Chapter 10

14.1K 51 2
                                    

Muli ko na naman nalasap ang amoy ng probinsya. Nandito kami ngayon sa Zambales at dito kami magpapasko kila lola.

Wag niyo na ako tanungin kung ano nangyari after ng gabing yun. Well hayun back to normal, hindi na naman kami nagpapansinan ni Melda. This time siya na ang hindi pumapansin. Kahit pinapansin ko sya, di siya umiimik.

"Roben!" tawag sakin ni lola at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.

"Grammy bitaw. Papatayin mo na ba ako?" pabirong sabi ko sa kanya.

"Loko kang bata ka. Namiss lang kita. And speaking of, your cousin Clowie is here," ngiting sabi sakin ni lola.

"Nandito si Clowie?" tanong ko sa kanya.

Si Clowie ang nag-iisang pinsan ko. Umalis sila ng Pinas at nanirahan sa California. Dapat nga kasama kami kung hindi lang namatay si Mom.

"Miss me?" pagtingin ko sa likod, nakangiting nakatayo si Clowie.

"Clowie!" tawag ko sa kanya sabay takbo papalapit at niyakap siya.

"Easy there. You're not my boyfriend dude!" pabirong sabi niya at bumitaw na din ako sa pagkakayakap.

"How's life?" tanong ko sa kanya.

"Buhay pa naman. Anyways I want you to meet my friend. Stacy," sabay turo niya sa babaeng wow, ang ganda niya.

Ibang lahi si Stacy, pero kakaiba yung mukha niya sa mga babaeng may lahi na nakikita ko sa fb. In short, ang perfect niya.

Lumapit samin si Stacy sabay hinalikan ako sa pisngi.

"Hi! I'm Stacy," ngiting sabi niya sakin.

"Hindi pa man kayo magkakilala hinalikan ka na agad sa pisngi. Ano Roben siya na ba ang babaeng ipapakilala mo sa amin?" pagbibiro ni lola.

"Grammy my girlfriend na ako. Soon ipapakilala ko siya sa inyo," ngiting sabi ko sa kanya at muli akong tumingin kay Stacy.

Hindi ko alam pero mapapatingin at mapapatingin ka talaga sa ganda niya.

"Osya sige. Ilagay mo na sa kwarto mga gamit mo para makakain na tayo," utos sakin ni lola.

Nagpanik na ako sa kwarto at nilagay na mga gamit ko.

*knock knock*

"Wala na daw bakanteng room kaya dito daw muna ako matutulog" malumanay na sabi ni Melda.

"Ayaw mo ba sa kwarto ni Clowie?"

"Ayaw mo ba? Sige," aalis na sana siya pero hinawakan ko kamay niya.

"No. It's ok. You can use this room," ngiting sabi ko sa kanya.

Katahimikan ang muling bumalot sa amin. Kahit kailan hindi ako natuwa sa sobrang katahimikan.

"Roben! Melda! Bumaba na kayo dyan para makakain na," tawag samin ni lola kaya naman agad-agad na akong bumaba para makakain na dahil kanina pa galit na galit mga alaga ko sa tyan.

---

"Don't tell me hindi ka naakit kay Stacy," sabi sakin ni Clowie.

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay sa may garden ni lola. Katatapos lang makipagchismisan ni Clowie kay Melda kaya heto, ako naman sinunod.

Kanina medyo awkward pa si Melda kay Clowie siguro dahil ngayon lang sila nagkita pero nung magkausap na, akala mo sila na yung magpinsan. Minsan naiisip ko sana naging babae na lang ako.

"Honestly, hindi," sabi ko sa kanya.

"Hindi? Pero yung mga titig mo sa kanya kakaiba. Don't tell me you want to taste her?"

She's Horny ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon