Ano nga ba ang kahulugan ng imahe ng Lady Justice na lagi nating nakikita sa Husgado, sa courtroom, sa law school maging sa mga pribadong opisina ng mga abogado? Bakit nga ba siya ay may piring sa kanyang mga mata at may hawak na timbangan at espada? Mga katanungan na gusto nating malaman ang kasagutan, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na walang alam sa ating batas. Mga tao na nagmamaang maangan sa ating batas, mga tao na walang pakialam sa naturang batas at mga tao na nilalagay ang batas sa kanilang mga kamay sa kadahilanang mabagal ang takbo ng isang kaso sa ating bansa at ang pinakamahirap na dahilan sa mahihirap na tao ay ang walang hustisya pagdating sa kanila.
Pero tayo ay may kasabihan..."Ignorantia juris non excusat or Ignorantia legis neminem excusat" (Latin ng "Ignorance of the law excuses not" and Ignorance of the law excuses no one") hindi mo pwedeng idahilan sa korte na hindi mo alam ang batas na nilabag mo, lalong hindi mo pwedeng ikatwiran na wala kang alam sa ano mang krimen na ginawa mo.
Ilan na nga ba ang pinatay na hindi nakamit ang hustisya? mga magsasaka o mga Lumads na walang awang pinapatay? mga reporter, abogado, pulis, ordinaryong mamayan, babae o lalaki, bata o matanda, bakla o tomboy, at marami pang iba na hindi nakakamit ang hustisya na para sa kanila. Hindi na mabilang simula sa umpisa hanggang sa panahon ngayon.
"Justice is Blind".. Ang ibig sabihin ng piring niya sa mga mata ay Objectivity, ang hustisya ay walang kinatatakutan o pinapaboran maging kaibigan, kamag anak, kakilala, maging ito ay isang pulitiko, mayaman o makapangyarihang tao. Sa kanyang kaliwang kamay ang hawak niya ay timbangan na kailangan timbangin ang mga ebidensiya ng bawat panig na patas at walang papaboran na isang panig lamang. Ang espada sa kanyang kanang kamay ay nagrerepresenta sa gagawin niyang desisyon sa isang kaso na kailangan irespeto at ipatupad.
Makikita sa cctv ang isang babae na naglalakad sa hallway ng Hall of Justice sa Guadalupe RTC Branch 61 na may kasamang pusa at bitbit na folders. Pumasok na sila sa loob. Napakarami ng tao sa loob ng courtroom pero hindi pa naman nag uumpisa ang hearing.
"Good morning Atty. Violeta, good morning Dreamer" sabi ni Mang Jose sabay bigay ng ginawang souvenir na katamtamang laki na jewelry box na gawa sa kahoy. "Ako mismo ang gumawa niyan at ang nag ukit ng disenyong bulaklak saka nagpinta ng purple diyan atty." nagmamalaking sabi ni Mang Jose na nakangiti ngunit may lungkot sa mga mata.
"Wow napakaganda naman ng pagkagawa mo dito Mang Jose pwede ka ng magtayo ng import business ng mga ganito. Maari kitang matulungan sa bagay na yan kung nanaisin mo magsabi ka lamang. Maraming salamat iingatan ko ito dahil alam ko na pinaghirapan mo itong gawin." natutuwang sabi ni Violeta. "Kumusta naman po kayo sa loob? may mga kailangan pa po ba kayo? pakisabi lang lagi kay Mang Kanor kapag nagdala siya ng pagkain niyo at nang maipabili ko kay ate Belen." "Wala naman na Violeta malaking abala na sa inyo ang pagtulong sa akin pati ba naman mga kailangan ko. Libre na nga ang serbisyo mo saka wala din akong maibigay sa iyo kahit na pang appearance fee man lang kaya sobrang nahihiya ako pero sobra ding nagpapasalamat." nahihiyang saad ni Mang Jose.
Si Mang Jose ay nakasuhan ng illegal possession of firearms dahil sa nakuhang baril sa kanyang mga kamay. Meron siyang baril na tinatago sa loob ng bahay nila. Isang kwarenta y singko na binili niya sa kakilala. Hindi niya nasabi kila Violeta dahil sa isip niya itatago niya lang ito at hindi naman magagamit. Hindi nakuhanan ng lisensiya ang baril niya na nakita ng mga nagrespondeng mga pulis nang gabing mangyari ang krimen. Masama ang loob niya sa mga pulis kasi siya na nga ang nawalan ng pamilya ay siya pa ang nakulong dahil sa wala lamang lisensiya ang baril na ginamit niya lang naman upang ipangtanggol ang mag ina niya. Ngunit alam niya naman na siya ang may mali kung nakuhanan lang ng lisensiya ang baril niya ay wala sanang problema. Ginawa lang naman ng mga pulis ang trabaho nila kaya naintindihan niya naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Violeta
FantasiAng buhay ay nababalot ng mahiwagang misteryo na inaarok ng bawat isa kung ano ba ang sikreto ng hiwagang bumabalot sa ating pagkatao at sa ibang katauhan na maaring magdala sa atin sa sariling kapahamakan o maaring siyang magliligtas sa lahat. Isan...