Fast Forward
Ilang araw na lang Christmas break na naman pala.
Anong balita samin ni Mary? Hayun kami pa din.
Wala namang ibang nangyari kundi magsex sa tuwing may pagkakataon kami.
Kapag inabutan ng kalibugan, kahit saan na lang namin ginagawa pero syempre sa pribadong lugar pa din pero mas madalas sa bahay nila.
Balita kay Melda? Mula nung may nangyari samin umiwas na ako sa kanya, dahil alam kong mali ang nagawa ko. May girlfriend akong tao pero nagawa ko pa ding tumikim ng iba.
Magmula nun sa sala na ako lagi natutulog o kaya naman nag-oovernight ako kila Mary para lang di ko matabihan sa pagtulog si Melda dahil baka may mangyari na naman saming dalawa.
May sarili na din syang kwarto ngayon kaya sa bahay na ulit ako natutulog pero madalas wala sila Dad kaya nilolock ko pinto para walang mangyaring kababalaghan.
Sa ngayon hindi na din ako pinapansin ni Melda at higit sa lahat sila na nung lalaking kausap niya noon na ang pangalan ay Michael.
Masaya ako para sa kanila dahil sa wakas may iba ng pagkakaabalahan si Melda.
Mga tropa ko? Hayun break na sila ng mga girlfriend nila. Nagkagulatan lang nung nalaman naming nagkakamabutihan na pala sila Diane at Tin.
Hindi nga kami makapaniwala lalo na ako nung nagkwento sila kung anong nangyari. Nahuli lang naman ni Franco sila Tin at Diane na nagbabaliktaran nung minsang dinalaw ni Franco si Diane sa condo.
Ang malala pa matagal na palang may nangyayari sa kanilang dalawa. Ibig sabihin kung hindi pa nahuli ni Franco, hindi pa sila mabubuking.
Akala ko magdadalamhati ng todo tong dalawa, pero laking gulat ko, may kapalit agad. Ang bibilis talaga makaloko mga hinayupak na to.
"Rob san kayo magpapasko?" tanong sakin ni Fred.
Nandito kami ngayon sa Mall. Mamimili lang kami para sa nalalapit na Christmas party sa school. May exchange gift kasi at si Cheska lang naman nabunot ko.
Balita kay Cheska? Hayun natigil na din siya sa kabaliwan niya. Natanggap na din niyang hindi kami para sa isa't isa.
"Hindi ko pa alam eh. Baka umuwi kami ng Zambales para bisitahin si Grandma, ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Di pa alam ni My eh. Alam mo naman yun biglaan kung magdesisyon" sagot ni Fred.
"Ako di niyo ba ako tatanungin kung san ako magbabakasyon?" tanong samin ni Franco.
"Di na kailangan alam naman naming ipagmamayabang mo lang na pupunta ka na namang ibang bansa," sabi sa kanya ni Fred.
Taon-taon sa ibang bansa nagpapasko sila Franco at ang family niya kaya wala ng bago at di na kami nagtangkang magtanong pa.
"May naisip na ba kayong ireregalo sa mga nabunot niyo?" tanong ko sa kanila.
"Bibigyan ko na lang ng baby si Melda baka mas matuwa pa siya," sagot ni Franco.
Hanggang ngayon hindi pa rin nila alam na stepsister ko si Melda.
"Buti ka pa babae nabunot mo samantalang ako," malungkot na sabi ni Fred.
Si Jacob lang naman ang nabunot niya, ang lalaking walang alam sa mundo.
Walang kaibigan kundi ang mga librong lagi niyang dala-dala. Balita ko hindi daw naliligo ang lalaking yun kaya maging mga teacher namin ayaw siyang lapitan.
"Regaluhan mo na lang ng sabon tyaka shampoo tapos dagdagan mo na din ng deo," sabi ko sa kanya.
"Bigyan mo na din ng pabango total madami ka namang pabango eh," dagdag pa ni Franco.
BINABASA MO ANG
She's Horny ✔️
RomanceI thought it was just a dream. Having sex with her. She's too horny and I can't resist it.