*****(Day 15)*****
3rd Person's POV:
Ilang araw na ang nakalipas (day 9-14) matapos ang nangyaring insidente. Hindi na nila nagawa pang icelebrate ang birthday ng dalaga dahil ayaw rin naman nito.
Hindi naman magawa ni Mica na puntahan ang mga magulang niya sa araw ng mismong libing nito dahil hindi parin niya matanggap.
Pero yun ang akala nila...dahil nasa malayo ito at nakatanaw lang. Ayaw niyang lumapit...dahil kapag ginawa niya iyon ay baka hindi nanaman niya makayanan.
Sampung araw nalang ang natitira sakanya dahil halos ang mga nakaraang araw ay wala siyang ibang ginawa kundi ang isipin at iyakan ang kanyang mga magulang.
Ngayon ay nasa loob ng condo si Mica habang binabantayan siya ng Kuya Jake nito.
"Mica...kain ka na oh? Lumalamig na ang lugaw, ilang araw ka narin hindi lumalabas ng condo mo. Tingin mo ba gusto nila na makita kang ganyan?"
"Para san pa...para san pa kung mawawala rin naman ako? Para san pa kung sampung araw nalang ang natitira bago ako mawala? Mas maganda na siguro ito, para advance na at makasama ko na sila Mom at Dad" tumawa siya pero wala kang makikitang emosyon sa kanya.
Tama siya, sampung araw nalang. Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari 'iyon'
"Pero Mica, bakit hindi mo nalang sulitin ang buhay mo?" Tumayo ito at lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina na nagtatakip sa liwanag "napapansin ko lang ah? Kanina pa may nakaparada na kotse sa labas. Sa tingin mo kanino yu--Mica? Mica!"
Nataranta nalang bigla si Jake ng makita niyang nakatingala si Mica at mukhang kinakapos ng hangin. Mahigpit itong nakahawak sa dibdib at kita niya na may tumulo sa mata nitong luha.
"M-mica! Teka lang, dadalhin kita sa ospital! Kumapit ka lang ha?!" Agad niya itong binuhat at sinugod sa ospital.
*****(Day 16)*****
Mica's POV:
Napadilat ako ng mata ng may humahaplos sa pisngi ko. Umidlip lang ako sandali pero di ko na namalayan na may tao. Nakakasawa na dito sa ospital.
Napalingon ako sa taong iyon at..
"J-jasper...bumalik ka, tinupad mo..pangako mo" hirap kong magsalita. Ba't ganun? Ang hina-hina ko na? Ganito ba talaga pagmamamatay na?
Nakita ko siyang nakangiti sakin. Mapupula ang mata niya, siguro ay kakagaling lang sa iyak. Siguro nabalitaan niya ang tungkol sa nangyari.
"I'm sorry b-bestfriend...sorry kasi wala ako para icomfort ka, sorry" at may tulong luha sa mata niya na agad kong pinunasan.
"J-jasper...s-salamat, salamat kasi nandyan ka p-palagi para sakin"
"Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo" napangiti ako. Ang saya ko dahil nakilala ko siya.
"Oo nga pala, pinapasabi ng Kuya Jake mo ba yon? Na sabi ng doctor, pwede ka daw umuwi kung gusto mo. Sabi niya na..na sulitin mo na daw ang araw mo. Nanghihina ka na, putlang-putla ka pa" pilit niya ngumiti kahit halata nama'ng peke "sinabi rin niya na ang kapatid nalang daw ng Daddy mo ang bahala sa pagbabantay ng bahay niyo"
"G-gusto ko na umuwi" inalalayan niya ko makaupo ng maayos.
Isang araw daw ako nakatulog. Kakauwi lang daw niya at nabalitaan niya na sinugod ako sa hospital kaya dumiretso agad siya dito.
Patayo na sana ako sa kama dahil bihis na naman ako ng magsalita siya.
"Happy Birthday Bestfriend. Nandito lang ako para sayo, di ka nagiisa. Huwag kang mag-alala dahil kahit anong mangyari...hinding-hindi kita iiwan. Pangako..." at ngumiti siya
'Salamat Jasper...sa lahat. Isa kang tunay na kaibigan'
BINABASA MO ANG
25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)
Short Story"I'm dying..." Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga katagang iyan pero ayokong kinakaawaan ako. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa nabibilang nalang ang araw ko dito sa mundo. Mahal ko siya pero parang wala lang sakanya, Mahal ko siya at s...