Part 5

8K 207 21
                                    

"HI, babe!"

Mula sa pagbabasa ng text convo nila ni Rav—na maiikling 'good morning' lang ang lagi nitong sine-send at hindi pa araw-araw—ay nag-angat ng mukha si Roxan. Parang automatic na ang ngiti niya nang magtama ang mga mata nila. Napansin niyang may dalang bowl ang lalaki.

"Lahat talaga ng endearment balak mong gamitin ng isang araw lang?" si Roxan, bumaba sa dala nitong bowl ang tingin. "Ano'ng dala mong food?"

"Ginataang manok," sagot ni Rav, nakangiti rin nang ilapag sa mesa ang bowl. "Na maraming malunggay, Sugar. Para healthy ang maging baby natin."

Nagkatunog na ang tawa ni Roxan sa hirit nito. "Baby na talaga agad, eh. 'Upo ka na nga, puro ka joke diyan!" kaswal siyang inakbayan nito at hinalikan sa gilid ng sentido. Nasagap agad ng sense of smell niya ang pamilyar na cologne nito. Napatingin tuloy siya sa lalaki—at napansing cute ito sa suot na worn-out bluish T-shirt at white shorts. Hindi mukhang college professor. Parang twenty-something cool guy next door lang.

"Kumusta naman ang almost a month na hindi umuwi ang bride ko?"

"Maraming blessing," sagot ni Roxan, bumaling kay Rav at ngumiti. "Iniisip ko nga, ikaw siguro ang lucky charm ko. Since naging fiancé kita, sunod-sunod ang sales ko!"

"Talaga? That's good news, babe!"

Napakamot siya sa sentido. "Tigilan mo kaya ang kaka-babe diyan," sabi niyang natatawa. "Hindi kilig eh, eww ang effect!"

"Okay, sweetheart."

"Sweetheart!"

"Honey."

"Rav."

"Sugar—"

"Rav, hindi talaga okay—"

"Let's pray first, babe." At seryosong nag-sign of the cross kasunod ang short prayer. Naudlot na ang tawa ni Roxan, nanahimik na lang. Pagkatapos ng prayer, inabot nito bowl ng ginataang manok na dala kanina at nilagyan ang plato niya. Siya naman ang naglagay ng kanin sa plato nito.

"Kumusta ang weeks mo?" si Roxan nang nagsimula na silang kumain pareho. "May mga students pa rin na ng-iiwan ng love notes sa table mo at nagpi-PM ng feelings?" naalala niya ang palitan nila ng messages sa FB Messenger last week. Nabanggit nito na nagbabasa ng mga confession ng feelings ng mga students nito kaya naka-online sa FB.

Napangiti si Rav. "Sanay na ako."

"Mahirap maging guwapong professor 'no?"

"Medyo," at ngumisi. "Kaya kailangan ko na talagang ikasal."

"May ilang months pa," sakay naman niya. "Tiis-tiis muna. Guwapo, eh."

"Kaya nga. Parang sumpa," sabi naman nito, nakangisi.

"Ay, wow!"

Tumingin ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila nang ilang segundo. Hindi nawawala ang ngiti nito. Bumungisngis siya bigla. "Kinilig ka do'n 'no? Joke iyon—aw!" Pinisil bigla ni Rav ang pisngi niya.

Binobola na nila ang isa't isa nang mga sumunod na minuto. Ang bolahan, nauwi sa asasan, hampasan at tawanan. Buhay na buhay ang tunog ng tawanan nila ni Rav. Mayamaya ay unti-unti rin na nawala ang tunog ng tawa ni Roxan. Naging tahimik na siya at napatitig na lang kay Rav.

"May iniisip ka," baling ni Rav pagkatapos ilapag ang baso ng tubig. Napangiti si Roxan. Alam na alam talaga nito ang mga ganoong moment niya—ang biglaang paghinto at pagtahimik kasunod ang pagtitig sa isang particular na bagay o kaya ay ang pag-shift ng tingin sa malayo. Pero sa pagkakataong iyon, kay Rav siya tumitig. "Tungkol sa wedding?"

Roxan And Rav PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon