NARAMDAMAN ni Roxan ang maingat na halik sa kanyang noo bago ang pagsakop ng scent ni Rav sa ilong niya. Pinigil ni Roxan ang mapangiti. Hindi naman dapat, napapa-wish siya ng mga ganoong klase ng umaga sa mga susunod pang araw.
Beautiful mornings and warm kisses...
Mas isinubsob niya sa unan ang mukha, pinigil umungol. Parang hindi nagiging maganda ang effect ng madalas nilang pagsasama. May iba na yatang tinutungo ang dating walang malisya niyang pagtingin sa kaibigan.
Natigilan si Roxan mayamaya. Bakit ang bango ni Rav? Napadilat siya. "Rav?" at nag-angat ng mukha. Nakailang hakbang na ito palayo sa kama. Kaya pala mabango, nakaligo at nakabihis na! "Aalis ka?"
"Mabilis lang," si Rav at ngumiti. "Bibili lang kami ng vegies at fruits ni Manong Bong. 'Tulog ka lang muna."
Parang automatic na talaga ang pagngiti rin niya kapag ngumiti ito. Ang magandang umaga yata ang dahilan kaya nag-ala pabebeng girlfriend muna siya. "Ayaw mo akong isama?" nakabaon ang kalahati ng mukha niya sa unan, nakanguso pa. "Daya. Sige, alis na." at ipinikit na uli niya ang mga mata.
Naramdaman ni Roxan ang paglapit ni Rav. "Mabilis lang naman kami, bebe ko," sabi nito, base sa boses ay natatawa. Basag agad ang pag-iinarte ni Roxan. Napangiwi siya sa 'bebe ko' ni Rav. "Nakabalik na ako dapat bago ka pa nagising. Pero ang sensitive ng bebe ko, sobrang ingat ko na nga sa kiss, nagising pa."
Natawa na nang tuluyan si Roxan. "Sige na, alis na!" taboy niya. "Ang eww ng bebe ko!"
Tumawa rin si Rav. Naramdaman uli niya ang halik—hindi na sa noo, sa pisngi na niya bago ang bulong na: "Bye..."
Hindi tuminag si Roxan. Napalunok lang. Pagkarinig niya sa lumapat na pinto, saka lang siya dumilat—at nahaplos ang pisnging hinalikan ni Rav.
Parang naiwan kasi ang warmth ng halik. At sigurado siyang maiisip niya lagi ang pakiramdam ng labi nito sa pisngi niya.
Oh, my...
Napahawak si Roxan sa sariling dibdib.
Bakit may something yata sa heartbeat ko?
Napabalikwas siya. Kahit maaga pa, napa-warm bath na agad. Umaasang tatangayin ng tubig ang mga nagsisimulang bagong pakiramdam.
Nagtutuyo na si Roxan ng buhok nang may kumatok.
Si Mang Joaquin?
Tinungo niya ang pinto at binuksan. Hindi si Mang Joaquin ang nasa labas ng pinto. Napakurap-kurap si Roxan. Para kasing bigla siyang naharap sa isang European model. Ang makapal na kilay ng lalaki at intense na titig ang napansin niya agad. Pero nang ngumiti ito, parang nag-transform sa isang anghel. Ang amo at ang bait ng mukha!
"W-Who are you?" wala sa loob na naitanong niya. Nasa labas naman si Mang Joaquin at nagdidilig ng halaman. Imposibleng may ibang taong makapasok sa rest house na hindi nito payagan—umawang ang bibig ni Roxan sa naisip na posibilidad.
"Favio," ang lalaki at ngumiti. "Good morning."
"O-Oh," nasambit niya. "Roxan," Inabot ang kamay nito at ngumiti na. "Good morning. Ikaw pala si Fav..."
Nang mga sumunod na minuto, nakaupo na sa couch si Favio, si Roxan naman ay sa kama. Nagkukuwentuhan na sila tungkol sa Baguio, sa friendship nito at ni Rav, sa secret legend daw kung bakit naisip nitong bilhin ang isang old house at ipa-renovate para maging ang rest house kung nasaan sila. Hindi napansin ni Roxan na nag-enjoy siyang kausap ang lalaki. Napansin ni Roxan na may angelic face ang lalaki pero ang tindig at dating, may air of authority. Parang may natural invisible walls na nakapaligid pero kapag ngumiti naman, parang instant ang pagbaba ng mga walls na iyon.
Parang bigla, gusto tuloy makita rin ni Roxan ang best friend nitong si Quiah. Na-curious siya kung ano'ng kakaiba sa babae para ma-fall ang isang gaya ni Favio.
At pinagbigyan si Roxan ng Universe. Nasa gitna sila ng kuwentuhan ni Favio, may kumatok na naman. Naisip ni Roxan na warning knock lang ni Rav pero hindi bumukas ang pinto. Pagtingin niya kay Favio, nawala na ang ngiti nito. Parang na-tense bigla pero agad rin na naitago iyon. Naging emotionless ang mukha. Medyo nagtaka si Roxan. May ini-expect bang bisita ang lalaki?
"Si Mang Joaquin yata," si Roxan at tumuloy sa pinto at binuksan—para mapatitig lang sa babaeng parang anghel na bumaba sa lupa at kinatok siya. Straight na straight ang long black hair, naka-white summer dress at perfect ang maamong mukha. Si Rav ang naalala niya sa mga mata nito—parang ang bait.
"Hi," bati ni Roxan. Dalawang beses na siyang nai-speechless sa mga new faces. "Si Fav—"
"Who's there, babe?"
Nakaawang ang bibig na biglang napalingon si Roxan kay Favio. Panatag na panatag ang pagkakaupo nito sa couch. Babe? Basa pa naman ang buhok niya at ni hindi pa siya nakakapagsuklay. Bumalik ang tingin ni Roxan sa babae. Base sa paglunok nito, parang naniwala sa 'babe' ni Favio.
"Quiah," sabi ng babae. "I'm...I'm Quiah. Pakisabi kay Fav, hindi mahanap ni Mang Joaquin ang susi sa kabila. Nagpunta lang ako para kunin ang mga naiwan kong gamit."
"Si Quiah, Fav!" sabi ni Roxan na hindi nililingon si Favio. Mas gusto niyang titigan si Quiah. Manhid siguro itong si Favio. Kung siya ang lalaki, malalaman niyang hindi lang basta kaibigan lang ang tingin ni Quiah rito. "Kukunin daw ang mga naiwang gamit, hindi mahanap ni Mang Joaquin ang susi sa kabilang room."
Wala nang sagot. Mayamaya, naramdaman ni Roxan na nasa likuran na niya si Favio. Sinadya niyang mas hilahin pabukas ang pinto. Nagtitigan na ang dalawa. Ramdam ni Roxan na hindi na siya nag-eexist sa mata ng mga ito.
"Fav..." si Quiah, ngumiti pero naging misty ang mata. Hindi yata napigilan ang emosyon. Segundo lang ay mga luha nang nalaglag sa pingi nito. Bumaling ang babae sa kabilang room. "Walang susi—" naputol na ang sentence, nakalabas na kasi Favio at biglang kinabig ang babae palapit.
At naging witness na siya ng kissing scene ng dalawa.
Ramdam ni Roxan na istorbo na siya sa moment ng mga ito. Umatras siya papasok sa kuwarto at walang tunog na inilapat ang pinto.
Pagdating ni Rav, sina Favio at Quiah na ang topic nila. Hindi matapos tapos ang kilig niya hanggang nasa strawberry farm na sa sila at namimitas ng strawberries.
BINABASA MO ANG
Roxan And Rav PREVIEW ONLY
RomancePublished. Copies are available (ebook and physical book) Note: This is just a WATTPAD VERSION. Unedited copy.