Ang mga mata, busilig o buliga ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag. Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.
Sinasabing ang mga mata natin ang salamin ng ating kaluluwa. Makikita sa ating mga mata kung ano ang ating nararamdaman. Ang mga ito ay isang mahalagang daluyan ng imporamasyon tungo sa isip, malaki ang impluwensiya nito sa mga emosyon at pagkilos. Ang galaw ng mga mata ay malinaw na nagpapahayag ng damdamin ng isang indibidwal. Ang mga ito ay maaring magpakita ng habag o kawalan niyaon; maaring ikindat ang mga ito sa pang aalipusta o upang magpakana ng kataksilan. Ang mga mata din ang daluyan ng mga luha ng kaligayahan at kalungkutan, nang pighati o galak. Kapag tayo ay magpapahinga na sa gabi pinipikit natin ang ating mga mata upang ipahinga ang pagal na isip at katawan upang sa paggising ay maayos na ang ating pakiramdam.
Kapag ang ating mga mata ay nawalan na ng linaw or liwanag tayo ay hindi na buo. Kulang na ang ating pandama, tayo ay mahihirapan ng kumilos ng normal lalo na ang gumawa ng mga bagay na kailangan ang ating mga mata. Ngunit kapag nawala ang liwanag sa ating mga mata at tayo ay namuhay sa kadiliman ang ating mga pandama ay umiigting at lumalakas. Dahil ang natitirang apat na pandama ay siyang nagiging gabay natin sa buhay.
Nag uunahang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Cindy habang siya ay nakadungaw sa bintana. Nahahabag siya sa kanyang sarili at sa magiging anak niya. Habang haplos ang tiyan ay malungkot niyang naisip ang kanyang kalagayan ... isang dalagang ina na walang katuwang sa pagpapalaki ng anak at walang nagmamahal. Sumagi sa kanyang balintataw ang itsura ni Alastair na sa unang kita ay nagpabilis ng pintig ng kanyang puso at sa unang pagkakataon ay humanga siya sa lalaki. Ngunit alam niya na hindi siya mapapansin ng kahit sinong matinong lalaki ano pa at isang sang tulad ni Alastair na maraming babaeng nababagay lalo na si Atty. Violeta ang kanyang papangarapin? piping tanong ng kanyang isip. Humiga na lang si Cindy at pinag aralan ang Iphone na bigay ni Violeta. Walang kamalay-malay si Cindy na nakarating sa itim na anino na umaaligid sa Asyenda ang kanyang piping hinaing. Biglang kumislot ang nasa sinapupunan niya na may kasamang sakit.
Samantala sa kwarto ni Violeta habang kausap si Dreamer..."Hoy Violeta anong nginingiti mo diyan ha?" inis na tanong ng pusa sa amo na nakatanaw sa bintana habang nakapangalumbaba. Wala pa ring sagot mula sa dalaga kaya tumalon si Dreamer sa likod ng dalaga na nagulat. "Ay kabayong bundat ehe! Ano ba yan Dreamer nakakagulat ka naman" asar na tumayo ang dalaga para kunin ang makulit na pusa niya. "Uy teka lang masakit yan ha" reklamo ng pusa na sa buntot nahablot ng dalaga. "Bakit may angal ka ba? eh mas malaki ako sa iyo di ba? Pasalamat ka at di kita kinurot o kiniliti sa ginawa mo sa akin" balik asar ng dalaga sa pusa niya.
"Ano bang meron? at kanina pa panay tawag ko sa iyo eh wala lang?" tanong ni Dreamer kay Violeta na nakangiti na naman na parang tanga. "Hay naku Dreamer natutuwa lang ako kay Alastair. Mabait pala yung mokong na yun at saka grabe yung dimples niya ha kamukha niya yung isang artista na may billboard sa roxas boulevard" sabay ngiti na naman na parang pinipicturan. "Aba ba ba! May gusto ka sa mayabang na lalaking yun? My God Violeta tumigil ka nga ang bata-bata mo pa kumekerengkeng ka na" parang tatay na seryosong sabi ni Dreamer sa dalaga. "Ay teka lang seryoso ka niyan ha? aba eh daig mo pa ang tatay ko ha" sabay kiliti nito sa pusa. "Plese let me go ayoko ng ganito bwa he he " sabay talon ng pusa palayo kay Violeta at labas ng kwarto.
Napadaan si Dreamer sa nakaawang na pintuan ng kwarto ni Cindy at biglang nanayo ang kanyang balahibo sabay nakaramdam siya ng kakaibang lamig. Mabilis pa sa alas kwatrong nakabalik siya kay Violeta. "O akala ko ba ayaw mo ng makiliti ha" sabay karga ni Violeta sa pusa na nakatayo ang lahat ng balahibo maging ang buntot nito. Natakot naman si Violeta sa itsura ni Dreamer na parang natulala. Akala niya nagbibiro lang ang alagang pusa dahil sa ginawa niya dito. "Dreamer anong nangyari?" sabay yakap ng mahigpit sa alaga niya. Hinaplos niya ang pusa at panay tawag sa pangalan ngunit wala pa ring pagbabago sa itsura nito. Nagpalabas siya ng mainit na usok lila at hinawakan ang pusa sa buong katawan nito. Ilang minuto lang eh bumaba na ang mga nakatayo nitong buhok at buntot. Bigla na lang nawalan ng malay ang pusa kaya hiniga ni Violeta sa kandungan niya. Naiyak naman si Violeta sa nangyari sa alagang pusa niya. Niyakap niya ito ng mahigpit at panay tawag sa pangalan nito.
Paakyat si Yaya Nene sa hagdanan ng mamalik mata siya na nakakita ng itim na usok na maliit at hugis bata sa may pintuan ni Cindy. Nahintakutan ang butihing matanda kaya panay sign of the cross nito sabay hawak sa kwintas na purong silver na rosaryo na lagi nitong suot. Na bigay pa ng kanyang Lola na pamana ng pamilya ni Violeta. Nawala naman ang imahe na nakita niya. Mabilis siyang pumasok sa nakabukas na pintuan ng kwarto ni Violeta at naabutan niya na yakap nito ang tila di na humihingang alaga nito.
"Violeta anak anong nangyari kay Dreamer?" malumanay na tanong nito sa umiiyak na dalaga. "Yaya Nene si Dreamer hindi ko alam kung ano ang nangyari eh. Humihinga pa naman siya ngunit mahina ang pulso niya at ayaw niyang magising." lumuluhang sumbong nito sa matanda na parang batang paslit. "Baka napagod lang yang si Dreamer at baka nagharutan na naman kayo." sabay hawak sa pusa na napakalamig. Hindi nagpahalata si Yaya Nene na iba ang lamig ng pusa at di na rin niya muna babanggitin ang nakita kanina baka mas lalong mahirapan mag isip ang kanyang alaga. "Violeta ihiga mo muna siya at tatawagin ko si Dok para macheck up niya ang lagay ni Dreamer. Nasa bakahan pa naman yun ngayon." sabay talikod na ng matanda pababa. Nagmamadaling pumunta na sa bakahan ang matanda para matingnan na ng beterinaryo si Dreamer. Naiiyak na rin si Yaya Nene ngunit kailangan niyang pigilan at unahin ang dapat gawin. Kailangan nila ng lakas ng loob at hindi pwedeng maging mahina dapat laging nakahanda sa lahat.
Nakarating kay Lola Cornelia ang kalagayan ni Dreamer base sa kwento ng mga tinalaga niyang mga little fairies sa bahay nila Violeta. Nag alala din ang matanda sa kanyang anak na nasa katawan ng pusang si Dreamer. Inutusan niya ang little fairies na gabayan siya sa pagpunta sa mansiyon dala ang isang halamang gamot na alam niyang makakatulong sa anak niya. Nahihirapan siya na umiiyak ang mahal na apo at nahihirapan ang anak na nasa pusang katawan. Lumipad na sila papunta sa mansiyon hindi alintana ang dilim ng paligid. Mabuti na lang at parang alitaptap ang pakpak nila na umiilaw sa bawat pagaspas. Para silang lumilipad na alitaptap kung pagmamasdan sa malayo. Nakarating sila sa kwarto ni Violeta na bukas ang bintana kaya malaya silang nakapasok. Nahabag si Lola Cornelia maging ang ibang little fairies na kasama nito sa itsura ng mag amo. Si Dreamer ay wala pa ring malay at tuwid na nakahiga samantalang si Violeta ay panay tawag sa pusa at haplos habang tumutulo ang luha.
"Kailangan kung makalapit sa anak ko, little fairies" sabi ni Lola Cornelia sa mga kasama. "Sige Lola Cornelia andito lang kami" sabi nila na nagtago sa nakasaradong lampshade ni Violeta. Dahan-dahan ang paglipad ni Lola Cornelia papunta kay Dreamer dala ang halamang gamot mabuti na lang at tumalikod si Violeta sa alaga niya para kumuha ng tissue. Umusal ng mahika ang matanda habang pinipiga at sinasaboy ang mga piraso ng halamang gamot sa ilong ni Dreamer. Mabilis siyang lumipad sa pinagtataguan ng mga little fairies pagkatapos niyang magamot si Dreamer. "Ano na ang mangyayari ngayon Lola Cornelia?" tanong ng isa sa little fairies. "Maghintay lang tayo ng ilang minuto at magigising na ang anak ko. Ito ay gawa ng isang itim na na anino ngunit ang nakapagtataka ay paano nakapasok dito ang isang masamang nilalang samantalang buo pa rin ang proteksiyon na ginawa ko sa buong asyenda?" tanong naman ni Lola Cornelia sa kanila ngunit mas higit sa kanyang sarili. "Malakas lang ang anak ko kaya ganyan lang ang nangyari sa kanya na para lang siyang nacomatose. Kung hindi ay wala na siya" naiiyak naman na sambit ni Lola Cornelia na niyakap ng little fairies. "Magiging maayos din ang anak mo Lola Cornelia" pampalakas loob na sabi nila sa naghihinang matanda. "Kailangan na nating bumalik sa kaharian Lola Cornelia. Mukhang nabigla ka sa paglipad at napagod sa ginawa mong paggamot sa anak mo" sabi ng pinaka lider ng little fairies.
BINABASA MO ANG
Violeta
FantasyAng buhay ay nababalot ng mahiwagang misteryo na inaarok ng bawat isa kung ano ba ang sikreto ng hiwagang bumabalot sa ating pagkatao at sa ibang katauhan na maaring magdala sa atin sa sariling kapahamakan o maaring siyang magliligtas sa lahat. Isan...