Part 3

9.3K 219 5
                                    

MATINONG GROOM. Sa pangarap ni Roxan na white wedding, mismong groom ang problema ng dalaga. Wala siyang boyfriend at lalong walang fiancé pero must na maikasal na siya ng December. Oo, pati ang one year preparation, nasa plano talaga niya. One year ang para sa kanya ay pinakamabilis. Kahit pa may wedding planner, ayaw niya ng six months lang. Parang hindi sapat iyon. Mas mahabang preparation, mas magiging maayos ang kalabasan ng kasal. Hindi rin siya magiging ngarag bride.

Natatandaan ni Roxan na hindi naman siguro aabot ng ten ang lalaking ni-reject niya sa five years na nagdaan sa maraming dahilan. At ngayong ready na siya, wala nang potential husband sa mga nasa list niya. Ang dalawang naisip niyang pasok sa criteria ng 'good husband' noon—hindi pa nga lang siya handa sa bagong relasyon—hiwalay na sa mga asawa ngayon. Ang isa at may inabandonang anak, ang isa naman ay may kabit. Nagkamali si Roxan sa judgment na magiging 'good husband' ang dalawa. Mabuti na lang pala, mas inuna niyang i-secure ang finances niya noon. Luhaan sana ang ending niya kung siya ang naging asawa ng sinuman sa dalawa.

Si Rav na lang talaga ang 'deserving groom' na kilala ni Roxan. Ito rin lang ang lalaking alam niyang pagbibigyan agad siya sa annulment kapag gusto na niyang kumalas sa kasal. Kahit pa siguro gawin niyang ground sa annulment na impotent ito o kaya ay psychotic at abusive, pagbibigyan pa rin siya ni Rav. Ganoon kabait sa kanya ang lalaki. Bonus na lang ang magandang genes—maganda at guwapo ang magiging baby nila!

Baby!

Gustong batukan ni Roxan ang sarili. Ang katuparan lang ng dream wedding ang nasa plano niya. Hindi niya gustong magmukhang loser kapag naikasal na si Cedric. Baka isipin ng magaling na lalaki na hindi pa siya nakaka-move on kaya hindi siya nagka-boyfriend mula nang iniwan siya. Tanda niya ang scene na iniwan siya sa restaurant na clueless noon. Tinatanong ang sarili kung ano'ng mali niya. Kung ano ang nagawa o hindi nagawa para iwan siya. 'I'm sorry' lang at nag-walk out na ang magaling na lalaki.

Chikadora si Fanny. Ginagawa rin na diary ang FB timeline. Tanda niyang puring-puri nito ang bagong girlfriend ni Cedric noon, habang siya ay gapang sa pagmu-move on. Insentitive pa ang lukaret, post nang post ng mga moments nina Cedric at ang bagong babae, parang nananadya lang. Gusto siyang mas saktan pa. Kung bakit, hindi alam ni Roxan. Wala naman siyang matandaang masamang ginawa niya kay Fanny. Ang naisip niyang dahilan, ang secret feelings nito kay Rav na nabuking niya nang hindi nito alam. Aksidente niyang narinig na may kausap sa phone at inaaming nag-confess sa guy. Tinanong niya si Rav. Na-confirm ni Roxan ang hinala.

Sa ugali ni Fanny, malamang naikuwento na nito kay Cedric ang updates sa buhay niya sa mga nakalipas na taon. In-unfriend kasi niya si Cedric pero si Fanny, nasa list pa rin niya. Kung tama ang kutob ni Roxan, lihim nitong chenecheck ang timeline niya. Bibigyan ni Roxan ng 'topic' na pag-uusapan ang tropa nito—ang white wedding nila ni Rav!

Pero bakit nga ba niya pinapasok ang kasal na walang pag-ibig na parang napakasimpleng bagay lang? Na parang hindi lifetime commitment?

Hindi sure ni Roxan pero nawala na yata talaga nang tuluyan ang faith niya sa love. Marami na kasi talaga ang kilala niyang mahal na mahal ang isa't isa nang magpakasal pero naghiwalay rin sa huli. May isa pa nga, hindi umabot sa first year anniversary ay naghiwalay na. At ang pinakamasakit na patunay ng nasisirang pagmamahalan ng mag-asawa ay siya mismo. Bunga si Roxan ng maling relasyon. Other woman ang Mama niya. Namatay ng sabay sa car accident ang parents niya noong fifteen years old lang siya. Mula fifteen hanggang nang sandaling iyon, hindi pa rin siya tanggap ng legal na pamilya ng ama. Ang naging pangalawang pamilya ni Roxan mula nang maging orphan, ang kapitbahay na pamilya—pamilya nina Rav. Kaibigan ng Mama niya ang parents ng lalaki.

Pero hindi naging parang magkapamilya ang closeness nina Roxan at Rav. Lagi kasing wala sa Victoria noon ang lalaki. Mas naging kuya-kuyahan niya ang older brother nito. Nasa US na sa kasalukuyan si Kuya Rod kasama ang mag-ina at mga magulang. Hindi man gaya ng closeness nila ni Kuya Rod ang turingan nila ni Rav, kapag nagkita naman sila, automatic na nabubuhay ang friendship. Nawawala bigla ang distansiya. Si Rav nga ang madalas niyang tawagan noong pakiramdam ni Roxan ay hindi na natatapos ang bawat miserableng gabi pagkatapos ng break up nila ni Cedric. Walang sawang nakikinig ang lalaki sa mga rant at sentiments niya. Kapag walang pasabi siyang dumating sa apartment nito noon para lang may makausap, tahimik lang si Rav. Pinakikinggan lang ang mga sentiments niya. Nasa Manila pa sila pareho noon. Three years ago, umuwi ng Victoria si Rav at hindi na nagbalik ng Manila. Sa Victoria Central Colleges na ito nagturo bilang college professor. Si Roxan naman ay last year lang nakalipat sa studio type condo na naipundar niya para sa sarili. Tuwing weekend lang siya umuuwi ng Victoria.

Roxan And Rav PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon