Patak ng Ulan

38 1 0
                                    

Pangunahin na, waring kapag  pumapasok ang puting liwanag  sa loob ng isang patak ng ulan ito ay bumabaluktot at nangangalat sa iba't-ibang kulay, anupat ang patak ng ulan ay nagsisilbing isang pagkaliit-liit na prisma. Ayon kay Boyer: Sa loob ng isang patak ng ulan, napakasalimuot ng inter aksiyon ng enerhiya ng liwanag at ng materya anupat ang isa ay tuwirang inaakay sa quantum mechanics at sa theory of relativity.

Ang patak ng ulan ay bumabagsak sa gilid ng burol na kasama ng bilyun-bilyong iba pang patak ng ulan; ang tubig ay humahangos pababa sa isang sapa. Ang sapa na napakalinis na maraming isdang lumalangoy. Ang sapa na nasa dulong bahagi ng Asyenda nila Violeta.

May napakalaking puno ng narra sa dulong bahagi ng sapa na kung saan ay may bangin. Ang punong ito ay ilang  taon nang nagsisilbing harang o gwardiya sa pagbagsak ng  tubig ng sapa sa bangin. Ang tubig ng sapa ay hanggang doon lang sa may puno at hindi na bumabagsak sa may bangin. Noong araw ito ay napakagandang talon ngunit ito ay delikado  dahil maraming hayop na alaga sa asyenda ang nangahulog dito. Kaya nang lumaki ang puno ng narra ito ang nagsilbing harang upang ang tubig nito ay tumila na sa pagbagsak sa bangin. Sa baba ng  bangin ay may malawak na ilog na napakalinis ngunit napaka delikadong lugar. Hanggang sa may punong narra lamang ang sakop ng lupain nila Violeta. Ang puno ng narra na kung mamasdan mo ay pangkaraniwan lamang ngunit ito ay may misteryong itinatago na hindi alam nila Violeta maging ng ibang tauhan sa Asyenda na laging nagpapahinga sa may sapa kasama ang mga hayup na pinapastol nila. May mga tauhan din na malayang nakakapamingwit ng isda sa naturang sapa na kapag malalaki ang huli ay dinadala sa Mansiyon.

Nakarating sa puno ang hinaing ni Cindy na tinangay ng hangin na may kasamang ulan. Nahalo sa hangin ang pag alala ni Violeta at Dreamer.  Nagpulong ang mga maliliit na fairy sa loob ng puno at pumunta sa kwarto ni Lola Cornelia.  Ang loob ng puno ay isang kaharian na  nababalot sa ginto at mabuting awra. Napakaganda nang naturang kaharian ngunit ang nakakapasok lamang ay pawang maliliit na nilalang na alaga ni Lola Cornelia simula noong siya ay bata pa. Mga little fairy kung sila ay tawagin ni Lola Cornelia noong sila ay una niyang makita. Sa malaking puno ng narra malapit sa mansiyon sila nakatira noon ngunit  nang maglaban sila Lola Cornelia at Blanca ay  natamaan  ito ng kidlat na gawa ni Blanca na siyang ikinasunog ng puno at ikinamatay ng maraming little fairies kasabay ng abwela ni Violeta. Ngunit dahil sa kapangyarihan ng reyna ng mga little fairies na si Marie at pinagsamang kapangyarihan ng mga natitirang little fairies ay ginawa nilang little fairy si Lola Cornelia na lingid sa kaalaman ng lahat sa mansiyon lalo na sila Violeta. Ang akala din ni Blanca ay natalo niya ang mortal na kaaway.  Pero hangad pa rin ni Blanca na makuha ang kapangyarihan na taglay ni Lola Cornelia na lingid sa kaalaman niya ay matagal nang pinamana kay Violeta nang ito ay isang sanggol pa lamang. Ang kulay lila na buhok nito at ang lilang star na marka sa likuran nito andun nakapaloob ang napakalakas na kapangyarihang kayang taglayin ng mga puting witches. Ang nakita nilang bangkay at inilibing ay isang puno ng saging lamang  na gawa  ng mahika ng mga little fairies para magmukhang si Lola Cornelia. Nakikipagkita si Lola Cornelia kay Violeta na dinadaan nito sa panaginip.

"Ano yun mga kapatid?" tanong ni Lola Cornelia sa mga little fairies na dumating galing sa labasan. Itinabi muna ng matanda ang mga ginagawang mga halamang gamot na ginagamit ng mga nasa kaharian maging ng matanda. May iba't-ibang kulay ang mga naturang little fairies na umiilaw ang mga pakpak. "May dala kaming hindi magandang balita kapatid" sabi ni Weng ang pinakalider sa kanila na kulay bughaw. "Nababahala ang mahal mong apo dahil sa nangyaring bangungot kay Cindy" sabay kumpas ng wand nito at pinakita kay Lola Cornelia ang nangyari sa Mansiyon. Makikita ang itim na usok na pumaimbolog sa ulunan ni Cindy. "Masama ang itim na usok na ito ramdam ko" sabi naman ni Ana ang kulay berdeng little fairy. "Tama ka Ana napakasama ng itim na usok na iyan sapagkat iyan ay si Blanca ang mortal kung kaaway na hindi titigil hangga't hindi nakakapaghiganti sa aking mahal na pamilya" malungkot na saad ni Lola Cornelia. Nagulat at nahintakutan ang ibang mga little fairies na kasama nila Weng at Ana. "Kailangang makarating ito sa Mahal na Reyna" ang sabi ni Weng. "Naiwan ang ibang mga kapatid natin na nagtatago sa mga bulaklak upang magmasid at magbantay sa mansiyon lalo na kay Cindy at kay Violeta." dagdag ni Weng habang umiilaw ang mga pakpak habang palakad lakad sa kwarto ni Lola Cornelia na ngayon ay nakatanaw na sa maliit na bintana na tinatanaw ang mansiyon. 

VioletaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon