Part 2

11.6K 217 0
                                    

February 2016

ANG alam ni Roxan, okay lang siya. Sobrang calm pa nga niya nang bumaba sa kotse at nag-door bell sa bahay ni Raven La Perez o Rav para sa pamilya at malalapit na kaibigan. Si Rav ang twenty nine years old bachelor na kapitbahay, guwapo, matangkad, macho, may abs—at kaibigan niya.

Okay pa rin si Roxan nang nagtama ang mga mata nila kaninang nagbukas ng gate si Rav na bagong ligo lang. Okay pa rin siya hanggang nasa garden table na sila at nagse-share ng breakfast.

Ang inaasahan ni Roxan sa sarili, magiging okay pa rin siya hanggang matapos ang usapan na iyon—hindi pala. Pagkatapos kasi ng 'proposal' niya at walang reaksiyon si Rav kundi ilang segundong titig lang, nawala na ang comfortable feeling.

Parang bigla ay kinakabahan na siya sa pagiging kalmado ng kaibigan. Oo, nasanay siyang laging calm ang lalaki. Pero ang kawalan nito ng reaction sa topic na 'kasal' ay unexpected.

"Sure ka, Rav?" inabot ni Roxan ang baso at napainom. Hindi niya inaasahan na walang obvious reaction ang kaibigan.

"Sabi mo naman, ready ka na at sagot mo lahat ng expenses," ang sinabi ni Rav. "Why would I say no to you?" kaswal na kaswal ang tono. Parang tungkol lang sa lunch out ng weekend ang topic at hindi lifetime commitment. "Valentine's Day," ang idinugtong ni Rav. "'Tingin mo, kaya kong i-reject ka sa araw ng mga puso?"

Oh, well...

Pinigil niyang mapangiti. Sinadya talaga ni Roxan na isakto sa Valentine's Day ang 'proposal' para naman may positive vibes. Tama siyang hindi ire-reject ni Rav ang proposal niya. Pero hindi rin naman ang agad agad na pagpayag ang inaasahan niya.

Sa totoo lang, hindi nga rin iniisip ni Roxan ang lifetime commitment na kahulugan ng proposal niya. Ang focus lang ng dalaga ay ang mismong kasal—ang kanyang dream wedding. Ang buong seremonya lang sa simbahan na ang maiiwang proof ay masasayang mukha sa pictures at videos.

"Sure ka ba na pupunta ka sa simbahan? Sayang lahat ng preparations at gastos ko kung magbabago ang isip mo sa last minute na—"

"Magye-yes ba ako kung balak ko lang maging runaway groom sa dream wedding mo, Ann?"

"Game ka rin sa conditions ko?"

"One, kailangan nating magkita at magsama lagi para ma-assess mo kung puwede ba tayong magtagal kapag nanghinayang ka sa annulment expenses or na-guilty kang sirain ang pagkatao ko. Two, sa 'yo ang weekend ko. Three, kailangan mong makita ang masamang ugali ko, bawal magbait-baitan. Four, no sex—or I'm dead. Bawal ang akitin ka. Bawal akong magpa-cute. Five, okay lang ang away pero major offense ang pagsigaw. Six, ang punishment sa major offense—iisipin mo pa. Seven, hanggang hindi ka pa naglalakad papuntang altar, puwedeng-puwede ka pang umurong at wala akong karapatang pigilan ka. Pero ako, within fifteen days lang puwede magbago ng isip at umatras—may na-miss ba akong details?"

Napangiti si Roxan. "Wala. Ang galing lang ng memory mo, Sir!" inilatag nga niya ang mga kondisyon na binanggit nito.

"Kain kang marami, Ann."

Roxan Altierro ang pangalan niya at Rox ang nickname na tawag sa kanya ng lahat. Pero kay Rav, siya si Ann—na tawag rin sa kanya ng ina at ni Kuya Rod, ang nag-iisang kapatid at Kuya nito.

Napatitig siya sa mukha ni Rav. Hindi makapaniwala sa tono na parang isa siya sa mga estudyante nitong dinidiktahan. Magsasalita sana si Roxan pero naunahan na naman siya ng lalaki.

"Hindi healthy sa brain ang nag-i-skip ng breakfast."

Hindi na nakapagsalita si Roxan. Parang gusto niyang may nagre-remind na kailangan niyang mag-almusal. Ah, parang ramdam na niyang magiging okay ang resulta ng 'trial period' na kondisyon niya. Tama lang pala na si Rav ang inalok niya ng kasal.

Wala mang groom sa totoong kahulugan ng salita, matutupad pa rin ang dream wedding na ilang taon na niyang pinaghandaan financially. Sisiguraduhin ni Roxan na mas maganda siya kaysa sa bride ng ex-boyfriend na si Cedric.

"Ann?"

Napatingin siya kay Rav habang umiinom ng tubig. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki.

"Bakit ako?"

"Ang napili kong groom? One—Single ka! Two, isa ka sa iilang lalaking friends ko na alam kong 'di babaero. And three, mabuti kang tao. Ikaw, bakit parang 'di ka nag-isip? Yes agad?" kasunod ang malapad na ngiti. Sa totoo lang, ang tingin ni Roxan sa usapan ng kasal ay isa lang sa mga 'deal' na kino-close niya.

"Minsan lang may nag-offer sa akin ng kasal na free," kasunod ang obvious na ngisi. And one more reason, gusto kong subukan na maging groom sa bride na...parang sweet naman."

Magaang tumawa si Roxan. "Desperada much ba ang dating ko at naawa ka?" Walang kaso iyon kay Roxan. Hindi importante sa kanya ang iisipin ng ibang tao o ang opinyon ng mga ito sa desisyon niya. Ang mahalaga, alam niya kung ano'ng gusto niya at handa siyang panindigan ang bawat piniling desisyon. Bonus na lang na alam niyang hindi si Rav ang klase ng lalaking pabago-bago ang isip at walang isang salita. Kapag sinabi nitong 'yes', hanggang sa huli, paninindigan nito ang 'yes' na iyon.

Umiling si Rav. "No. Gusto kong alam ng babae kung ano'ng gusto niya."

Ngiti na lang ang sagot ni Roxan. Gusto na niyang ikasal bago matapos ang twenty-sixteen. Hindi nag-work out ang nag-iisang serious relationship niya. Iniwan siya ng boyfriend para sa ibang babae. Twenty lang siya noon. Walang nang ibang lalaki pagkatapos ni Cedric. At sa September, ikakasal na ang ex-boyfriend sa babaeng ipinalit sa kanya!

Ang huling limang taon sa buhay ni Roxan, inubos na ng dalaga sa pagpaplano ng magiging buhay niya pagdating ng twenty-five. Nagtrabaho siya na parang wala nang bukas. Natupad ang lahat ng plano niya sa sarili—mula sa savings, sariling bahay, investments. Isa lang ang hindi pa natutupad, ang dream wedding na talagang balak niyang i-push bago siya mag-twenty-six. Malaking tulong din ang mana niya sa hindi nakilalang biological lola sa mother side.

Dahil sa post ni Fanny—pinsan ni Cedric at 'ex-friend' niya, kumampi kasi sa babaeng ipinalit sa kanya ni Cedric noon—nalaman niyang ikakasal na si Cedric. Sa mismong month pa na gusto niyang ikasal—September. Sa date ng birthday ng kanyang ina. At ang bride? Same woman na ipinalit sa kanya!

Hindi na makikipag-agawan sa month si Roxan. Okay lang na hindi siya maikasal ng September. Ang mas mahalaga, matupad ang dream wedding niya—sa simbahan at private celebration lang. Mga pinakamalalapit na tao lang ang bisita nila. White wedding at suot niya ang gown na noon pa man ay nakikita na niyang inirarampa papuntang altar.

Pero may isang problema si Roxan...

Roxan And Rav PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon