Nagmadali na ako umalis sa bahay nila Fred at dumeretso kila Mary.
Pagdating ko sa bahay nila Mary, napansin kong madaming nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
Anong meron? Akala ko naman mag isa lang siya.
Pagkapasok ko ang lakas ng music. May party?
"Hi handsome. Sino hinahanap mo?" wow! ang ganda naman ng babaeng to. Hindi lang maganda malaki pa.
"Alam mo ba kung nasan si Mary?" tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Shit! Kinilabutan ako dun mga tyong.
"Sa taas. Nasa kwarto kasama mga kaibigan. Kay Mary ka na pala. Sayang, sana nakilala kita ng mas maaga," at hinalikan ako sa labi.
Oo mga tyong sa labi ako hinalikan. Pero saglit lang yung paghalik niya. Parang dampi lang.
Umakyat na ako sa taas at hinanap si Mary. Pagbukas ko ng unang pinto biglang dumilim paningin ko sa nakita ko.
Tumakbo ako papalapit sa kanila at hinawakan ko sa balikat yung lalaking nasa ibabaw ni Mary na ngayon ay walang damit.
"Putang ina mo! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" at pinahiga ko siya sa sahig at pinagsusuntok mukha niya.
Ang lakas ng loob ahasin girlfriend ko. Pinagkatiwalaan ko si Mary pero ano? Eto lang mapapala ko sa pagtitiwala ko?
Tama nga sila Fred. Hindi ko dapat binibigay buong tiwala ko.
"Tama na yan! Anong pinagsasabi mo?" sigaw ni Mary.
Wait! Bakit nag-iba boses ni Mary?
Kaya naman tumingin ako sa babaeng sumigaw.
Shit! Ibang babae pala to. Anong gagawin ko?
Umalis ako sa ibabaw ng lalaking nabasag ang labi sa pagkakasuntok ko.
"Sorry akala ko kasi,"
"Shut up! You'll pay for this!" sabi sakin ng lalaki.
Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ako ng kwarto.
Buti na lang hindi si Mary yun.
Kumatok muna ako sa isang kwarto bago ako pumasok dahil baka maulit na naman nangyari kanina.
"Babe! Dumating ka!" sigaw ni Mary pagkabukas niya ng pinto sabay yakap sakin.
Pumasok na ako sa loob at napansin ko ang apat na babaeng kasama niya.
Ang gaganda nila. Kung lahat to matitikman ko masaya na ang gabi ko.
"Shit! Talo na naman ako," sabi nung babaeng kulay pula ang buhok.
Talo saan?
"I told you. Hindi ganung klase ng lalaki si Rob. Kahit siguro nasa kabilang mundo pa siya pag tinawag ko siya, agad agad siyang pupunta" paliwanag ni Mary sa kanila sabay ngiti niya sakin.
"Ang bait naman pala ng boyfriend mo. Sana may boyfriend din akong kagaya niya. Isang text lang pupuntahan agad ako," sabi naman nung babaeng kamukha ni Julia Montes.
"Ang mahalaga panalo ako. Amin na mga pusta niyo!" sabi naman nung babaeng may tattoo. Wow ngayon lang ako nakakita ng babaeng may tattoo.
Bagay sa kanya may tattoo mas lumalabas ang kanyang ganda.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko kay Mary.
"Hayaan mo na ang mahalaga nandito ka na," ngiting sagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
She's Horny ✔️
RomansaI thought it was just a dream. Having sex with her. She's too horny and I can't resist it.