Babae sa Gilid ng Bangin

44 3 0
                                    

Ang Bangin o Kalaliman ay isang uri ng malalim na hukay. Tinatawag din itong lalim o baon. Sa Bibliya, ito ang pook kulungan ni Satanas at ng kaniyang mga kasamahang demonyo habang nabibihag ng may mga tanikala. 

May mga pagkakataon na tayo ay pumapaimbulo sa kawalan o kadilimang bahagi ng ating isipan. Ang ating diwa kapag tayo ay nahihimbing sa tulog ay naglalakbay sa ating mga impit na takot na hindi natin maamin sa ating mga sarili lalo na sa ibang tao. May mga pagkakataon na tayo ay pumapaimbulo sa panaginip na masaya at maganda sapagkat ang ating isipan ay payapang nahihimbing. 

Pinagpapawisan at pabiling biling sa higaan niya si Cindy. Malamig naman ang panahon ngunit iba ang kanyang pakiramdam. Hindi siya makatulog at nagtataka siya sa nangyayari sa kanyang katawan na pawang may kakaiba. Hindi niya alam kung pupuntahan ba si Violeta sa kwarto nito ngunit nahirapan siyang tumayo o sisigaw na lang ba siya upang marinig ni Violeta o kung sino pa mang gising na kasambahay.

Samantalang si Violeta ay tutok na tutok sa monitor ng kanyang laptop. Nilagay na niya ang memory card ng dash cam sa van at pinapanood niya ang narecord nito na medyo matagal ng hindi naformat  kaya natatagalan siya na dumating sa dulong bahagi ng memory card. Ayaw niya namang padaliin ang pagpunta sa dulo. Kumbaga pampalipas oras niya lang pagkatapos niyang magbasa ng transcript para sa kaso niya. Si Dreamer naman ay mahimbing ng natutulog sa higaan nito, nakabuka ang bibig at nakabukaka. Natatawa na lang si Violeta sa itsura ng alaga niyang pusa.

"Parang maalinsangan ngayon ah" sabi ni Violeta sa sarili. "Malakas naman ang aircon at saka mahangin naman sa labas." sabay silip sa bintana niya. Kadiliman ang sumalubong sa kanya maliban sa mga ilaw na nasa poste at gilid ng bahay ay napakadilim ng paligid na pawang may nagbabadyang unos. "Malamig naman sa labas ah bakit kaya parang mainit sa kwarto. Hay naku baka pakiramdam ko lang ito kasi hindi ko pa makita ang pangyayari kanina." bulong niya sa sarili. Nagkonsentra na lang ang dalaga sa pinapanood nito. Nakarating na siya sa insidente kanina sa Van. Nakita niya na may itim na usok na bumangga sa likurang bahagi ng ng sasakyan at pumunta ang usok sa gilid ng  lugar ni Cindy. Ang usok ay naghugis tao na gustong pumasok sa loob ngunit hindi makapasok. Naalala niya na may proteksiyon ang Van sa kung ano mang masamang elemento kaya hindi nakapasok ang itim na usok. Nawala na lang ang itim na usok ng sila ay huminto at bumaba siya. Nagpaikot-ikot muna ito sa bubong ng sasakyan at sumama na sa hangin. Kinilabutan si Violeta sa nakita niya at nakaramdam siya ng matinding panganib hindi lamang sa kanya kundi maging kay Cindy at sa dinadala nito. Sinubukan niyang magkonsentra sa pamamagitan ng isip at pagbuka ng palad niya na may lumabas na usok na kulay lila. "Ano ang itim na usok na iyon?" ang lumabas naman na imahe sa nasa palad niya na usok ay isang hugis babae sa nakapakaitim na silweta. Hindi niya maaninag ang mukha nito. Nanlumo si Violeta kasi hindi maarok ng kanyang kapangyarihan ang itsura ng babaeng nasa imahe na nakita niya. 

"Bukas mag uusap kami ni Dreamer baka maamoy niya kung ano man ang nagbabadyang panganib sa amin lalo na kay Cindy at sa batang nasa sinapupunan nito." bulong niya sa sarili bago sinarado ang laptop at nag ayos na para humiga sa kanyang kama. Isasarado na niya ang bedside light sa gilid niya ng makarinig siya na parang may tumatawag sa kanya. Pinakinggan niya kung saan ito nanggagaling, malapit sa kwarto ng Lola Cornelia niya. "Si Cindy baka may nangyari sa kanya!" sabay takbo sa kwarto ni Cindy. Naalimpungatan naman si Dreamer sa kalabog ng pinto ng kwarto. "Hey ano ba yan! Natutulog ang tao eh este pusa pala" sabay tayo at biglang tumaas lahat ng whiskers niya at buntot. "Violeta!" hanap niya sa amo. Nasinghot niya na lumabas ito at nagtungo sa kwarto ni Cindy. Agad siyang tumakbo papunta sa kwarto ng naturang dalaga.

Hindi na kumatok si Violeta sa kwarto na inookupa ni Cindy dahil bukas naman ito. Nagulat si Violeta sa itsura ni Cindy na natutulog ngunit sumisigaw at binabangungot habang sakal ang leeg saka basang basa sa pawis. "Cindy gumising ka!" sabay yugyug sa dalaga. Ngunit hindi pa rin ito magising. Tumalon naman si Dreamer sa ibabaw ng kama ni Cindy at hinampas ng buntot niya ang braso at hita ni Cindy pero walang epekto patuloy pa rin ito sa bangungot nito na sakal ang sariling leeg. Hinawakan ni Violeta  ang mga kamay ng dalaga at nagpalabas ng lilang usok habang si Dreamer ay umilaw ang mga mata na tinapat sa mukha ni Cindy. Pilit ginigising ng mag amo ang dalaga. Makalipas ang ilang minuto ay huminto si Cindy sa pagsakal sa sarili at payapa na sa higaan. Tinapik ulit ni Violeta ang pisngi ni Cindy. "Cindy gumising ka" malumanay niyang sabi sa dalaga. Dahan-dahan namang nagmulat ng mga mata ang dalaga na pagod na pagod ang itsura animo ay umakyat ng pitong bundok. Si Dreamer naman ay nakaupo sa gilid ng kama na payoga style habang titig na titig kay Cindy.

Maririnig ang mga yabag na paakyat sa  hagdanan. "Violeta anong nangyari dito?" tanong ni Yaya Nene kasunod si Ate Belen na inaantok pa. "Ate Belen pakiabot nga po ng isang basong tubig para kay Cindy" tinuro ang isang pitsel na may basong katabi sa table ng kwarto habang hindi binibitawan ang isang kamay ni Cindy ay pahayag ni Violeta. "Yaya Nene pakitulungan po akong makaupo at makasandal si Cindy." pakiusap niya sa kanyang Yaya. Naisandal na nila si Cindy sa headboard ng kama at pinapainom na ito ni ate Belen ng tubig. "Violeta halika nga dito sa tabi" bulong ni Yaya Nene sa alaga. "Anong nangyari kay Cindy?" simula nito. "Napatakbo kami dito ng may marinig kaming sumisigaw" sabi ni Yaya Nene. 

"Binangungot po siya Yaya, narinig ko na lang ang pag ungol niya. Maige na lang at hindi pa ako nakakatulog" saad ni Violeta sa matandang nag aalala. "Ganun ba mabuti naman at maayos na siya ngayon" napa antanda si Yaya Nene sabay bulong ng pasalamat sa Diyos. "Okay na po ate belen at yaya ako na po ang bahala dito. Pwede na po kayong bumalik sa pagtulog. Salamat po" sabi ni Violeta sa dalawa na maaga pang babangon kinaumagahan. " O siya sige Violeta ikaw na ang bahala kay Cindy kapag may kailangan katukin mo lang kami sa kwarto o tumawag ka lang sa intercom" paalam ng matanda sa kanyang alaga. "Okay po yaya at salamat po sa inyo" sabay akbay sa matanda na palabas ng kwarto. 

Pagbalik ni Violeta sa loob ay nakatulala na si Cindy habang si Dreamer ay umiikot sa paligid ni Cindy. "Psst Dreamer ano yan? baka mahilo si Cindy kakaikot mo sa tabi niya" sabay karga sa pusa. "Hoy Violeta ano ba!" habang pumapalag ang pusa sa pagkarga ng amo niya. "Please ibaba mo nga ako hindi ko pa  tapos siyasatin si Cindy ayan ka na naman na pang inis sa ginagawa ko" masungit na sabi niya sa amo. Nakatalon na si Dreamer sa braso ni Violeta at ipinagpatuloy ang pag ikot sa paligid ng kama ni Cindy. "Okay fine yes boss ano pa ha?" pang iinis niya sa seryosong pusa niya. "Ikaw talaga Violeta seryosong usapin itong nangyari tapos ganyan ka pa sa akin ha pang inis?" bato naman ng isip ni Dreamer. "Inaalam ko kung ano ang nangyari kay Cindy at walang maitutulong yang bunganga mo sa kanya" balik pang inis niya sa amo. "Okay fine kailangan nating pag isipang mabuti kung ano ang gagawin kay Cindy" seryosong saad ni Violeta na may halong pag aalala sabay tabi kay Cindy. 

"Cindy" panimula ni Violeta sabay hawak sa kamay ng dalaga. "Atty.?" parang wala sa wisyo si Cindy. "Ano po ang nangyari?" tanong nito na naguguluhan. "Wala ka bang matandaan Cindy?" balik tanong naman ni Violeta sa kanya. "Magulo po atty. ang natatandaan ko lang ay nasa gilid ako ng bangin na nakakalula. Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon. Sa pagkakatanda ko ay may hinahabol akong isang malaking itim na paru paru na may lumalabas na kulay bahaghari sa mga pakpak nito kaya ako nahalinang ito ay sundan." kwento ni Cindy na pilit inaalala ang panaginip na naging bangungot sabay hawak sa ulong nanakit. "Ganun ba Cindy mabuti at narinig kita" saad naman ni Violeta. Si Dreamer naman ay umupo na lang sa paanan ni Cindy. "Natakot ako atty. kasi biglang dumilim ng makarating ako sa gilid ng bangin at biglang humangin ng napakalakas na may kasamang napakalakas na kulog at napakatalim na kidlat sabay may humahalakhak na babae ngunit hindi ko makita nang may biglang sumakal sa akin at nais akong ihulog sa napakalalim na bangin." kinikilabutang kwento ni Cindy sabay yakap sa sarili. "Isang napakasamang panaginip lang iyon Cindy. Huwag kang mag alala dahil ligtas kayong mag ina dito kasi hindi namin kayo papabayaan." pagmamalasakit ni Violeta kay Cindy. "Magdasal ka lagi Cindy para maging payapa ang iyong isipan" dagdag ni Violeta. "Alam mong lumayo na ang loob ko sa Panginoon Violeta dahil sa nangyari sa akin. Pero huwag kang mag alala magdadasal ako araw-araw para sa aming mag ina." sabi naman ni Cindy. "Mabuti naman Cindy at unti-unti ka ng bumabalik sa Poong Maykapal. Mainam yan para maging matiwasay ang buhay mo at payapa ang kalooban." natutuwang pahayag ni Violeta. "Magpahinga ka na Cindy. Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahihiya ha. Yung intercom pwede mong gamitin para matawagan sila Yaya Nene at ate Belen o ako. Bukas papadalhan kita ng cellphone kay Kim kasama ang mga gamit mo na pinabili ko na nadala sa foundation"  dagdag ni Violeta. "Maraming salamat atty. pasensiya ka na unang gabi pa lang nakaistorbo na ako." nahihiyang saad ni Cindy. "Walang anuman Cindy basta mag ingat ka lang lagi" sabi naman ng dalaga sabay tayo na. "Sige Cindy balik na kami sa kwarto nang makapagpahinga ka na rin." paalam ni Violeta sabay karga sa pusa niya.

Bumalik naman sa paghiga si Cindy na nagdasal muna at umiiyak na humingi ng patawad sa Panginoon. Nakiusap siya na huwag silang pabayaang mag ina at huwag silang maging pabigat kila Violeta. Nahihiya siya sa mabait na abogada na walang hinangad kundi ang sila ay matulungan. Kaya isinama niya sa kanyang panalangin si Violeta. 



VioletaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon