Silweta

77 6 0
                                    

"Silouhette " sa english at sa Filipino ay balangkas, anino, hugis, pigura, anyo ilan sa kahulugan ng Silweta.

Nakatingin ako sa salamin, nakita ko ang sarili ko na isang silweta sa kwarto. Isang babae na napapalibutan ng itim na pilit kumakawala sa mundong ibabaw.....

Makikita ang isang babae na paikot-ikot sa madilim na kwarto ng condo na nasa ikalabintatlong palapag sa lungsod ng Guadalupe. Habang humihitit ng sigarilyo, ang liwanag ng sigarilyo lang ang nagsisilbibg ilaw maliban sa nasa ibabang ilaw ng mga sasakyan at establisyemento.  Nasa malalim siyang pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa na bigla niyang ikinagulat. "Pesteng cellphone naman 'to o! gugulatin pa ako!" sabay sagot sa tumatawag. "Hello, anong magandang balita ang dala mo?" ani Blanca. "Okay sige alam ko na ang gagawin ko, sige na ng makapagsimula na ako ulit" ang pamamaalam ni Blanca sabay ngisi ng pagkademonyita na nauwi sa napakalakas na halakhak.

"Makakaganti na rin ako sa wakas sa pamilya mo Cornelia, sa pinakamamahal mong apo na siyang aani ng poot ng isang katulad ko at wala ka ng magagawa!" sigaw ni Blanca. Biglang kumidlat ng matalas at kumulog ng napakalakas. Nakapagtataka lang at walang pagbabadya ng ulan.

Samantala sa mansiyon nila Violeta, narinig nila ang napakalakas na kulog at nakita ang napakatalas na kidlat sa kalangitan. Napaantanda si Yaya Nene, nasa hapag kainan sila upang kumain ng hapunan. "Diyos ko ano kaya iyon? wala namang ulan, huling kita ko niyan ng mawala ang Daddy mo Violeta" sabi ni Yaya Nene. "Oo nga natatandaan ko biglang nagkaron ng kaguluhan sa dulong bahagi ng asyenda at nagwala ang mga alagang hayop sa kwadra, malakas pa ang abuwela mo noon Violeta, kapapanganak pa  lamang ng Mommy mo kay Penelope at ikaw ay apat na taong gulang pa lamang" sabat ni Mang Jose. "Si Lola Cornelia mo lang ang lumabas noon at ayaw niya kaming palabasin, panay kidlat at kulog noon na umaabot sa kwadra. Ikaw naman panay iyak at takot ka sa kulog at kidlat" ani Belen. "Pero ngayon po hindi naman na ako takot sa kulog at kidlat di ba? ani Violeta. "Oo naman!" sabay-sabay nilang bigkas na nauwi sa tawanan.

"O siya sige na umakyat ka na sa kwarto mo iha ng makapagpahinga ka na, yung gatas mo iaakyat na lang ng ate Belen mo ha" ani Yaya Nene. "Okay po salamat, pero pass po muna ako sa gatas, goodnight na po sa inyong lahat, kayo na po ang bahala dito yung mga aso po natin na bantay ha , yung mga alarm sa buong asyenda huwag kalimutan at mga cctv siguraduhing okay ang signal" habang paakyat si Violeta sa hagdan. 

Pagbukas niya ng silid, nakita niya si Dreamer na naka yoga style na upo sa harap ng bintana na nakabukas. "Uy Dreamer yung mga insekto papasok po at saka baka biglang umulan mabasa ka pa niyan" sabay buhat kay Dreamer at dinala sa kama niya. "Tulog ka ba ha?o nag iinarte ka namang pusa ka?"  sabay harap sa kanya si Dreamer na nakapikit pa rin at hindi gumagalaw. "Dreamer ha ayoko ng ganyan, nanakot ka ba? hindi na nga ako takot sa kulog at kidlat tapos tatakutin mo ako ng ganyan? Ano ang gusto mo kurutin na naman kita o kilitiin? sabay kiliti sa pusa niya. "Ano ka ba Violeta, sabay dilat ng mata ni Dreamer, para ka namang bata niyan oh! pwede mgpakita ka naman ng maturity, act like an adult" sa isip ni Dreamer sabay irap at talikod sa amo niya. "Eh mas matured pa ako sa iyo ah, saka hindi na nakakatuwa yang ginagawa mo sa akin, anong akala mo sa akin pet mo?" nagtatampong sabi ni Dreamer sa isip sabay higa na sa higaan niya. "Dreamer pasensiya ka na natakot lang ako kanina kesa naman kurutin kita eh kiniliti na lang kita, saka bakit mo naman nasabi yan hindi ba kita pet? oo isa ka lang pusa sa paningin ng lahat pero para sa akin ay kapamilya kita, ikaw ang bestfriend ko, ikaw ang kasama ko lagi, ikaw ang nakakausap ko  at nagbibigay sa akin ng wisdom sa lahat ng bagay, daig mo pa ang tatay ko ha" ani Violeta. "Kung buhay lang sana si Daddy hindi malungkot ang buhay namin, kaso nawala na lang siya na parang bula. Hindi namin alam kung ano na nangyari sa kanya" naiiyak na sambit ni Violeta.

Bigla namang naawa si Dreamer kay Violeta, "Okay na Violeta sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko, minsan kasi nakakatampo na panay kurot ka sa akin, masakit kaya" sabay yakap at pakarga kay Violeta. Pero Violeta may sasabihin ako sayo sana huwag kang matakot, umpisa ni Dreamer. "Yung pagkidlat at pagkulog kanina isa lang ang kahulugan niyan, isang pagbabanta sa buhay mo. Kanina habang nasa konsentrasyon ako na ginulo mo, nakita ko ang isang aninong itim na umiikot sa himpapawid sa taas ng mansiyon. Hindi nga lang siya makapasok dito at may proteksiyon pa rin ang buong asyenda laban sa masasamang ispiritu o nilalang. Yan ang ginawa ng Lola Cornelia mo umpisa pa lang na itayo ang Mansiyon at ang asyenda. Hindi nga lang niya nadagdagan ang proteksyion laban sa masasamang tao katulad ng nanloob kila Mang Jose at namatay na kasi siya" mahabang paliwanag ni Dreamer. 

VioletaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon