Hindi inaasahang pagtatagpo ng mabuti laban sa masama. Ang liwanag na siyang pilit na inaagaw ng kadiliman ngunit kahit sa kadiliman ay may liwanag na darating. May mga mapanlinlang na anghel na makikilala na sa kalaunan ay napakasamang nilalang pala. Huwag magpabulag sa angking kagandahan ng isang taong mapagpanggap.
Binabagtas ng isang mercedes van ang kahabaan ng Roxas Boulevard papunta sa Makati Medical Center nang biglang may bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan. Napasubsob si Violeta sa dashboard habang ang mga sakay na sila Kim at Cindy ay nagsigawan sa gulat. Si Dreamer ay naalimpungatan sa pag idlip niya. Lumapit si Dreamer kay Violeta at nagpakandong. Bumaba ng sasakyan si Mang Kardo at tiningnan ang likurang bahagi ng sasakyan. "Okay lang ba kayo? tanong naman ni Violeta sa lahat. "Okay lang kami atty." sabay na sagot ng dalawa sa likuran. "Bababa lang ako diyan lang kayo ha, relax lang at ako ang bahala. Dreamer maiwan ka sa loob ha" sabay utos sa pusa na bantayan ang dalawa sa loob at nakaramdam siya ng panganib. "Mang Kardo ano po ang problema?" sabay lapit sa matandang driver ng pamilya. "Violeta may damaged ang likuran hindi ko alam kung nasaan na yung nakabangga eh wala namang sasakyan sa likuran natin mga dumadaan lang naman." naiiling na wika ng matanda. "Baka bigla na lang umalis ng mabangga tayo" sabi naman ni Violeta. "Balik na po tayo sa sasakyan at tingnan na lang sa bahay yung dashcam kung may makikita ba tayo. Nakakaabala na kasi tayo sa ibang sasakyan." habang naglalakad si Violeta pabalik sa sasakyan ay naramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya pero wala naman siyang makitang tao sa gitna ng kalsada. Pilit niyang inaalam sa pamamagitan ng isip ang naramdaman niya ngunit hindi niya matukoy o makita sa balintataw niya kung ano iyon. "Baka naman epekto lang ito ng nangyaring bangga ng sasakyan" sabay iling niya. "Mang Kardo diretso na lang po tayo sa Makati Med at ligtas naman tayong lahat. Papagawa na lang itong sasakyan sa weekend." sabi niya sa matandang driver na nakalakihan na niya. "Okay Violeta" sabi ni Mang Kardo sabay maneho na ng Van.
"Malaki ba ang damaged atty?" tanong ng sekretarya niya na si Kim. "Medyo Kim pero okay lang at maaayos naman sa talyer. Nagtataka lang kami at walang sasakyan sa likuran. Marahil ay umalis agad para makaiwas sa problema." sabi ni Violeta. "Baka nga atty. kasi siya ang bumangga sa atin kaya malamang natakot sa danyos" natatawang pahayag ni Kim.
"Cindy okay ka lang ba diyan? wala bang masakit sa iyo?" nag aalalang tanong niya sa dalaga. "Okay lang ako atty. wala namang masakit sa akin" malumanay na sagot ni Cindy sabay tanaw ulit sa labas ng bintana. Kinarga ni Violeta si Dreamer sabay usap nila sa isipan. "Ano kaya yung bumangga sa likuran natin?" tanong niya sa pusa. "Iba ang pakiramdam ko Violeta..masama ang dating sa akin ng bangga na yan kakaiba kasi" sagot naman ni Dreamer. "Mamaya check ko yun memory card ng dashcam baka may makita ako unahin lang natin dalhin sa Clinic ni Leah si Cindy at nang madala na sa Foundation" saad naman ni Violeta kay Dreamer.
"Kim pagdating sa Makati Med magtaxi ka pabalik sa office ha para maayos naman yung ibang gawain doon kasi hindi na ako babalik sa office ikaw na ang bahala" bilin ni Violeta sa sekretarya. "Yes po atty. ako na ang bahala" sabi naman ni Kim habang panay pindot sa cellphone niya. "Yung cellphone ko nga pala na isa naiwan ko sa drawer ko paki off na lang muna baka may tumawag hindi ko masagot" bilin niya sa sekretarya. "Hindi ko na po ba ihahatid sa foundation o sa bahay niyo?" tanong ni Kim. "Huwag na Kim makakapaghintay naman yan bukas saka gagabihin ka na kapag hinatid mo pa" sabi niya kay Kim.
Pagdating nila sa Makati Med dumiretso na agad si Violeta kasama si Dreamer at si Cindy sa clinic ng kaibigang doktor. "Good afternoon" bungad ni Violeta sabay upo sa waiting area. Napansin ni Violeta na may bagong assistant ang kaibigang si Leah. "Vangie may bago kayong intern or doktora na ba yan" kuryos na tanong niya sa sekretarya ng kaibigan. "Atty. bagong assistant po yan ni dok kakapasok lang kahapon. Fresh from the province he he" sagot naman ni Vangie. "Nag apply yan kahapon tanggap agad ni Doktora at kailangan niya na daw ng assistant, nagulat nga ako eh" kwento naman ni Vangie. " O bakit naman?" sabi ni Violeta. "Kasi atty parang may kakaiba sa kanya mabigat kasi ang pakiramdam ko sa kanya. Isa pa parang napaplastikan ako sa kanya eh pakunwari lang yun kabaitan. Saka ngayon lang nakaisip si doktora na mag hire ng assistant eh ang tagal na niyang andaming pasyente na dalawa lang kami" mahabang kwento ni Vangie. "Vangie intindihan mo n lang yang bestfriend ko baka nahirapan na yan sa dami ng pasyente niyo. Saka huwag kang mag alala malaki pa rin ang bahagi mo sa clinic niya kapag wala ka mahihirapan siya kasi ikaw yung right hand niya." paliwanag naman ni Violeta sa nagtatampong sekretarya ng kaibigan. "Baka naman inis ka lang o nakakaramdam ng selos kasi siya na ang anumaasiste kay Leah imbes na ikaw. Maige na yung doktora din ang umasiste at ikaw focus lang diyan sa gawain mo kasi ikaw naman ang aasahan niya sa lahat ng bagay dito sa clinic." pagboboast niya sa morale ni Vangie. "Sabagay po atty. ako lang kasi ang maasahan niya dito lalo na sa records ng mga pasyente." medyo nakahinga ng maayos si Vangie sa isip na hindi naman siya mawawalan ng trabaho.

BINABASA MO ANG
Violeta
FantasyAng buhay ay nababalot ng mahiwagang misteryo na inaarok ng bawat isa kung ano ba ang sikreto ng hiwagang bumabalot sa ating pagkatao at sa ibang katauhan na maaring magdala sa atin sa sariling kapahamakan o maaring siyang magliligtas sa lahat. Isan...