Chapter 18

6.8K 38 0
                                    

3 months later

Natapos na rin ang aking paghihirap at ngayon ay bakasyon na.

Magmula noong gabing yun ay wala na akong balita pa kay Mary. Ang sabi sakin nila Fred, pumunta na ng Canada si Mary.

Mahirap para sakin ang tanggapin na wala na kami ni Mary. Mahirap tanggapin na niloko lang niya ako.

Pero kahit ganoon, ang mahalaga ay natuto ako. Natuto ako sa pagkakamali ko. Pinangako ko sa sarili, na sa susunod na makakarelasyon ko ay hindi na ako muling magpapatukso pa sa iba.

Bubuo ako ng relasyon na walang halong kasinungalingan at mas lalong walang lokohan.

Bumalik na rin ng Cali sila Clowie at Stacy.

Pero bago umalis si Clowie ay sinabihan akong alagaan si Melda. Hindi ko yun naintindihan dahil wala namang namamagitan sa amin ni Melda.

Matagal ko ng tinapos kung ano man ang namagitan sa aming dalawa. Oo inaamin ko paminsan-minsan naaalala ko siya pero hanggang doon lang yun.

Mamatay? Kahit nung isang araw lang nagdasal ka sa banyo siya ang iniisip mo.

Gaya nga ng sinabi ko hanggang doon lang yun.

"Roben! Bumaba ka nga dito! Mag usap tayo!" galit na sigaw sakin ni Dad.

Ano na naman bang ginawa ko?

Agad-agad akong lumabas sa kwarto at dumeretso na sa sala.

"Ano ba yun?" iritang tanong ko sa kanya.

Isang kamao ang tumama sa aking mukha.

Anong kasalanan ko? Mula bata ako ay hindi ko namalayang sinaktan ako ni Dad lalo na ang pagbuhatan ako ng kamay.

This time I know I fucked up kahit hindi ko alam ang dahilan.

Anong dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin?

"Honey please tama na. Wag mong saktan ang bata," pag-awat sa kanya ng stepmom ko.

Nakatayo lang si Melda, umiiyak at nanginginig sa takot.

Anong nangyayari rito? Bakit parang ako lang ang walang alam sa nangyayari?

"Ano bang nagawa ko? Anong kasalanan ko?" tanong ko kay Dad na awat-awat pa rin ng stepmom ko.

"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para parusahan mo ako ng ganito. Pinakain kita. Binihisan. Lahat ng gusto mo binigay ko. Pero bakit mo nagawa sakin to? Bakit?" galit na sabi ni Dad.

"Ano ba kasing ginawa ko at galit na galit kayo? Bakit kasi hindi muna ninyo sabihin sa akin ang kasalanan ko, bago kayo magalit?"

"Kabilin-bilinan ko sayo na wag na wag kang gagawa ng katarantaduhan sa kapatid mo. Pinagkatiwalaan kita Roben. Binigay ko buong tiwala ko sayo dahil alam ko pinalaki kita ng maayos at nasa tama ka ng pag-iisip. Pero bakit mo yun nagawa? Sa kapatid mo pa talaga?"

So tungkol na naman to kay Melda. Ano bang sinabi ng babaeng to para magalit sakin si Dad ng ganito.

"Unang-una hindi ko siya kapatid. Pangalawa wala akong ginagawa sa kanya!"

"Shut up young man!"

"Please Hon. Huminahon ka muna. Please!" pagpapakalma sa kanya ng stepmom ko.

Umupo na kami ni Melda sa sofa at umupo na rin sila Dad sa harap namin.

"Ano bang ginawa ko?" tanong ko kay Melda pero hindi niya ako pinansin.

Nakayuko lamang siya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

She's Horny ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon