"PARANG gusto ko nang ganito everyday," si Roxan na nakangiti. Nasa passenger seat siya ng sariling kotse. Si Rav ang nasa manibela. Ihahatid siya nito sa office bago pupunta sa sariling lakad. Whole day ang naka-schedule niyang seminar. Hindi niya kailangan ng kotse. Walang masasagasaang lakad maghapon man gamitin ng kaibigan ang kotse niya. Six PM na ang usapan nila. Susunduin siya ni Rav at sabay silang uuwi. "Hindi ubos ang energy ko sa traffic. Alam mo ba, 'pag naiipit ako sa traffic pagkatapos ng buong araw na nagda-drive ako, napapa-wish ako ng asawang marunong mag-drive," dinaanan niya ng mga mata si Rav, naka-focus sa manibela ang atensiyon nito. "Para naman kapag buntis ako, may dysmenorrhea, may sumpong or tamad lang, may magda-drive para sa akin."
Hindi nag-react si Rav, sinulyapan lang siya at medyo ngumiti na parang naaliw sa pinagsasabi niya.
"Kaya lang, pagdating ko sa unit na ang tahimik, ang maiisip ko na naman—kung 'yong mga couple na mahal na mahal ang isa't isa nang nagpakasal, naghihiwalay pa rin, paano na? 'Yong unit ko na tahimik, magiging maingay kasi mapupuno ng tawanan, ng healthy arguments at deep conversations sa mga unang months at weeks after ng wedding. Pero paano kung dumating na sa stage ng trials, ng mga unsolved arguments, ng miscommunications 'tapos 'di na nagkakaintindihan? Paano kung nag-decide na kaming pakawalan ang isa't isa? Babalik sa pagiging tahimik ang unit—maiiwan na kasi akong mag-isa kasi hindi na namin kayang magsama pa. Ang hirap 'di ba? Witness ako noon kung paanong tamad na tamad si Papa na umuwi sa tunay niyang asawa. Hindi naman marriage for convenience ang kasal nila ng legal wife niya. Na-fall out of love lang talaga siya. Kaya nga mas natakot ako, eh. Totoong wala talagang permanent sa mundo. Kahit 'yong love na pinatibay ng marriage vow, kumukupas pa rin. Nababawasan bawat taon...hanggang mawala na talaga." umiling siya at napangiti nang may pait. "Kaya naisip ko, mas okay siguro na i-experience ko na lang ang maging bride sa white wedding na dream ko, 'tapos balik sa dating buhay mag-isa. Wala pang stress sa adjustment. 'Ayun, nag-ipon ako nang nag-ipon para sa wedding at annulment expenses." Saka magaang tumawa. "Nakakatawa ba ang trip ko, Rav?"
"Hindi naman," sabi nito. "Single ka ngayon kaya madali lang gawin 'yan. Plus, pinaghandaan mo ang expenses. Pero kung may mahal ka na, wala kang ibang gugustuhing makasama. Pagtatawanan mo ang ideya ng kasal na walang pag-ibig."
"Hindi ba mas masakit kung mahal namin ang isa't isa ng ilang taon tapos sa huli, may mang-iiwan kasi nagmahal ng iba ang isa sa amin?"
"Hindi naman lahat ng asawa nagloloko, Ann."
"Karamihan."
"Si Dad, hindi."
"Si Papa, oo." Tumingin siya sa labas at napabuntong-hininga. "Sa paningin ng legal niyang pamilya, nagloko siya. Sa paningin ko, nagmahal siya, Rav. Nakita ko kung paano nila alagaan ni Mama ang isa't isa noon. Mas nakakatakot isipin na ang lalaking pinili kong makasama habang-buhay, magmamahal pala ng iba pagkalipas ng mga taon. At mas masakit para sa asawa ang maiwan—dahil pinili ng asawa niya ang ibang babae."
"Iba iba naman ang kuwento ng bawat pamilya, Ann. May mga husband and wife na magkasama pa rin hanggang sa huli."
"Kasi siguro, pinili nilang hindi bumitaw."
"Piliin mo rin."
"Pero paano kung paulit-ulit ko siyang pinipili pero siya, ayaw nang kumapit kasi may pinipili nang ibang babae...ibang buhay? Ang sakit 'di ba?"
"Ibig sabihin no'n, hindi siya ang tamang lalaki."
"Nakasal na't lahat tapos 'di pa pala siya ang tamang lalaki?"
"May mga tao kasi talagang nakilala lang natin para mag-iwan ng lesson at hindi para mag-stay. Ang taong para sa 'yo talaga, pipiliin ka rin nang paulit-ulit. Pipiliin rin na mag-stay despite all odds."
"Magkaiba ba ang tamang tao at ang taong destined para sa atin?"
"Mas madalas, iisang tao lang sila."
"Na-meet mo na ba 'yong sa 'yo?"
Sinulyapan siya ni Rav at ngumiti lang.
"Iba ang ngiti mo, ah!"
"Yes," ang sinabi ni Rav. "Hindi nga lang ako ang pinili niya."
"'Yan! 'Yan na nga ang sinasabi ko!" malakas na bulalas ni Roxan. "'Di ba ang unfair? Para sa 'yo siya na ang tamang tao pero sa kanya, iba pala. Ang saklap 'di ba? Iba ang The One ng The One mo!"
"Magiging boring naman ang mundo kung lahat ng nagmamahal, mahal rin ng mga mahal nila. Walang twist ang mga kuwento. Walang challenge ang journey."
"Kaya pala 'di ka naggi-girlfriend," ang nasabi ni Roxan mayamaya. "Basag din pala ang puso mo, eh. Kaya pala feeling ko no'ng nag-eemote ako sa 'yo after ng break up namin ni Cedric, gets na gets mo ang pinagdadaanan ko!"
Ngumiti lang si Rav. "Hindi ka totoong nagmahal kung 'di ka nasaktan, Ann."
"Pero natakot ka na rin sumubok, 'di ba? Kaya nga single ka ngayon, eh."
Umiling si Rav. "Hindi ako takot," mayamaya ay sabi nito."Single ako kasi mahal ko pa rin siya."
"OMG!"
Magaang tumawa si Rav.
"Sino 'yan? Bakit hindi ka man lang nag-share dati? Nasaan na ngayon? Wala na bang chance?"
"Kung meron, ikaw ang unang makakaalam."
"Eh, ba't ka magpapakasal sa akin? Pa'no kayo?"
"Let's just say...umaasa akong makikita niya ang mga hindi niya nakita noon."
"Ah..." tumango-tango si Roxan. "Alam ko na, gusto mong ipa-realize sa girl na 'yan kung ano'ng nawala sa kanya? Sige lang. Pipirma naman agad ako sa annulment papers kaya wala kang dapat isipin sa kasal natin."
Ilang segundong katahimikan.
"Gusto mong mag-stay muna ako ng one week?" pag-iiba ni Rav sa topic. "Ako muna ang driver mo. Next week pa naman ang mga aasikasuhin ko sa Victoria."
"Kung 'di ka busy, okay sa akin." bumaling si Roxan kay Rav at ngumiti. "Pero ako na sa kama at ikaw sa sahig, ah?"
"Sorry," ang lapad ng ngiti ni Rav. "Dapat ginising mo ako."
"Nakapag-steal naman ako ng best picture kaya okay lang," sagot ni Roxan. "Nakita mo na 'yong new post ko sa FB? Nag-comment sina Kuya Rod!"
"Nakita ko nga."
"Hindi mo naman ka-FB si girl na mahal mo?"
"Ka-FB."
"Ay! Sino? Five thousand ang friends mo, sino sa mga 'yon—"
"Sasabihin ko rin—kasabay ng annulment papers na isa-sign mo."
"Naisip ko lang, ang gulo ng love story ko, ah? Iniwan ako ng magaling kong first boyfriend. Nagpakasal ako sa super bait, super guwapo at may abs kong friend then later on, nagpa-annul ng kasal para maging bride's maid sa kasal ni friend turned ex husband. Saklap bes!" at sinundan ng magaang tawa. "Pero mas okay iyon, at least, alam kong iyon talaga ang dapat mangyari. Walang involve na emosyon." sumandal siya sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Pinigil niyang huminga nang malalim. Parang mas marami siyang nalalaman ngayong mas madalas na niyang kasama si Rav.
Hindi na magugulat si Roxan kung may mga gabing parating na makikita niya ang sariling nagchecheck ng mga babae sa friends list ni Rav. Hinuhulaan kung sino sa mga babaeng iyon ang mahal nito.
At age nineteen, naging model at actor si Rav habang nasa college. Isang taon na huminto pero bumalik rin sa pag-aaral. Kung ano-anong sales job rin ang pinasok bago nag-seryoso at tinapos ang four year course. Pumasok din sa Graduate school bago piniling magturo na. Sa mga taong iyon, wala siyang balita sa mga personal activities ng lalaki kaya malabong mahulaan ni Roxan kung sino sa mga babaeng naging malapit rito ang babaeng mahal ni Rav. Lalo na at hindi nito dinala sa bahay ang babaeng iyon. Kung tama ang hula niya, nasa relationship ang babae noon at baka hanggang ngayon. At si Rav ay nagmamahal ng lihim.
Napabaling si Roxan sa kaibigan. Napatitig siya sa mukha nito nang ilang segundo. Parang gusto niyang abutin ang pisngi ni Rav at haplusin. Alam na niya ngayon kung bakit kailangan nitong umalis na ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
Para mag-move on nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
Roxan And Rav PREVIEW ONLY
RomancePublished. Copies are available (ebook and physical book) Note: This is just a WATTPAD VERSION. Unedited copy.