat My Hero?" parang nangangarap na sabi ni Janet. May lihim na gusto si Janet sa superior niya pero hanggang paghanga lang iyon. Marami sa kanila ang may gusto kay Alastair ngunit hindi naman pansin ng lalaki at nakatuon siya sa kanyang propesyon. May mga babae din na hayagang nagpapahayag ng pagkagusto sa lalaki ngunit walang epekto sa kanya kahit mga modelo pa at mga nasa alta sosyedad.
BINABASA MO ANG
Violeta
FantasyAng buhay ay nababalot ng mahiwagang misteryo na inaarok ng bawat isa kung ano ba ang sikreto ng hiwagang bumabalot sa ating pagkatao at sa ibang katauhan na maaring magdala sa atin sa sariling kapahamakan o maaring siyang magliligtas sa lahat. Isan...