Piitan

52 4 0
                                    

Isang dakong kulungan para sa  isa na lilitisin o ng isa na nasumpungang nagkasala ng paglabag sa batas.  

Ang kulungan, piitan o bilangguan sa ating bansa ay maihahaluntulad sa kaha ng posporo maging sa lata ng sardinas. Masikip, madilim, madumi at maingay. Kung ikaw ay isang bilanggo na nasa loob ng piitan maaring ikasira ng ulo mo ang sitwasyon mo o mawalan ka ng pag asang makalabas pa dito. Maaring humina din ang pananampalataya mo sa Poong Maykapal. Ngunit maaring ito ay magpalakas at magpatibay sa iyo upang malampasan ang anumang pagsubok na maaring dumating pa sa buhay mo.

Lahat ba ng nasa loob ng piitan ay masasamang tao? Ang mga nakakulong ba doon ay talagang nagkasala o mga inosenteng walang alam sa batas? o sila ba ay wala lang mapuntahan at tinanggap na lang ang kanilang kapalaran? Ilan sa mga katanungang nasa isipan ng mga taong nasa labas. Iyan din ang mga katanungan  na gustong hanapan ng kasagutan ni Violeta.

Tuwing Martes ang schedule ng pagpunta sa Guadalupe Jail Station ni Violeta kasama ang sekretarya na si Kim at ang alagang pusa na si Dreamer. Bitbit ang mga pagkain, gamit pang personal hygiene para sa mga bilanggo. Nakasanayan niya na ang maglaan ng oras para sa jail visit niya na nagsimula pa noong law student pa lamang siya. Nakikipagkwentuhan siya sa mga bilanggo, kapag may okasyon nagbibigay siya  ng mga regalo sa kanila. Hindi siya nandidiri sa kanila bagkus naaawa at nararamdaman niya ang pighati, hirap at problemang dinaranas ng bawat isang nakakausap niya. Sobra ang empathy ni Violeta, lahat gusto niyang tulungan o bawasan ang mga sakit na nararamdaman, kung maari lang. Si Dreamer ang nagsasabi kung sino ang ipaprayoridad na tutulungan ni Violeta, ginagamit niya ang kakayahan na malaman kung sino ang karapadat dapat na matulungan. Mga taong nakulong ng wala namang sala, nalagay sa alanganing sitwasyon at mga inosenteng nadamay lamang sa kaguluhan. Marami na siyang natulungan na ngayon ay nakalaya na at ang iba ay naging tauhan niya sa Foundation.

Nasa loob na ng korte si Violeta at Dreamer. Nakasuot pa rin siya ng lila  na damit na nagpapakita ng kurba ng katawan niya, lilang sapatos at bag. Puting perlas naman na set ang kanyang aksesorya. Ang medalyon niya ay nasa loob ng LV bag kasi hindi niya maisuot sobrang laki ng ginto at ng bato nito na makaagaw pansin. Samantalang si Dreamer ay naka itim naman na jacket na may lilang disenyo at sumbrerong itim. Ang singsing na pula ay nakasuot sa kanyang leeg.  Nirerepaso ni Violeta ang files ng kaso ng kliyente niya na pro bono. Mahilig si Violeta sa pro bono na kaso, mas gusto niyang hawakan ang mga kaso na ayaw ng ibang abogado lalo at walang kakayahang pinansiyal ang kliyente. Siya ang matiyagang humahawak at tumutulong sa mga taong mahihirap na alam niyang karapat dapat sa tulong niya.

Biglang umingay sa loob ng korte sa pagdating ng mga inmates kasama ang mga gwardiya na taga BJMP Guadalupe na siyang gumagabay sa kanila. Dinala ng isang guwardiya ang isang babae na kasing edad lamang ni Violeta. Nakayuko ang babae ngunit mailap ang mga mata ngunit kapansin pansin ang taglay na karisma. Umupo siya sa tabi ni Violeta, habang si Violeta naman ay nakiusap sa gwardiya na tanggalin ang posas ng babae. "Maraming salamat Atty." bulong ng babae. "Walang anuman Cindy, kumusta ka naman? hindi mo raw tinanggap ang mga pinadala ko sa iyo" malungkot na pahayag ni Violeta. "Pasensiya na atty. at sobra na kasi yung pagtulong mo ayoko naman masabi na nanamantala ako sa kabaitan mo" nahihiyang usal ni Cindy. Hinawakan ni Violeta ang mga kamay ni Cindy na nanlalamig at nanginginig sa takot. "Cindy ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na gusto kitang tulungan sa abot ng makakaya ko. Gasino lang naman ang mga pinadala ko sa iyo, sana naman tanggapin mo na para naman kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Basic needs mo lang naman yun sa kulungan, alam ko ang hirap doon" pakiusap ni Violeta. "Okay sige atty. para hindi na makadagdag pa sa iniisip mo ay tatanggapin ko na yung mga bigay mo at ibibigay pa. Maraming salamat sa lahat at pasensiya ka na wala akong maibalik na tulong para sa iyo" naiiyak na sabi ni Cindy. "Huwag ka ng umiyak, malapit ng magsimula ang hearing, mababawasan ang ganda mo" ani Violeta. Si Dreamer naman ay inaantok sa madramang usapan ng dalawa. "Violeta maiidlip lang ako ha wala pa naman si Judge Selma kaya may oras pa ako" sa isip ni Dreamer. "Okay no problem basta kapag nandiyan na si Judge gumising ka at kailangan mong maging alerto, nakakahiya naman na tulog ka habang may hearing. Baka isipan ni Judge eh tulugan na itong Sala niya." ani Violeta sa isip.

VioletaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon