Day 6

530 15 0
                                    

*****(Day 6)*****

Ang saya ng nangyari kahapon pero ngayon...

Kahit bored na bored na ko sa klase namin dito sa math ay hindi ko parin maiwasan matuwa dahil umuulan sa labas! yehey!!!

Pagkatapos na pagkatapos ng class namin ay maliligo ako sa ulan nyahahaha. Ngayon nalang kasi ulit umulan. Ewan ko ba, tag-araw ngayon pero umuulan.

Kaso...sayang, absent kasi si bestfriend ngayon kasi aalis daddy nya bukas papunta sa states kaya di muna sya pumasok para makapagbonding sila. Hayyy...

"Ok, class dismiss.." At nagsitayuan na lahat ganun din ako. Inayos ko na mga gamit ko at paalis na sana ng tawagin ako ni Ma'am.

"Bakit po??"

"Punta kayo ni Mr. Devalle sa lumang Math faculty room sa baba at ayusin niyo ang mga gamit doon. Akala niyo hindi ko napapansin na hindi kayo nakikinig sa klase ko ah? Well tama kayo, akala niyo lang kaya eto ang susi at lumarga na kayo. Alam nyo na ang dapat nyong ayusin at ligpitin at huwag kayong aalis hanggat hindi pa iyon natatapos. Babalik ako doon para icheck kung ok na para makauwi na kayong dalawa. May meeting pa kaming mga Math teachers kaya hintayin nyo nalang na matapos kami" at binigay nya kay Jacob ang susi.

*gulp*

Oo nga pala, nagtransfer si Jacob ng section kasi ayaw daw niya doon sa mga old klasmeyt nya dahil ang ririndi daw at ang iingay kaya nagpalipat. Buti nalang pinayagan sya ng mga teacher.

Hindi naman sa ayaw ko na nandito siya pero kasi baka matulala nalang ako palagi sa klase kakatitig sakanya.

Di ba niya alam na mas malala pa section namin?

Tumango naman si Jacob at nauna ng umalis papunta sa old faculty at ako naman ay nakasunod lang sakanya.

*****

*cough cough*

Anubayan!!! Ang alikabok!!

Hindi manlang ba nila pinapalinis ang room na'to sa mga janitors?? Puro dust na oh tapos wala pang maayos na panglinis kaya napilitan pa ako na bumalik sa room para kumuha ng walis na walang cancer at daspan na hindi butas butas dahil sa utos ni Jacob -__-

Inayos ko ang mga folder na nakakalat. Si Jacob naman nandun nagpupunas ng mga desk ng teachers na naalikabukan rin.

Binuksan ko yung isang cabinet para ilagay sana ang mga folders doon kasi nakakalat lang at panget tignan ng mapasigaw ako dahil...

May ipis na lumabas at lumipad galing doon!!!! >___<

"Waaaaahhh!!! Ipis!!!" Halos mabaliw na ko kasi palipad-lipad yung ipis at baka dapuan pa ko ~_____~

Napatingin si Jacob sakin at..

"Sh*t!" Muntik na kasi syang maano ng ipis.

Pati ba naman cockroach magiging kaagaw ko? Ayos ah?

Lumapit naman si Jacob sa kaisa-isahang bintanang maliit sa room na'to at binuksan iyon para makalabas. Ako naman ay kumuha ako ng folder at pinaypayan ang ipis para dumiretso agad sa labas at di naman ako nabigo. Whew!

"Psh" at bumalik na sa ginagawa niya. Mukhang naingayan sakin hehe

Nagpatuloy narin ako sa ginagawa ko pero bago yun ay sinara ko muna ang bintana. Hmm... mukhang lumakas pa ata lalo yung ulan?? Nagkibit-balikat nalang ako at tinuloy ang gawain.

Hayyy...di na ko nakapaligo sa ulan.

****

Sa wakas!! Tapos narin--!!

25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon